“Yet I am always with You; You hold me by Your right hand. You guide me with Your counsel. And afterward You will take me into glory.” – Psalm 73:23-24 NIV
**
Chapter 22
Deanne
Tinanaw ko ang papalabas na sasakyan ni Yale mula sa veranda ng kanyang kwarto. Ito ang unang pagkakataon na iiwan niya ako sa mansyon nila at maaaring pinagkatiwala rin niya ako sa mga taong nandito. I really assumed that.
Bumuntong hininga ako.
Pagkalagpas ng Ford, agad sinarado ng dalawang gwardya ang malaking gate at ni-lock iyon. Binalingan ko si Vee.
“Ano’ng oras ang karaniwang uwi ni Yale galing work, Vee?”
Binubuksan na niya ngayon ang pangalawang maleta ko.
“Kumporme po sa lakad niya, Mam. Pinakamaaga po niyang uwi ay alas seis. Ang pinaka-late naman po ay madaling araw na. Alas tres po yata ang naalala ko.”
Humalukipkip ako. Umarko ang kilay ko sa late na oras niyang uwi.
“Saan naman daw siya galing no’n at alas tres nakauwi?”
“Medyo nakainom po si Ser no’n, e. Galing party yata. Dinig ko sa usap nila ni Manang Soledad.”
Humugot ako ng hangin at pinakawalan din. I think, it’s normal. He’s male and probably, at this status and his looks, may mga babae rin siyang dine-date. Kung hindi man siya madalas na mag girlfriend, siguro, madalas naman makipag flirt sa ibang babae.
Umirap ako sa kawalan. I shifted on my feet then I remember the things that I need to do right now.
“Vee, may computer at printer ba kayo rito? Pwedeng makigamit?”
Hindi ko pa naiikot masyado ang mansyon ng Montevista. Mamaya o bukas o sa ibang pagkakataon na lang. Sa ngayon, kailangan kong mag print ng resignation letter ko na ipapasa bukas sa opisina.
Dinala ako ni Vee sa study room ni Yale sa baba. May kalakihan ang study room niya. Sa magkabilang pader ay may nagtataasan shelves na puno ng mga libro. Iba’t ibang laki, kulay ng spine at kapal ang bawat isa. Hinaplos ko ang isang shelf at tiningnan ang mga librong naroon. May pang business, hotel management, accounting, self-help at iba pang may kinalaman sa business nila.
“Noong mga bata ba sila, nag aaral din sila rito? Or noong college kaya? Ang daming libro, e.” tumawa ako sa huling sinambit.
Sa mansyon namin, sa library ni Dad kami nagre review at gumagawa ng assignment ni Dylan. Seryoso akong nagbabasa pero ang kambal ko, pinaglalaruan lang ang pages nang nakapatong ang mga binti sa working table at nakahiga sa upuan ni Dad. Tinitingnan lang niya ang pictures sa loob ng libro. Tamad mag aral iyon, e. Pinagmamalaki niya ang kanyang ‘stock knowledge’ kuno.
Tinungo ni Vee ang table kung saan nakapatong ang isang flat screen monitor at sa tapat nito ay ang itim na keyboard. Mayroon ding nakapatong na Macbook sa writing pad ng mesa. Nakasarado naman iyon.
She makes sure na malinis ang mesa pati ang computer chair.
“Opo yata. Pero ang asawa niyo po nandito palagi kapag walang pasok sa trabaho.”
Tumango ako at inikot ulit ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Ang pader na hindi naharangan ng shelves ay natatakpan ng asul na kurina. Walang painting tulad ng nasa sala. Wala ring kahit na anong picture frames katulad ng nasa amin. May kulay itim na couch at rectangular na coffee table. Ang tanging palamuti ay ang mababang vase pero walang laman. Sa tabi nito ay isang babasaging ash tray. Malinis iyon.
Tumikhim ako. “May naninigarilyo ba sa inyo, Vee?”
“Hindi po ako, mam!”
I chuckled. Nilapitan ko na siya roon para makapagsimula na.
“May ashtray kasi akong nakita rito.”
Awtomatiko niya iyong tiningnan. Tila staple na roon ang lalagyanang iyon.
“Ah! Kay Ser Yale po. Nagyoyosi po.”
