“The Lord is my shepherd, I shall not want. He makes me lie down in green pastures; he leads me beside still waters.” – Psalm 23:1-2 NRSV
**
Chapter 23
Deanne
Tahimik kaming umakyat sa kwarto ni Yale. Tinitingnan ko ang likod niya habang naglalakad kami. Bakit maaga siyang umuwi? May tumawag kaya sa kanya at sinabi kung ano ang suot ko? Imposible namang si Leonard dahil nag uusap pa kami. O baka si Rock bago dumating sa gym?
Nakasalubong namin si Vee na palabas ng hallway galing kusina. Pagkakita niya kay Yale, naghugis ‘O’ ang bibig niya. Hindi siya nakapagsalita at tumayo lang hanggang sa makadaan kami sa harapan niya. Tipid ko siyang nginitian. She looked so scared at no specific reason. Basta tiningnan niya ako sandali, yumuko at sinulyapan ang mga kamay namin ni Yale.
I have no hunch to mama Rosalinda. Naiintindihan kong dahil sa edad niya kaya ganoon ang reaksyon niya sa workout outfit ko. Sa mga tauhan sa mansyon niya, gusto ko ring palagpasin at huwag nang intindihin pa. Baka hindi sanay. Though, they will need to be reprimanded since crowding outside the gym room is kind of unacceptable at some point. Kasi, ano ba ang pakay nila roon? Hindi ba ay ang panoorin ako?
Ngayon pumasok sa isip ko na, may mali rin ang mga tauhan nila.
But Yale was so quiet. Hinatid niya ako sa kwarto. Nilapag niya sa kama ang mga bulaklak na dala tapos ay hinarap ako. He still didn’t give a damn care about my crop top and leggings shorts that were all super fit on my body. He sighed like as if he was tired or what.
I refused to look at him. Imbes na maligo na, hindi ko maiwasang magpasulyap sulyap sa bulaklak na nasa kama. Hindi naman sa akin inaabot.
“If you want to take a shower, you may. Bababa ako sa study.”
Oh. He wasn’t mad at all. Akala ko. . . galit dahil sa uri ng tinging binigay niya sa mama niya.
Humalukipkip ako. Tinanguan ko ang pagsya-shower. Nilapag ko muna sa ibabaw ng kama ang phone, airpods at bimpo. Sinulyapan ko ulit ang bulaklak. Medyo mabilis ang kilos ko dahil hindi ako makatagal sa titig niya o atensyon ngayon sa akin. He’s making me feel uncomfortable. Ramdam ko ang init sa likod ko.
At the dinner, wala kaming imikan habang kumakain. Hindi sumabay sa hapunan si mama Rosalinda. Nang magtanong si Rock, ang sabi ay maaga raw itong magpapahinga. Inihain din ni Manang Soledad ang ulam na pinadala ni mommy sa akin. Iyon ang kinain ko. Halos manubig ang mga mata ko nang malasahan ang luto ni mommy ko. Suddenly, homesickness strikes. I miss everything from our mansion. I miss my family.
No’ng gabing iyon, parang naging limitado ang galaw ng bawat isa. Pasulyap sulyap ako sa tatlong magkakapatid. Though, Leonard kept on looking at us. Inisip kong nagtataka lang ito sa katahimikan namin ng Kuya niya. Nao-awkward-an akong kibuin si Yale. Naalala ko pa ang pagtataboy niya sa aking yakapin siya noong balakin kong pakinggan ang pakikipag usap niya sa phone. Hindi na ako naiinis. Hindi ko lang siya magawang kausapin ulit na tulad ng dati. Tapos may nangyari pa kanina.
“Sana next year, may bata nang mag iingay at maglilikot dito sa bahay. Kailan kaya, ate D?”
Lahat ay tumigil sa pagkain. Pare pareho kaming nag angat ng tingin kay Rock na nag iisang maligaya sa hapagkainan.
“Pinagsasabi mo r’yan?” si Leonard.
Nagbara ang kaning nasa lalamunan ko kaya sumimsim ako ng tubig. Rock chuckled. He playfully looked at me.
“Kung kailan sila magkaka-baby. Sabik na akong magkaroon ng pamangkin, e. I’m sure, mas excited pa si Kuya n’yan! ‘Di ba, Kuya?”
