Chapter 21

4309 Words
“My flesh and my heart may fail, but God is the strength of my heart and portion forever.” – Psalm 73:26 NIV ** Chapter 21 Deanne It should be normal but I . . . felt a pinch of pain here in my chest. Nanginig ang mga kamay ko nang pinagpatuloy ko ang pag iimpake. Hindi ko alam kung gaano katagal siya roon sa labas. Pagbalik niya, wala na ang bag ko sa ibabaw ng kama at nagpalit na ako ng pantulog. I am now on my pink silk short shorts and spaghetti top. Humiga ako at nag cellphone sandali. Hindi ko pinatay ang ilaw dahil baka ayusin niya rin ang gamit niya. Kung ganoon, maaga akong matutulog. Hindi ko kayang tingnan siya sa mata pagbalik niya rito. Pagbukas ng pinto, pumasok siya at tumayo sa tabi ng pintuan. Nagse-cellphone ako. Nakatingin si Yale sa akin. I lost my attention on the screen. Matutulog na sana ako para hindi kami mag usap pero ayokong makita niyang iyon nga ang gagawin ko. Parang ang petty tingnan at isipin pa niyang nagpapahabol o lambing ako sa kanya. So, I focus (faking it) on my phone and let him closed the door behind him. Umiinit ang ilong ako. Ang pisngi ko at nakaramdam na ako ng inis sa ginawa niya. In other words, nakakapikon iyong utusan niya akong pumasok dito sa kwarto na para ba akong batang matigas ang ulo. Yes. Inaamin kong naglambing ako sa kanya pero bakit kailangang ganoon katindi ang salita niya? Pautos na, galit pa. I know that I am on my secret agenda. I know that he’s in love with me. Baka mahina pa ang defense ko pagdating sa ganito? Siguro nga, masyado akong nagpapakakampante na bibigay siya sa lahat ng gusto ko. Pati sa unang attempt na pag aakit ko sa kanya. But I discovered now, na pagdating sa pakikipag negotiate o may kinalaman sa Blue Rose, mahigpit ang pagbabakod niya. Maaaring, mahirapan akong tibagin iyon . . . sa umpisa. Ofcourse. Binaba niya ang phone sa side table niya at pumasok sa banyo. Agad kong pinatay ang akin at binaba sa side table ko at pumasok sa loob ng kumot. Tumagilid ako. Nakatalikod sa pwesto niya. Umusod pa ako sa edge ng kama para dumistansya sa kanya. Kung sa mga nakaraang gabi ay nasa gitna ako ng kama dahil niyayakap niya ako, ngayong gabi, sinadya kong pumwesto sa tabi ng edge ng kutson. I didn’t want him to hug or touch me. That’s a very obvious move coming from me. Kapag inis ako, inis talaga ako. At dahil si Yale lang ‘yan, ipapakita kong naiinis at napipikon ako sa kanya. Magkalapat ang mga palad ko. Nilagay ko sa ilalim ng kanang pisngi at sinubukang matulog. But I opened my eyes again. Bukas ang ilaw kaya nakaka distract. Pero t’yak na mag aayos pa siya kaya hinayaan ko na lang at pumikit ulit. Ramdam ko ang yabag niya sa sahig. Lumabas na siya ng banyo. Pinindot ang switch at sinarado ang pinto. Kumakalukos ang bag niya at zipper. Hm, mukhang nag iimpake na. I just felt him stand, walk and do something. I heard him sigh and then silence reign. Nawala pati ang kaluskos ng bag at zipper. Is he done? Ilang saglit lang, kahit nakapikit ako, dumilim lalo ang paningin ko. Tila gumaan ang paligid. He turned off another switch. Baka tapos na siya. So, okay. Gumalaw ang kumot na gamit ko. Hindi ako dumilat. Lumundoy ang kutson sa likod ko, indikasyon na mahihiga siya. At nang makapwesto, inayos niya ulit ang kumot. Malaki iyon pero hinihila niya ang nasa akin na