Really? That’s new. Isang beses ko pang pinasadahan ang kwarto bago ako inuntag ni Vee sa computer.
I haven’t seen Yale’s two brothers. Si Mama Rosalinda ay sinalubong lang kami kanina. Saglit lang. Tapos ay bumalik na sa kanyang kwarto at magpapahinga yata. Ayaw lang niyang makihalubilo sa akin. Okay lang din naman. Hinding hindi ako magtatampo sa biyenan ko kahit ano pang iwas ang gawin niya sa akin.
Umupo na ako at nagbukas ng Microsoft word. Nilagyan naman ni Vee ng bondpaper ang malinis na printer na nasa likuran ko. Seryoso akong nag-type roon. Hindi naman kailangang mahaba ang ilalagay. Pero nagtagal ako sa harap ng computer para hintaying lumabas si Vee kapag wala nang gagawin.
“Ikukuha ko po kayo ng cake at juice, Mam Deanne.”
“Ow, sure! Thanks!” then I went back to what I am writing.
“Orange o mango juice?”
“Orange, please.”
“Wait a minute kapeng mainit, Mam!”
Ngumiti ako habang palabas siya. Nang malapat niya ang pinto, saka ko binuksan ang folder ng computer. The mouse clicks consecutive and scrolled down the screen. Sumimangot ako nang makitang kakaunti ang files na nakita ko at documents lang. May soft copies ng contract, proposals, feasibility research at ilang files na may kinalaman sa kanilang negosyo. There was nothing suspicious in here. Kung mayroon man, hindi nila iiwan sa computer nang walang password. I easily opened this. I sighed.
Bumalik din agad si Vee na may dalang tray.
“Ito na po, Mam Deanne. Meryenda na po kayo. Mukhang napagod din kayo sa kasal ninyo sa isla, ah.”
I closed all the files I opened and proceeded to print my resignation letter. Ni-save ko rin iyon sa computer.
Tumayo ako sa harap ng printer. Binaba naman ni Vee ang dala niya sa coffee table.
“Tapos na kayo agad, Mam? Sandali lang?”
Humalukipkip ako at nilingon siya. “Maiksi lang kasi ito. At isang page lang.”
“Ahh. E, ano po ba ang ginawa niyo r’yan, Mam?”
Inuluwa ng printer ang one-page kong resignation letter. Binasa ko ulit iyon.
“Resignation letter ‘to, Vee. Magre resign kasi ako bukas sa pinagtatrabuhaan ako.”
“Ay sayang naman po, Mam. Bakit naman?”
I sighed and double checked my letter. “Ayaw ng Sir mong pumasok pa ako. Sa bahay na lang daw ako.”
“Parang ano naman si Ser . . .”
Mas malalim akong humugot ng hangin at tiningnan siya.
“It’s fine with me. Mas maigi ring nandito ako. Mag aaral akong magluto. Maglilinis at mag aayos ng bahay. Sa tingin mo, okay lang kay Mama Rosalinda ‘yon? I want to change somethings in Yale’s room,”
She pouted her lips a little and beamed a smile.
“Itatanong ko po kay Manang Soledad! Pero sa tingin ko naman Mam ay okay lang. Asawa ka naman si Ser, e. Hindi iyon tatanggi kung ipagluluto mo po. Hehe.”
I smiled again. Tama ako. Hindi mahirap kausapin si Vee.
Pinatay ko ang computer pagkatapos kong mag-print. Hinanapan ako ni Vee ng puting sobre para sa letter ko. Hindi ko siya pinaalis sa study habang kinakain ko ang meryendang hinatid nito sa akin. Nagkwentuhan pa kami. At pagkatapos ay sinasamahan niya akong i-tour ang buong mansyon.
Nagsimula kami sa first floor. Inookupa ng kwarto ni Mama Rosalinda, study room, kusina, dining area, sala, mini gym area at unang storage room. Sa labas ay may car park na pinagsisilingunan ng kanilang mga sasakyan. Mayroon ding malaking swimming pool na ginagamit lang daw kapag may pinapapuntang kaibigan sina Leonard at Rock.
Sa pangalawang palapag ay ang mga kwarto. Ang master’s bedroom ay ang gamit ngayon ni Yale. Sa kanya na raw iyon napunta magmula nang lumipat sa baba ang mama niya. And also because of her condition. Mahihirapan ito sa pag akyat-baba kung sa taas pa rin ang kwarto niya.