Tila naging magagaspang na bato ang pagkaing lululunin ko. Uminit ang batok ko pati ang pisngi ko. Yale glanced at Rock. I didn’t look at him. I tried to stay unbothered.
“’Wag mo silang pangunahan d’yan, Rock. Sina kuya at ate ang magdedesisyon d’yan.”
“Normal naman ang magka-baby sa mag asawa. Kaya nga sila nagpakasal. Ang sinasabi ko lang, hindi na ako makapaghintay. Sawa na ako sa aalog alog na bahay na ‘to. Narito na si ate Deanne kaya, pwede nang magdagdag ng additional Montevista.”
Inis na binagsak ni Leonard ang kubyertos at tuluyang nilingon ang katabing kapatid.
“Bakit kaya hindi lang ikaw ang mag anak? Atat ka pala.”
Rock laughed. “Kung pwede lang, why not! Pero naghahanap pa ako ng babaeng aanakan.”
“’Wag mo lang anakan, gago! Magpakasal ka na rin at lumayas dito!”
Kumunot ang noo ko. Pumirme ang mata ko sa dalawa ngayon.
“Manahimik kayong dalawa.”
Tumigil ako sa pagsubo ng karne matapos magsalita ni yale. Nakaupo ito sa kabisera. Ako naman ay sa kanyang kanan nakaupo. I then looked at him. Madilim ang mukha nito habang nakatingin kay Rock.
“Aalis talaga ako pagkatapos kong magpakasal. At ikaw rin, ‘di ba? Hindi sa atin ‘tong mansyon. Kay Kuya pinamana ni papa. Kaya hindi ako titira rito habangbuhay. Pero gusto ko pa ring maranasan na mag alaga ng pamangkin. Ate Deanne. . . baka naman?”
“Ha?”
It was an awkward answer from me.
“Rock, ano ba?!”
Yale’s angry tone is so palpable, then. The deep in his voice is calm and yet noticeably dangerous. Para siyang bulkan na biglang nag alburoto.
Hindi na nagsalita o nagbiro ulit si Rock. Cue na iyon sa kanya. At si Leonard ay nagpatuloy na lang din sa pagkain.
Hindi nagtagal ay binaba ni Yale ang napkin sa tabi ng kanyang plato. He stood up and silently excused himself from us. I looked on his plate. Hindi na niya inubos ang pagkaing luto ng cook nila. Pero naubos naman niya ang luto ni mommy. Sinundan ko siya ng tingin. Baka busog na?
Bumuntong hininga ako. The atmosphere in Montevista’s home is far different from ours.
Mag mga pangyayaring hindi ko masabayan. Is this because unang araw ko pa lang sa mansyon nila? I need to adjust myself in here. Dahil kailangan.
Pagkatapos kong maghapunan, umakyat ako sa kwarto. Wala roon si Yale. Tumayo ako sa gitna at nagkibit ng mga balikat. Edi matutulog na ako at may lakad pa bukas.
Kinuha ko ang bulaklak na nasa ibabaw pa rin kama. Isang pulumpon ng pulang rosas. Para sa akin kaya ito? Baka. Wala naman siyang pinagbibigyang iba at kung hindi akin, sana hindi niya pinakita. So. . . this is mine, then.
I smiled a bit. Using my fingertips, I caressed the petals and stared at them. Ang gaganda. Hinanapan ko agad ng pupwestuhan ito sa loob ng kwarto. It’s a beautiful attraction since his room is so plain. Master’s bedroom pa sa lagay na ito.
Umupo ako sa gilid ng kama. As I continually stared at the flowers, nakita ko ang puting sobre at card sa nakasiksik sa mga dahon at ilang tangkay. Binaba ko ang bouquet sa hita ko at saka hinugot ang sobre. Binuksa ko iyon at binasa ang maiksing nakasulat.
“I’m sorry, love. Please forgive me – Yale.”
Inirapan ko ang sulat niya.
“Sorry, sorry mo mukha mo!” I muttered. I snubbed his letter and stood up.
Though, I felt the fluttering in my stomach after I read his short message. Iyon na ba ang pinag so-sorry? Iyong nangyari sa isla at panlalamig ko sa kanya? I’m sure, iyon na ‘yon.