para bang bitin ang bahagi niya. Hindi ako dumilat para makipag agawan ng kumot. Nanatili akong tahimik at ni gumalaw ay hindi ko ginawa. Umusod siya sa likod ko. Pumwesto pa sa gitna ng kama. Nagsimulang kumulo ang dugo ko. Sa laki ng kamang ito, nagawa pa niyang pagharian na para bang ang laki ng sakop ko. At pinatong niya ang braso sa baywang ko, pumikit akong mariin. Nakatagilid din siya at niyakap ako sa mula sa likod. I felt him kissed my hair. Then, settled himself behind me. Mas lalo akong naiinis. Maybe because he isn’t aware. Right now, ayokong nakadikit siya sa akin. Iritado kong inalis ang braso niya sa baywang ko. Binalik ko iyon sa kanya at inayos ang kumot sa dibdib ko. I sighed and try hard to get into sleep. But he slowly put it back. I tsked and removed his arm again with obvious irritation. “Mainit. ‘Wag kang dumikit.” Kahit hinila ko pa rin ang kumot na parang tinatakip ang sarili mula sa kanya. He sighed. Dama ko ang titig niya sa akin mula sa likod ko. I didn’t feel him move again. And after several seconds, he stirred but didn’t try to hug me again. Tumalikod ito at hindi na umimik. Hindi ako agad nakatulog. Matagal akong dilat sa dilim pero hindi gumagalaw. Gusto ko siyang lingunin. Hindi ko naman ginawa. Unti unti nang nalulusaw ang inis ko. But in the morning, hindi ko pa rin siya gustong kausap. Walang imik kaming bumyahe pauwi ng manila. Iniiwasan ko siyang tingnan. Sumusulyap ako kapag nagtatanong ito at sasagot ako ng maikli. Iyong sagot na ayaw kong dugtungan pa niya para hindi kami mag usap nang matagal. Hanggang sa loob ng sasakyan papunta sa mansyon namin para dumaan at kunin ang mga gamit ko, hindi kami nag usap nang matino. Dad and Mom expected us today. Kaya agad kaming pinapasok sa loob ng mansyon. Pinarada ni Dos ang Ford ni Yale sa tapat ng double door entrance namin. Yale sighed and opened his door. He was about to hold my hand but I also opened the door beside mine. Bakit naman ako bababa roon? May pinto rin sa tabi ko. I rolled up my eyes and closed it. He also closed his. Nauna na akong naglakad patungo sa pinto. Patakbo siyang humabol sa likod. Bago ko pa mahawakan ang door knob ay hinawakan niya ang kamay ko. I stopped and sighed heavily. I don’t like it, so I tugged my hand away from his, and opened the door. I stepped inside feeling like I came alone. Pero . . . naglakad ako sa gitna ang sala namin. Naririnig kong may palabas mula sa kusina. I stood there and in my peripheral vision, Yale just stood beside our door. Ngumuso ako. Pinag iisipan ko kung tutuloy na sa kwarto, sa kusina o haharapin ko siya. Paupuin para makapagpahinga. Kahit simpleng aya lang. But I didn’t do any. He remained standing there like some first-time visitor. He didn’t look like he married the owner’s daughter. He didn’t speak nor sit on our big sofa. Hinayaan ko at hindi kinausap. Tinungo ko ang hagdaan at umakyat sa kwarto ko. Nasa landing na ako nang marinig ang boses ni Mommy at binati siya. Hindi ba siya umakyat dahil naroon na si Mom o hindi siya umakyat dahil walang permiso ko? “Hindi ko po kailangan dalhin lahat ng gamit ko, Mom. Ayos na ‘tong apat na maleta.” “Ate, gusto ko ring dumalaw sa mansyon niyo. Pwede ba?” Nginitian ko si Dulce. “You and Yandrei, ofcourse. Tawagan niyo ‘ko.” “With ate Ruth?” Natigilan ako agad. “Ako na