Ginawang bakante ang dating room ni Yale. May sari sarili ring kwarto sina Leonard at Rock. Guest rooms are also on the second floor. At isa pang storage room doon. Lahat ng kwarto ay may sariling banyo pero mayroon pa ring common comfort room. Vee said, ni-renovate raw itong mansyon matapos bilhin ng pamilya. It has the vibes of hotel. Na ideya raw ng papa nina Yale.
It was around four pm, nang tawagin na si Vee sa kusina. Pinapatulong na ito sa paghahanda ng hapunan. I thanked her for accompanying me and for being so kind to me. Sa kanilang lahat, si Vee ang masasabi kong pinakamakakasundo ko. At wala pa itong pag aalinlangang magkwento sa akin tungkol sa pamilya. Though, hindi naman niya alam lahat. She’s still a help to me.
I changed to black crop fitted top with long sleeves and high waist leggings shorts. Mataas na ponytail ang ginawa ko sa buhok at ginamit ko ang rubber shoes papuntang mini gym area ng mansyon.
With my white towel on my hand, I went to them and asked if I could use the gym area. Kita ko ang pagkatigil ng mga kasambahay pagkakita sa akin at sa ayos ko. Si Vee ay laglag panga pang tinitigan ang tiyan kong nakalabas kaya napangisi ako. Ang kanilang isang tauhan na umiinom noon ng tubig ay napaubo pagkakita sa akin.
Nahiya ako nang kaunti. Mukhang hindi yata sanay ang mga nakatira rito na may ganitong nagsusuot na damit. Sabagay, puro lalaki ang amo nila. Mas sanay silang makakita ng abs.
Malakas na tumikhim si Manang Soledad at siyang lumapit sa akin. Inayos niya ang suot na salamin. Mabilis ang ginawa niya pero nahuli ko pa rin ang paghagod niya sa suot ko.
“Hindi mo na kailangang magpaalam pa, Ma’am Deanne. Pwede mong gamitin sa kahit anong oras mong naisin.”
“Thank you. Last one, ahm, pwede ba akong makahingi ng isang boteng tubig?”
“Tubig daw!”
“Tubig!”
Nag unahan pa sina Vee at mga kasama sa pagbukas ng fridge. Pati iyong lalaking tauhan, nakisilip pa sa loob ng fridge na para bang hindi pa sapat ang mga kukuha para sa akin.
Binalingan sila ni Manang Soledad at sinutsutan.
“Huminahon nga kayo! Nakakahiya ang mga kinikilos niyo!”
My lips parted. Tumunog ang cellphone ko pero hindi ko tiningnan. Mahina kong tinapik ang braso ni Manang Soledad para awatin ito.
“Okay lang po, Manang. There’s no big deal with me.”
“Pasensya na kayo, Ma’am. Pagsasabihan ko sila mamaya.”
Sasagot sana ako sa kanya pero nagmamadaling binigay sa akin ni Vee ang bote ng tubig.
“Thanks, Vee.”
“May sarili po ba kayong tumbler, mam? Pwede po nating ilagay dito sa ref para may nakahanda na tuwing mag g-gym kayo.”
Tinapat ko sa dibdib ang malamig na bote ng tubig. Hindi ko dala iyong tumbler ko. But it’s a good idea to have one in here.
“Sige. Bibili ako no’n. Gym lang ako.” Sabay turo ko sa direksyon ng kwartong iyon.
“Okay po, Mam pretty girl!”
Kinawayan ko siya bago pumihit palabas ng kusina. On my left hand, hawak ko ang Airpods at tubig. On my right hand, ay ang cellphone at bimpo ko. I checked on it and saw Yale’s message.
Yale M:
I’m in my office, love.
Sinundan pa iyon ng isa pang text. Akala ko tatawag siya?
Yale M:
What are you doing?
Paglabas ako sa makitid na pasilyo, lumiko na ako papunta sa gym nila.
Ako:
Mag g-gym. I used your computer to print my resignation letter. I hope it’s okay with you
Pumasok ako sa loob ng gym area. I switched on the light. Iyong malapit sa pinto lang ang binuhay kong ilaw. Dahil balak kong buksan ang French door para pumasok ang hangin.