Lumabas ako sa veranda. Sumilip ako sa pool at ibang bahagi ng hardin, wala si Yale. Pumasok ako ulit at sinarado ang pinto. Lumabas ako ng kwarto, dala ang sobre at card. I went downstairs. Nakasalubong ko si Vee na may dalang tasa ng kape. She also stopped and waved at me.
I gave her a smile. Sinulyapan ko ang kape.
“Para kanino ‘yan?”
“Kay Ser Yale po, Mam. Nagpapadala sa study room niya.”
“Ah. Sama ako.”
“Kayo po, mam.”
Nilagay ko ang dalawang kamay likuran habang tinatahak namin ang daan papunta roon. Pinapaypay paypay ko ang sobre sa kamay. Nakarating kami sa labas ng study. Vee knocked twice before she twisted the door knob and opened the door. Pagtulak pa lang sa pinto, bigla akong ginapangan ng kaba.
“Ser, kape niyo po.” magalang na sabi ni Vee at saka pumasok.
Wala akong narinig na sumagot ito.
Maliliit ang kanyang hakbang. Hindi ako tumuloy sa loob. Bumaba ako para sana kausapin siya tungkol sa bulaklak at pagso-sorry niya. Pero. . .
Tumayo ako sa likod ng pader at bahagyang sumilip na lang. He’s sitting on the computer chair. Nakapangalumbaba habang nakatutok ang mata sa monitor ng computer. He’s right hand is on the mouse and he’s using it. Hindi pa siya nagpapalit ng damit. Kung trabaho pa rin ang inaatupag niya hanggang sa mga oras na ito, aba’y ang sipag naman.
I watched him. I pouted my lips a little. Lalapit ba ako?
Binaba ni Vee ang tasa. Hindi ito pinapansin ni Yale. Pagkababa ni Vee, payuko niya akong nilingon. Bahagyang nagulat dahil nandito pa rin ako sa labas. Ang mga mata niya ay tila nagtatanong.
I gulped. Parang ayoko nang lapitan si Yale. He’s. . . busy. Obviously.
Pinapalapit ako ni Vee roon. Tiningnan ko ang seryosong mukha ni Yale. Ngumiwi ako at inilingan siya. But she continued moving her hand that’s why Yale noticed it. Pabaling na siya kay Vee nang mahagip niya ako sa labas at tuluyan na akong nakita. Then, Vee awkwardly chuckled.
“May kailangan po yata sa inyo si mam, Ser. Nahihiyang pumasok,”
Ano’ng nahihiya?! Hindi, ‘no!
Napatayo akong tuwid. Pinagpawisan at damang dama ko ang pagkalabog ng dibdib. Sa katarantahan, nagtago ako sa likod ng pader. My cheeks suddenly felt so hot. Parang sasabog ang dibdib ko sa bilis ng t***k ng puso ko! Bakit ganito ang in-acting ko? Nakita ko lang siyang seryoso sa loob, umurong na ang dila ko? Damn. Daig ko pa ang dalagitang nakita ang crush niya!
Wake up, Deanne! Hindi ka na bata!
“Mam tawag po kayo ni Ser!”
Nilingon ko si Vee na kalalabas lang ng study. Mukha pa rin siyang kabado.
“A-aakyat na pala ako. Antok na ako,”
“Po? Pero paano ni Ser? Pinapapasok kayo,”
“Pakisabi na lang matutulog na ako-”
Mga mabibilis na yabag galing sa loob ang nagpaputol sa sinsabi ko. Bumaling doon si Vee dahil siya ang nakakakita. Umatras ito pagkalabas ni Yale.
He glanced at me and sighed. “Magpahinga ka na, Vilma.” He said in low baritone.
“Sige po, Ser, Mam.” Payukong iniwan kami ni Vee.
Hindi ko pa siya natitingnan nang maayos, hinigit ni Yale ang pulsuhan ko at hinila ako papasok sa loob. He smoothly closed the door and pushed me against the hardwood. Tinaas niya ang dalawang kamay at nilapat sa magkabilang gilid ng ulo ko. He’s jailing me in between his forearms. Tinagilid niya ang mukha at nilapit sa mukha ko. Making me inhaled his fresh breath.