lang ang tatawag sa kanya. Pero ‘wag mo siyang isama sa mansyon. Baka . . . hindi niya magustuhan. Basta! Akong bahala sa kanya, Dulce.” In a small bag, I packed all my hygiene products. Iyong importante lang. Bibili na lang ako sa mall sa hindi ko madadala. Ayoko kasing mag empty itong kwarto ko. Babalik pa ako rito. Busy ngayon si Dylan kaya wala sa mansyon. I texted him that I am home but he didn’t reply. So, sobrang busy? “Dulce, pakitawag mo muna ang driver natin. Ibababa kamo ang mga gamit ng ate mo,” “Okay, Mom!” Paglabas ng kapatid ko, nilapitan ako ni mommy at hinawakan ang kamay ko. Pag aalala agad akong nakita ko sa mukha niya. I sighed. “I’m fine, Mom. Nothing happened.” Tinaas niya ang kamay at buong ingat na hinaplos ang pisngi ko. That’s when I realized, I am going to miss her. This room. Our mansion and the whole family. Magkikita-kita pa naman kami pero ito ang unang beses na lilipat ako. Kahit may mga taong nagsasabing humiwalay na ako sa kanila dahil nasa edad na, ayaw ko. Choice ko dahil masaya ako sa kinalakihan ko at walang masama kung kahit malapit na akong mag trenta ay nasa puder pa rin ako ng mga magulang ko. “Did you really have your period, hija?” I giggled a bit and nodded. “I almost forgot nga po. Pero ayun. Sumakto sa honeymoon. Ang galing nga po ng tadhana, e.” biro ko para hindi siya mag aalala. “Paano na ngayon at sa mga susunod na araw? He will eventually . . . look for it,” “That’s my problem, Mom. Not yours. ‘Wag ka nang mag alala. Kaya ko po siya.” Tila may umapela sa utak ko matapos nang pagpapapasok sa akin ni Yale kagabi. Sinubukan kong burahin iyon pero hindi ang kirot sa dibdib ko. I smiled at my mother. I tried to convince her that everything’s well under my hand. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanyang inutusan ako ni Yale na pumasok sa kwarto para hindi marinig ang conversation niya na may kinalaman kay Napoleon Salviejo. That he is guarding himself when it comes to that gang founder. Magbabago ang pakiramdam ni mommy. Mag aalala lang siya at baka kung saan pa mauwi kung agaran akong pakikipaghiwalay kay Yale. I couldn’t even afford to doubt myself. Not now. Maaga pa. Mayroon pang ibang pagkakataon. Lalo na ngayon. Titira na ako sa mansyon ng mga Montevista. May makukuha ako roong impormasyon katulad kung paano ko narinig ang pag uusap nilang mag iina matapos akong iuwi roon ni Yale. I held her hand and closed mine to her. “I’m going to miss you and Dad. Mami-miss ko rin po ang luto mo.” She smiled. “Tinuro ko naman sa ‘yo ang mga recipe ko. Pwede ka ring tumawag kung may nakalimutan ka. And also, always text your father. Tatahi-tahimik lang ‘yon pero sobra mag alala si Johann. Walang araw na hindi ka niya naiisip nang maiwan ka sa isla ni Yale. Ang sabi ni Dylan ay nagte-text ka sa kanya. Your father believes, you’re fine and well.” “I will, Mom. I’ll call everyday pa. Speaking of Dylan, may bago po ba ‘yong ginagawa? For his Ruth, ofcourse.” “I haven’t talk to him much since we came home. Pero nag uusap sila ng Dad mo. May problema ‘yon kaya madaling araw umalis ng isla.” “Sinosolo na naman po niya, ‘no?” Umiling si mom at bumuntong hininga. “Kung hindi kakausapin ang kapatid mo, hindi niya malalaman kung anong kailangan niya. Sometimes, he’s being arrogant. Nag aalala ako. Pati sa trabaho