He texted again.
Yale M:
Alam mong okay lang sa akin. Do whatever you want in there.
I sighed and didn’t reply anymore.
Tiningnan ko muna ang sarili sa pader na puro salamin. I connected my phone to my Airpods and chose the music. Nang may tugtog na, binaba ko ang phone ko sa ibabaw ng cushion ng bench at lumingon sa labas ng French door. Binuksan ko iyon. Bermuda grass at puting pader ang natatanaw ko roon. I think, walang makakaistorbo sa akin o walang papasok. Kung may kailangan man, t’yak akong si Vee ang unang lalapit sa akin.
I started on the treadmill. I did my usual routine. At dahil hindi pa hingal sa unang workout, pakanta kanta pa ako at feel na feel ang music sa tainga ko. I’m currently playing and singing, “The heart wants what it wants” by Selena Gomez.
Tinitingnan ko ang sarili sa salamin na nasa harap ko. Nasa kanan ko naman ang nakatiklop na French door. After fifteen minutes or so, nagsimula na akong mag jog.
Beads of sweats formed on my forehead and neck. Pinagpapawisan na rin ang likod ko at hita. After nearly thirty minutes without rest, bumaba muna ako at uminom ng kaunting tubig. Napadaan ang isang tauhan ng mansyon. Kita ko ang gulat niya nang makita ako roon. Kumunot ang noo ko at hindi siya pinansin. Agad din namang umalis at mukhang napadaan nga lang.
Binalik ko ang takip ng tubig. Nagpahinga ako nang kaunti.
Sunod kong nilatag ang itim na yoga matt. Dumapa ako roon. I did planking in two different ways. Ramdam ko ang pagtigas ng kalamnan ko matapos ko iyong gawin. Braso at abdomen ang nanakit. Pawis na pawis na ako agad nang humiga naman ako at nag sit-up.
I was gasping for air after that. Umupo ako at yumuko. After my rest, tumayo ako. Pinunasan ko ang pawis sa noo at leeg. Palagi akong napapatingin sa salamin. Namumula na ang pisngi ko. I licked my lips. Habang nagpapahinga, inayos ko na rin ang buhok kong nakatakas sa bandang tainga. Ang ilang hibla ng bangs ko ay dumidikit na sa gilid ng noo ko.
Napalingon ulit ako sa labas. Dalawang tauhan ang mabagal na naglalakad at dumaan. Pareho silang nakatingin sa akin. They both looked down on my clothes. Mabilis na tingin at saka umalis.
Nasundan pa iyon hanggang sa maya’t maya ay may napapadaan na sa nakabukas na French door.
Hindi muna ako nagpatuloy sa pagwo-workout dahil parang nagwi-window shopping sa akin ang mga tauhan. Pinaglaruan ko ang boxing gloves habang mahinang sumasabay na kantang (“Too Little Too Late” – Jojo) hindi ko masyadong alam ang lyrics pero nasasabayan ko ang melody. Napabaling ako ulit sa labas para makita ang mga dumaraan.
Kada tatlo o limang minuto ay may lumalabas d’yan.
Umiling ako. Sinuot ko ang gloves at lumapit sa punching bag na nakasabit malapit sa salamin. I chose to ignore them and do some boxing. Dahil siguro sa nagawa kong exercise kanina ay maganda ang stamina ng katawan ko. But my core muscles are still a little painful. But then, I continued. Hindi ko naman kailangang lakasan ang pagsuntok. Gamay lang.
I could still see some men passing by.
“Ano bang meron dito at pinagkukumpulan niyo?!”
Huminto ako at bumaling sa labas. Dumating si Leonard at kunot na kunot ang noo. Natigilan siya pagkakita sa akin. Nilagay niya ang mga kamay sa baywang at umiling iling habang nakatingin.
“Okay. Now I know why.”
Inalis ko ang Airpods sa tainga. “What’s wrong?” hinihingal kong tanong. Inalis ko isa isa ng gloves at lumapit sa pinto.
He chuckled. May nilingon siya. Sinundan ko iyon. Saktong nagkulasan ang mga tauhan nila paalis sa kanilang kinatatayuan.
“Mga lalaking ‘to. Kung hindi ko pa nahuli . . .”
Pinunasan ko ang pawis sa sintindo. Tiningnan ko si Leonard na may ngisi sa labi.