“Does my wife want something from me?” he whispered. His breath fanning my stunned face.
He simply cornered me. And I have no plans in protesting or backing down.
But my chest is heaving up and down. Halatang halata ang kaba ko. I watched his eyes looked down on it. He parted his lips and looked in my eyes once again. Mapupungay ang mata niya. It’s like. . . he’s having a hard time and he’s exhausted. If I make one wrong move, I’m dead.
“Hmm?”
Pero magkasalungat ang itsura ng mukha niya sa tono ng boses niya. Pinagbunggo niya ang tungki ng ilong namin ng ilang beses. Para akong inaamo. Ang lambing ng boses niya ay tila gusto akong patulugin.
He sighed heavily when I didn’t reply right away. I smelled his breath again. I tried to speak so I parted my lips.
“Ahh. . . a-ano. . . Yale,”
He raised his head. He looked at me with his sleepily eyes.
“What is it? Tell me, please.”
Isang beses ko siyang nagawang tingnan sa mata pero agad akong napaso. Lumipat ang paningin ko sa mapupula niyang labi. My lips quivered at the thought of tasting that lips again. Pero naunahan ako ng kaba at takot. Kaya lumunok ako at nilakasan ang loob para sa ibang bagay.
Pinilit ko ang sariling itaas ang kamay. Bumaba ang mata niya sa card na dala ko kanina pa. He tilted his head more after he saw it and returned his eyes on me again.
“Did you like the flowers, Deanne?”
There was a thousand of electrified arrows that has been thrown towards me. What the hell? Hindi naman amoy alak ang hininga niya pero para bang lasing na lasing na siya ngayon sa harapan ko!
Yumuko ako dahil sa tindi ng kaba. Tinaas niya ang baba ko at tumungo sa akin.
“Did you like the flowers, then? Or do you want something else?” tanong niya na parang nagmamakaawa.
“N-Nagustuhan ko. Itong sulat mo. . .”
Nagkalakas loob akong tingnan siya sa mga mata. Nagtitigan kaming dalawa. Softly, he kissed my lips. May mumunting tunog iyon na tila nagsimula ng kiliti sa tiyan ko. It was a kiss that would make you faint because of its softness. Nanlambot ang mga tuhod ko. Automatically, I reached for his waist and held my hand on his polo.
Binaba niya rin ang kamay na naiwan sa pinto at hinawakan na ako sa baywang. Tiningnan niya ang labi kong hinalikan niya at bumuntong hininga.
“I didn’t mean to be rude. I’m sorry.”
I sighed.
Parang kabado, hinalikan niya ako ulit at matiim na tinitigan.
“I won’t do that again. Please, forgive me. Pansinin mo na ako. . .”
His pleading tone makes me want to cover my whole face. But at the same intense, my stomach fluttered and my cheeks flared inside. My lips parted at the thought that I couldn’t comprehend correctly.
Niyakap ako ni Yale nang wala akong maisagot sa kanya. Siniksik niya ang ilong at labi sa leeg ko. Para bang wala na siyang magagawa kundi ang yakapin ako at kung hindi ay maglalaho ako sa harapan niya.
We stayed that way. He kept on whispering his ‘sorry’ but I kept on not saying anything. I just. . . couldn’t say anything!
Umakyat kami sa kwarto pagkatapos niyang patayin ang computer at binalik ang kape sa kusina nang hindi ginagalaw. Maybe, he chose to be with me in the bed rather than continuing working at night.
Pumayag na akong matulog kami na nakalingkis ang katawan niya sa akin. I swear. I thought we were going to. . . do ‘it.’ But he didn’t ask nor initiate. Hindi na lang ako kumibo. Kuntento na siyang nakabalik sa pagyakap sa akin sa pagtulog.
Mahaba ba talaga ang galit o inis ko sa kanya para hindi sagutin iyon?
Sinamahan niya ako kinabukasan sa WCC para magpasa ng resignation letter. Hindi inaalis ni Yale ang hawak sa kamay ko kahit no’ng naglalakad na kami sa loob ng opisina. Nagsilingunan ang mga katrabaho ko sa akin para bumati at natitigilan kapag nakita na ang lalaking kasama ko. Wala akong magagawa kundi ang i-introduce siyang asawa ko. Alam din naman nilang kinasal na ako sa isang hotel magnate.