ay nasasabihan siyang gano’n.” “Hindi po ba gan’yan noon si dad?” Tumawa si mom. Nangiti rin ako dahil ang mas lalo siyang gumanda nang gawin niya iyon. “Suplado at mainitin ang ulo ng dad mo noon. Pero . . .” “Pero?” “Matapang siya. Malakas ang loob. At namana niyo ‘yan ng kambal mo.” I smirked. “Well, let’s see kung mapapaputi nina Dean at Dulce ang buhok ninyo ni Dad.” Pinanliitan ako ng mata ni mommy. I teased her more until she smiled at laughed with me. Natigilan kaming dalawa nang may kumatok sa labas ng pinto. “Pasok. Baka ang driver na ‘yan,” si mommy. Tumayo rin ako at pumasok sa walk-in closet para magsalamin. Inayos ko ang waist band ng high waist skinny jeans ko. I twisted my body to see my back on the big mirror. Nag ponytail ako ng buhok dahil sumakay kami ng chopper kanina. I chose my white off-shoulder top with long sleeves. Kapag gumagalaw o naglalakad ay lumalabas nang kaunti ang tiyan ko. “Ikaw ba ang kukuha? Nasa walk-in closet ang iba, hijo. Deanne,” “Po?” I sprayed a bit of Gucci Flora on my neck and arms. Pumasok si Yale. Nagulat ako sandali at napatingin sa kanya. He looked at me on the mirror. He cleared his throat. Tiningnan niya ang dalawa pang maleta na nasa gilid ko. “Ibababa ko ang gamit mo.” I then sighed. Ayun lang pala. Tinakpan ko ang bote ng pabango at binalik sa lalagyanan nito. I am going to buy another one. Yumuko akong bahagya para maitulak sa kanya ang dalawa ko pang malalaking maleta. Hinawakan niya ako sa baywang. Lumapit pala sa likod ko at inusod ako ulit. “Ako na, love.” I gulped. Tumayo akong tuwid. Tinitigan niya ako sandali bago sabay buhatin ang dalawang maleta ko at nilabas ng walk in closet. I gulped nervously after he left. Ewan ko. Mula nang gawin niya iyong kagabi, dumadagdag sa kaba ko ang presensya niya tuwing nagkikita kami. “Babalikan ko po, Mommy. Ako na lang po.” “O sige. Salamat, hijo.” Pinatay ko ang ilaw sa walk in closet. Kung may naiwan man, I can always come back. Bumalik si Yale pagkaraan ng ilang minuto at binuhat ang natirang maleta. Sinulyapan niya ako ulit. I took my bag with me. Sumunod na rin kami sa kanya. Tumungo kami ni mommy sa kusina. Medyo nagulat ako nang makitang nagluto ng maraming pagkain si mom at dalhin ko raw sa bahay nina Yale. “Mom, mas lalo ko kayong ma-miss nito, e.” nakasimangot kong sabi sa kanya at yumakap sa kanyang likod. She chuckled and patted my hand on her flat tummy. “Para hindi ka ma-homesick. This is your first time moving out. I’m going to miss you too, Deanne.” Para akong maiiyak sa pagtulong na takpan ang mga plastic ware kung saan nakalagay ang hinandang pagkain. Sigurado akong marami ring pagkain sa mansyon ng Montevista pero ito ang kakain ko sa loob ng ilang araw para pampalakas ng loob sa misyon ko. Nag usap pa kami nang kaunti. Masayang pumasok si Dulce at nakisali sa amin ni Mom. I also gave her advice since I am moving in with Yale. Hindi porke’t wala na ako sa bahay, maggagagala na siya. I’ll make sure, nasusubaybayan ko sila ni Yandrei. Pareho pa namang mga pasaway ang mga ito. When it’s time to go, binitbit ko ang bags na hinanda ni mom palabas ng mansyon. Nasa entrance door pa lang ako nang makita ni Yale. He looked down on my hands. His lips parted a little. I saw him excused himself from my father and took the bags from me. “Alis na po kami, Dad, Mom, Dulce,” Yumakap ako ulit sa mommy ko. Mahigpit ang natanggap ko sa kanya. She kissed me on my cheek. I chuckled. Ayokong umiyak sa harapan nila. Kapag ganoon, makikita nilang nanghihina ako. So, I hugged my father. He patted my back and kissed my forehead. “Mag-text ka, okay?” I nodded at him abruptly. Without any hesitation. “Everyday, daddy. I love you.” He sighed and then kissed my forehead again. “I love you so much, sweetheart. Please, come home soon.” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang humiwang hapdi sa dibdib ko, pagkatapos iyong sabihin ni dad. When we planned everything and when I volunteered myself, I was okay. I was even very confident that I can pull this off. Without any doubt. But when reality hits you, nakakakaba rin at may halong takot. Kasi sa totoo lang, kung magpapakatotoo ako, mahirap at walang kasiguruduhan itong ginagawa ko. I am still confident. Ang pagiging positibo ang nagpapalakas sa akin. Pero nang bulungan ako ni dad nang ganoong salita, the rush of fear suddenly came. Pinasok ni Yale ang bags ng pagkain sa likod ng kanyang Ford. Matapos kong magpaalam, nagpaalam na rin siya at nangakong babalik kami sa linggo. I got excited, too. Hindi naman pala ako masyadong mabuburyong sa kanyang mansyon. Nagulat ako nang buksan niya ang pinto sa passenger seat. Tinuro niya iyon sa akin. He looked down at me. He licked his lips and parted it a little. Hindi na ko nagtanong kung bakit. Kanina kasi sa likod kami. Ngayon, sa harap na niya ako pinapasakay. Sumakay na lang ako. Kumaway ako sa pamilya ko at saka niya marahang sinarado ang pinto. Nagpaalam siya at nginitian sina dad. Patakbo siyang umikot sa harap ng sasakyan at sumakay sa driver seat. May isa pa kaming dalang sasakyan. Dalawa ang sumundo sa amin pagbaba ng chopper. Marahil, doon na lumipat si Dos. Sinuot ko ang seat belt. Binuhay niya ang makina. I settled and sighed as I watched him driving his car out from my home. Ang lungkot lang. Hindi na ako matutulog dito mamayang gabi. Sa tanda kong ito, nakakaramdam pa pala ako ng separation anxiety. I looked outside the window. Leaving is just temporary. Temporary lang, Deanne. At pwedeng pwede umuwi kahit kailan ko gustuhin. Nagtagal ang paningin ko sa labas ng bintana. Bahagya akong nagulat nang hawakan ni Yale ang kamay ko kaya napabaling ako sa kanya. I didn’t smile or give any reaction. I didn’t even speak to ask. I just looked at him. Nakatingin siya sa kalsada. Ang isang kamay ay nakahawak sa manibela. He expertly intertwined our fingers. Binaba niya iyon sa ibabaw ng hita niya. Mabilis niya akong sinulyapan na parang natatakot akong tingnan. “Gusto mong kumain muna tayo sa labas?” Bumuntong hininga ako. Hinila ko ang kamay sa hawak niya pero . . . hinigpitan niya lalo ang kamay sa akin. “Ayoko.” He nodded. “Mamasyal kaya?” Inirapan ko siya sabay tingin sa harap. “May trabaho ka, ‘di ba? Sa bahay na lang ako.” He chuckled awkwardly. “Ipagpapaliban ko, love. Nabitin ako sa honeymoon natin sa isla.” “’Wag na. Gusto kong magpahinga. Papasok ako sa work bukas.” Tumahimik siya. Tila napaisip na may trabaho pa ako. Tapos ay tumikhim at umayos ng upo. Makati kaya likod niya? May surot sa upuan niya? Napairap na naman ako. “Work? Uh, gusto mo ba talagang mag work pa, Deanne?” “S’yempre. What do you think