“Hayaan mo na. Naninibago siguro sila.”
“You think hindi ito malalaman ni Kuya?”
Nagkibit ako ng balikat. Bumalik ako sa loob at nagpunas ng pawis.
“Nagkalat ang CCTV dito sa mansyon, ate D. Malaman lang niyang pinapanood nila ang pagwo-workout mo . . .”
He stopped. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Ganoon din naman ang nakita ko kina Vee at Manang Soledad.
“Malalagot silang lahat.”
I scoffed. “Sobra ka. Hayaan mo na lang. Bagong salta ako rito. Their reactions are understandable. Hindi naman nila ako masyadong ginambala.” Napapatigil ako, oo. Pero ayoko nang gawing big issue ito.
His lips parted. Namaywang siya at tiningnan niya ako sa paraang hindi makapaniwala.
“It’s not right, ate. Tinitingnan ka nila nang may malisya. Hindi ka nila iistorbohin dahil amo ka nila pero sa isipan nila at sa nakikita nilang ayos mo,”
Hinaguran niya ako nang walang malisya kundi pagkumpirma sa gustong sabihin.
Tiningnan ko rin ang itsura ko sa salaming dingding. Longsleeves naman ang pang itaas ko pero crop at fit ito sa akin. Ang leggings shorts, kahit high waist at tago ang hindi dapat makita, sobrang fit din na kinurba na ang baywang at hita ko. Imagination na lang ang kulang.
But then, this outfit is made for workout. Hindi damit ang may problema. Kundi ang mga taong may malilikot na imahinasyon. Hindi pa nakatulong na pawisan ako at namumula ang pisngi ko. I am exhausted from my exercise routine.
Back in our mansion, wala akong ganitong hinarap. Siguro dahil hindi nadadaanan ng mga lalaking tauhan namin ang gym room. I’ve seen my brothers working out na wala pang itaas. Even my cousins. Pero dahil halos magkakapatid at barkada ang turing namin sa isa’t isa, wala akong nakikitang malisosyo or what.
Ngayon lang ako nakaharap nang ganito. Leonard’s pointing out that my outfit is too . . . provocative?
He sighed. “Makakaabot ‘to kay Kuya.”
Sa puntong iyon, dumating si Rock at pumasok galing sa French door. Nakanguso at kunot ang noo. Malamang alam na niya agad ang nangyayari base sa itsura niya. Natigilan pa nang makita ang ayos ko. Tapos ay sumipol.
Uminit ang mukha ko.
Binigyan siya ni Leonard nang matalim na tingin.
I licked my lips. Now, I became conscious. Kulang na lang ay itakip ko ang bimpo sa katawan ko. Wala na rin naman akong magagawa. Kaya imbes na makipagtalo sa suot ko, pagod na rin ako sa isang oras na workout, maliligo na ako.
Niligpit ko ang yoga matt. Nilinis ko ang nagawa kong gulo tapos ay kinuha ang gamit ko.
Rock chuckled. Pareho nila akong pinapanood. Si Leonard mukhang worried at galit. Pero si Rock halos wala lang sa kanya.
“Parang pinapaalis mo naman si ate D. Bakit hindi ang mga tauhan ang paalisin mo?”
“Hindi ko siya pinapaalis.”
“Gagamit ka lang din yata ng gym, e. May date?”
“Tumigil ka nga!”
Hindi ko na sana sila papansin at iiwan na lang doon. Palabas na ako nang bumukas ang kabilang pinto. Nagmamadaling lumapit sa kanyang mama si Rock para makapasok ang wheel chair nito. Nasa likod naman nito si Manang Soledad pero inako na ni Rock ang pagtutulak.
I sighed. Tumigil ako at nag iwas ng tingin kay mama Rosalinda nang mamilog ang mata niya pagkakita sa akin—o sa ayos ko.
“Ano ba ‘tong naririnig ko sa labas? Ikaw ba ang pinagpipiyestahan ng mga lalaki, Deanne? Susmaryosep. Ano ba ‘yang damit mo? Nakaluwa na ang kaluluwa mo, hija!”
Lumunok ako. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko binalutan ang sarili dahil wala naman akong ipantatakip! Kahit hindi naman ako literal na nakahubad pero bigla akong nahiya sa sinabi niya.
“Ang ingay ingay pa nina Vilma sa kusina. Pinag uusapan nila kung gaano ka sexy daw ang asawa ng anak ko. Susme. Bakit ka naman nagsusuot nang gan’yan? Alam mong maraming lalaki rito! Gan’yan ka rin ba sa bahay niyo? Aba’y marami rin kayong tauhan, ah!”
“Mama, gan’yan talaga ang damit kapag nag e-exercise. Walang problema sa damit. Hindi naman niya intensyong magpa sexy kundi maging kumportable lang.” pagtatanggol ni Rock sa akin.
Magkasalubong ang mga kilay, hinaguran ako ng tingin ni mama Rosalinda.
“Pero hindi mo mapipigilang mag isip nang hindi maganda ang mga tauhan natin. Paano kung sa isipan pa lang nila ay hinuhubaran na nila si Deanne?”
“Mama!”
Bumaling din ako kay Leonard.
Pinanlakihan siya ng mga mata ni mama Rosalinda.
“Hindi ba’t tama naman? Binabandera niya ang katawan niya sa mga tauhan!”
Tila ako nanliit sa narinig. Kahit wala akong intensyon na ganoon at ni hindi iyon pumasok sa utak ko, para akong binuhusan ng maligamgam na tubig sa mukha. Yumuko ako. Gusto ko mang tumakbo palabas ng gym, nakaharang sina Rock sa daraan.
Si Manang Soledad ay lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.
“Mukhang napagod ka, Ma’am Deanne. Tapos ka na ba rito?”
“Kuya!”
Sabay sabay kaming lumingon sa pinto. Alam kong maaga pa para sa uwi niya. Pero nandito na si Yale. Umusod si Rock para makapasok siya. Tiningnan ko ang hawak niyang malaking bouquet ng pulang rosas sa kamay.
Binalik ni Manang Soledad ang tingin sa akin galing kay Yale. At inayos ang salamin sa mata.
Tinuro ako ni mama Rosalinda sa kanya.
“Pinagpipyestahan ng mga tauhan natin ang asawa mo! Tingnan mo ang suot,”
Halos umirap ako. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon ni Yale. Yumuko na lang ako ulit. Niingon ko ang nakabukas na French door. Doon na lang kaya ako dumaan? Kaso makikita na naman ako ng mga tauhan nila.
“Ah, kuya,” boses ni Leonard. Parang magpapaliwanag pero umurong.
Hindi nagsalita si Yale. Blangko ang sumagot sa sinabi ni mama Rosalinda at kahit ito ay hindi na sinundan ang nais ipunto sa panganay na anak.
Umalis sa tabi ko si Manang Soledad. Para bang nawalan ako ng shield nang mawala siya. But Yale came to me. Sa sobrang tahimik, naririnig ang lukot o kaluskos ng bouquet na dala niya. Binaba niya ang kamay. Kinuha niya ang kamay ko at tinaas ang mukha ko.
I kind of expected his mad face. Kasi nga, binandera ko raw ang katawan ko. Kaso mali ako. Pagtama ng mata ko sa kanyang mukha, ang tanging nakita ko ay pag aalala at kaba. His angry is just a shadow of them.
He swallowed and stared at me. “Are you okay, hm?”
Bigla, uminit ang dulo ng mga mata ko. I gulped and my chest works violently. Then, I nodded.
“Oo.”
He nodded once. “Tapos ka na ba sa workout mo?”
Hindi niya tinitingnan ang suot ko. Sa mukha ko lang siya tumitig.
Nervously, I nodded at him again. Nalusaw na ang lahat ng confident ko nang magpunta ako sa gym nila.
He smiled a little. “Let’s go upstairs, then.”
Tanging tango na lang ang sinagot ko roon. Hinila niya ako ang kamay ko palabas.
I saw his mother’s panicked eyes. “A-ayon na ‘yon?! Sinuyo pa imbes na pagsabihan! Ano ba ‘yan, Yale?!”
Yumuko ako dahil doon. Tumigil ako sa paghakbang nang huminto si Yale at nilingon ang mama niya. Siya ang tiningnan ko dahil sa gulat. Kinagat ko ang ibabang labi.
Madilim na tingin ang sinagot niya sa kanyang mama. He sighed heavily and tugged my hand again.