Yale is quiet all the time. His black business suit without a necktie made him looked like also the boss of our company. Matangkad din at may stubble ang panga. I don’t think madali siyang makakapalagayan ng loob ng mga taga WCC.
“Ikaw naman. Bakit ka pa magpapasa nito? E, pwede ka namang dumeretso sa kambal mo,”
I smiled at our head department. Nasa loob kami ng opisina niya. Yale’s standing beside the closed door. Looking so brooding with his arms crossing on his chest. Ilang beses kong nahuling panay lunok ng head namin tuwing susulyap sa kanya.
“It’s for formality, Mrs. Zarosa. Hindi naman magandang bigla bigla na lang ako maglalaho rito sa kumpanya. But don’t worry. Kakausapin ko rin ang kapatid ko tungkol dito.”
“Sigurado ka na ba rito, Mrs. Montevista? Kung sakali ay anytime pwede kang bumalik.”
Tumawa ako. “Dapat nga ay nagbigay muna ako ng notice prior to this.”
Sinulyapan ko si Yale. His eyes are on me. Watching me intently.
“Naku! Hindi na ‘yon kailangan. Kung mas pinipili mo ang maging plain housewife, aba’y sino kami para pigilan ka? Excited nga kami sa bagong buhay na tatahakin mo ngayon, Mrs. Montevista.”
I remained smiling after that. Hindi ko ramdam kung sincere iyong sinabi niya. If I know, hindi naman talaga nila akong nakikitang aangat sa posisyon ko sa kumpanya kahit si dad pa ang mag ari ng WCC. Mabait lang sila dahil isa akong De Silva. Pero alam kong si Dylan o si Dean lang ang nakikita nilang magpapatuloy sa kumpanya ni daddy. But it’s fine. Wala akong tinatagong sama ng loob. I learned to love my work and the environment. They were kind enough to me.
“Salamat, Mrs. Zarosa.”
Pagtayo ko, agad lumapit si Yale at kinuha ang kamay ko. Kung kumilos, akala mo ay may kukuha sa akin palagi. Daig pa niya ang mga bodyguard ko dati.
“Nice to meet you, Mr. Montevista. Alagaan mo ‘tong prinsesa ng WCC, ha? Lagot ka sa tatay niyan kung hindi.”
I scoffed. Pabiro kong inikot ang mata ko.
Yale grinned. “Don’t worry. She’s my queen now.”
Pigil na ngumiti si Mrs. Zarosa na parang pinipigilang tumawa nang malakas. Umalis na kami roon at umakyat sa opisina ni Dylan.
I really thought, ako lang ang pupunta rito kaya balak kong makipag usap sa kambal ko tungkol kay Ruth. Pero nandito si Yale at wala akong magagawa kundi magsalita lang nang hindi nababanggit ang mahal ng kambal ko. Hindi na rin kami roon nagtagal. Nagpahatid ako sa mansyon at pumasok si Yale sa opisina niya.
Inisip ko kung worth it pa bang kausapin si Dawn tungkol sa ginawa niyang pagpapapunta sa SnapDragons sa isla. I mean, okay lang kay Yale. Dahil din doon ay nakapag usap kami ni Grey. Dawn didn’t contact me since then. Mas maigi yatang huwag ko na lang ungkatin. One of these days, makikipagkita rin ako sa kaibigan ko.
Kaninang umaga, inatasan ni Yale si Vee na maging personal kong assistant. Kumunot ang noo ko nang sabihin niya iyon. Pero naisip kong, baka ayaw lang niyang mag isa ako sa mansyon kaya ginawa niya. Subtly, pinapabantayan na niya ako dahil sa komosyon sa gym room. Ah, probably. Maigi na ring si Vee kasi kasundong kasundo ko.
Pagkauwi ko, nagpalit akong damit at pumunta sa kusina para gumawa ng meryenda. Tapos ko nang ilagay sa vase ang bulaklak. I displayed it on the round table near the veranda in his room.
“Mukhang masarap ‘yan, mam! Marunong pala kayong magluto?”
Kanina pa pinupuri ni Vee ang niluluto kong Ginataang halo-halo.
“Natutunan ko sa mommy ko. Iyon ang magaling.”
Tumango siya at sinilip ulit ang kaldero. Pumasok si Dos. Nagkatinginan kami. Halatang nagulat ng makita ako sa kusina. Ako rin naman. Ano’ng ginagawa niya rito sa mansyon? Dapat kasama niya si Yale, ah.
Naglabas ito ng tubig sa fridge at tahimik ding umalis ng kusina. Hindi na siya lumingon pa.
Tiningnan ko si Vee. “Hindi ba sumama si Dos kay Yale sa opisina?”
Vee pouted her lips and thought of it.
“Iba po yata ang pinasama ni Ser sa kanya. May inutos po kay Dos para sa mga bagong tauhan natin ngayon.”
“Bagong tauhan?”
She nodded innocently. “Kumuha po ng mga bagong tauhan si Ser Yale. Pinalitan pong lahat ng bantay dito sa mansyon tapos si Dos ang mag-o-orient sa kanilang trabaho.”
I then fully gave her my attention. Mahina na naman ang apoy ng kalan kaya hininto ko ang paghalo.
“Pinalitan? Lahat?”
“Yes, mam. Nagpadala ng mga bago ang security agency na pinagkakatiwalaan ni Ser. Sayang nga po, e. May crush pa naman ako ro’n sa isa, hehe.”
May pagkamangha, binalikan ko ang niluluto ko. May kutob ako kung bakit pinapalitan ang mga tauhan pero pwede ring mali ako. Hindi naman nagpakita ng galit si Yale kagabi. He’s almost with me all the time last night and this morning.
May ginagawa kaya siya nang lingid sa kalaaman ko?
Pinamahagi ko sa lahat ng tao sa mansyon ang niluto kong Ginataang halo-halo. Kinatok ko rin sa kanyang kwarto ni mama Rosalinda para bigyan. Nakaupo ito sa kama at may binabasang libro. Akala ko ay tatanggihan. Pinaiwan niya lang sa kanyang side table at lumabas na ako.
Pinagmeryenda ko rin sina Dos. Pati ang mga bagong tauhan. Dinamihan ko ang luto. Sa tulong ni Vee, hindi ako masyadong nahirapan sa paggawa. Nakakain silang lahat at halos masimot ang laman ng kaldero. Nag separate ako sa isang lalagyan para kay Yale.
Ako:
Kumusta? Ano balita?
Dylan:
Sasakalin ko ‘yang kapatid ng asawa mo.
Ako:
Huminahon ka nga. Baka matakot mo si Ruth!
Hindi na siya sumagot.
Ilang araw kong pasimpleng iniikot ang mansyon ng Montevista. Madalas nasa kusina ako at nakikipagpalagayan ng loob sa mga kasambahay. Mailap si Manang Soledad. Matipid magsalita at kung kakausapin ako, palagi niya lang inaalam kung may kailangan ako o kung nagugutom. Ganoon din si mama Rosalinda. Actually, mula noong nangyari sa gym, naging malamig na siyang lalo sa akin. Hindi ko alam kung nagkausap na sila ni Yale. Kapag nakakasabay namin sa pagkain, palaging may dumaraang anghel sa hapagkainan.
Kaya minsan, parang ang hirap kumain kasabay silang lahat. Feeling ko, hindi pa ako matutunawan.
Everynight, palagi akong inuuwian ng bulaklak ni Yale. Palagi rin iyong may kasamang card at humihingi ng sorry. Kausapin ko na raw siya.
Kinakausap ko naman siya. Tinitiran ko pa ng pagkaing niluluto ko. Siguro, ang gusto niya ay mawala ang panlalamig ko sa kanya.
All my life, hindi pa ako nainis nang ganito kahaba sa isang tao. Iba iyong kay Carl, ha. Kinasusuklaman ko ang lalaking iyon. Pero itong inis na may halong tampo kay Yale, iba sa iba. Hindi ko maatim na tiningnan niya ako nang ganoon. Kung susuriin ko naman, it was understandable dahil may kinalaman sa Blue Rose ang kausap niya. Kung hindi ba naman illegal iyon, malamang ipaparinig niya sa akin. Kaso, alam kong hindi.