I’ll going to do after marriage?” Tumahimik siya ulit. He looked something on the road before he answered me. At mukhang gusto niyang mag quit na ako sa WCC! “Can you . . . stay at home?” “What-“ Wait. Napaisip ako. Kung papasok ako sa trabaho at siya rin sa trabaho niya, pareho kaming wala sa bahay. Kaso, sa uwian, sabay din kaming uuwi roon? E, paano ko magagalugad ang mansyon niya kung nandoon din siya? Oo nga. Mas maiging maiwan ako sa mansyon habang wala siya. Tama! Mas okay iyon! “I’ll quit, then. Pero pupunta ako bukas para magpasa ng resignation letter ko. Kakausapin ko rin si Dylan.” Nilingon niya ako. Nang mas matagal kaysa sa sulyap kanina. “Ako ang magtatrabaho para sa ating dalawa. Mas okay kung sa bahay ka na lang. Makakasama mo si Mama.” May mama nga pala. Hindi bale. Sisiguruduhin kong hindi nila mapapansin ang gagawin ko roon. “Is it okay with your parents?” I sighed. “Oo. Wala naman silang magagawa. Nand’yan ka na. I mean, asawa na kita.” “If they will ask for an explanation, just tell me, love. I’m always ready.” Hindi ko na iyon dinugtungan para hindi na humaba pa ang usapan namin. Tumanaw na lang ulit ako sa labas ng bintana. Hindi ako umiimik sa byahe. Sa sobrang tahimik namin, maririnig pati pagbuga ng hininga. Paminsan minsan hinahaplos ng hinlalaki niya ang kamay ko. Palagi ko iyong nararamdaman kahit tulala ako sa bintana. He didn’t attempt to talk with me again. Dahil alam niyang, malamig ako sa kanya. Hindi naman siya mukhang manhid sa nararamdaman ko magmula kagabi. Pero pinipilit niyang kausapin ako na parang walang nangyari. Baka sinusubukan niyang kalimutan na lang iyon at hindi malaking bagay ang nagawa niya. Normal ba iyon sa kanya? O, sige. Hintayin niyang bumaba ang inis ko. “Dito na kayo titira, pretty girl?!” Natawa ako ulit sa kakulitan ni Vee. Nasa kwarto kami ni Yale at tinutulungan akong ilagay ang mga damit sa closet. Naihanda na niya ang pwesto para sa akin. At itong si Vee ang agad na pumorma at tumulong. Pinapaubaya na sa kanya ni Yale ang trabaho pero sumama pa rin ako. “Nandito na nga ang gamit ko. Parang hindi ka pa naniniwala, ah?” Namilog ang mga mata niya. “Hindi lang talaga ako makapaniwala, Mam! Hindi ko akalaing, may dyosang mapapadpad dito sa mansyon! Hala! Magliliwanag na ang bahay na ‘to!” Kinuha ko sa kanya ang na-hanger niyang dress ko at sinabit sa loob ng closet. Mukhang hindi naman nagbago ng ayos ang kwarto na ito. Maliban sa bagong biling malaking kama. He bought a new bed. Though, bachelor touch pa rin ang awra ng kwarto niya. Nagplano ako sa isip ng mga gustong palitan na gamit. Hindi naman na kailangan kaso hindi ko gusto masyado ang vibe. Parang ang plain at ang lungkot. I chuckled. “Sobra ka naman. Nand’yan ang mama nila, ah. Saka si Rock. Maloko rin ‘yon.” Kumuha siya ulit ng damit sa nakabukas na maleta at sinabit sa hanger. Kahit madaldal siya, nakakapagtrabaho pa rin naman. “Si Sir Rock, oo. Nakikipagbiruan. Pero si Madam Rosalinda? Kahit iharap kay Vice Ganda ‘yon hindi pa rin ngingiti. Ngiti lang po, ha. Mahal yata ‘pag tawa.” “Baka gano’n lang siguro siya.” Kinuha ko ulit sa kanya ang damit. “Buti nga kayo mam nakakausap ko nang ganito. Siya hindi. Nakakatakot pa ngang lapitan. Si Manang Soledad lang ang hindi kinakabahan sa aming lahat sa kanya.” Pinakilala rin sa akin si Manang Soledad. Mahinahon siya at maalam sa lahat ng gawain dito sa bahay. Siya rin ang pinakamatanda sa lahat ng kasambahay at maituturing mayordoma ng mansyon nila. Hindi ko nga lang sigurado kung magkakasundo kami. Pero wala naman akong nakikitang problema sa kanya malibang mukha itong metikulosa. “Mahigpit ba si mama Rosalinda rito?” “Ahm, medyo. Kinikilatis niya ang linis namin. Kailangan walang alikabok.” “May mga bisita bang pumupunta rito?” “Meron naman kaso madalang. May pagka . . . sumpungin kasi ‘yong si Madam. Kaya kung may darating na bisita, sandali lang. Hindi nagtatagal.” “Natatakot sa kanya?” “Hindi naman po gano’n. May pagkakataong tumataas ang boses niya at nagkakasagutan sila ng mga anak niya. Mahirap i-explain mam, e.” Tumaas ang kilay ko. “Kung gano’n, anong ginagawa ni Yale?” “Ah, si Ser? Tagasalo ng init ng ulo ng mama niya. Kapag nakakabasag ng gamit, lalo na ng plato, aawat agad iyon. Tapos minsan, siya pa ang nasasaktan. Tagabili rin ng mga gamit na nasira at nabasag. Hindi naman kasi pinapalitan ng dalawa niyang kapatid. Puro kay Ser lahat ang ako. Kaya ang laking pasasalamat ko at may nagpakasal sa kanya kahit gano’n ang pamilya nila. Ibig sabihin, may nagmahal na rin sa kanya.” Pagsabit ko sa hanger, natigilan ako. “Mababait naman silang tatlong magkakapatid. Pero si Ser Yale ang pinakamabait kahit mukhang bugnutin! Secret lang natin ‘yon, ha. Baka magalit ang asawa mo.” I cleared my throat and tried to smile at her. “Ako lang ang makakaalam niyan. Promise.” “Siguro kapag nagkaanak na kayo, lalong sasaya si Ser. Aligaga siya no’ng inaayos ang kasal. Hindi na yata natutulog nang maayos.” “Gano’n talaga sa paghahanda. Mabusisi.” “Oo nga po.” I gulped. “Nakita mo na bang nagsungit o nagalit si Yale? Ano’ng ginagawa niyo kapag galit siya?” Nag isip ito at tumingin pa sa kisame. “Tahimik po siya kapag mainit ang ulo. Nagkukulong lang sa study room sa baba. Bakit niyo po natanong, mam? Nasungitan na kayo?” “Wala. Natanong ko lang.” “Hindi pa ba kayo nag aaway ni Ser?!” Binalingan ko siya. Bumukas ang pinto at pumasok si Yale. He immediately saw me and closed the door. Pagkakita ni Vee sa kanya, nagtakip ito ng bibig at namilog ang mata. “Love,” I sighed. Tumalikod ako at nagkunwaring inaayos ang mga naka hanger na roon sa closet niya. Lumapit siya sa akin at tumayo sa gilid ko. Tinutok ko ang mga mata sa mga damit. “Aalis na ako.” Isang beses akong tumango. Nilingon niya ang mga damit na aayusin pa namin. “Ayos ka lang ba rito?” “Oo.” He sighed heavily and looked at me again. “All right, then.” Akala ko pagkatapos no’n ay aalis na siya. Pero hindi. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Hinarap ko siya nang walang reaksyon sa mukha. “Sige na. Bakit nandyan ka pa?” Inabot sa akin ni Vee ang hanger. Pagbaling ko sa closet, nadaan ko ng tingin si Yale. Sinsundan niya ako ng mata niya. Hindi niya ako sinagot. Tumahimik tuloy sa kwarto. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kahit nariyan siya na parang may hinihintay sa akin. “Tatawag ako.” Hindi ako nagsalita pero tumango ako at nag ayos ulit ng mga damit. I heard him sigh. Hinawakan niya ako sa baywang. Tiningnan sa malapitan. Akala ko ay hahalik siya o may sasabihin. Inalis niya rin iyon kalaunan at tahimik na lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD