“The Lord is righteous in everything he does; he is filled with kindness. He fulfills the desires of those who fear him; he hears their cries for help and rescues them.” – Psalm 145:17, 19 NLT
**
Chapter 13
Deanne
“Aba’t talagang napakayabang mo rin, ano?”
“Dylan!”
Tinaas ni Dad ang kanang kamay bilang signal kay Dylan na huwag sugurin si Yale. Nilingon ko ang apat na tauhan niyang dala. Hindi sila makalapit dahil pigil ng mas maraming tauhan ni Dad. At nang tingnan ko ulit si Yale, hinihingal ito pero matapang pa rin kung makatingin kay Dad na nasa harap niya.
“I’ve been honest to you, Sir, Ma’am,”
He glanced at my mother. Sighed and looked back again at my father.
“Handa po akong pakasalan si Deanne. Sa kahit saang simbahan. Pakakasalan ko po siya kahit hindi niyo ako nahuling hinahagkan siya.”
Nervously, I stared at my father. Mas lalong hindi inalis ni Dad ang paninitig kay Yale.
“Bakit naman kami papayag pakasalan mo ang kapatid ko? Pwede naman kitang pabagsakin bilang ganti.”
“Enough, Dylan. You’re not helping this.” Mom finally threw glares at him.
But Dylan still scoffed. “But Mom?”
“Pumasok ka sa loob.” turo ni Mom sa mansyon.
“What? No. Dad?”
Still, hindi pa rin inaalis ni Dad ang tingin kay Yale. Kaya hindi niya sinagot si Dylan.
“Doon ka na.”
“Sumama ka.”
“Ayoko nga.”
Binalingan ko si Yale. Hinila ako ni Dylan sa braso pero pinanatili ko ang mga paa sa lupa. Hindi ako aalis dito at baka kung anong mangyari. Kahit narito si Mom. Kapag galit na galit si Dad . . . baka may mangyaring masama kay Yale.
Hindi lang iyon. Yale is a gang member. Malapit kay Napoleon Salviejo.
“Mom? Dad?” untag ko sa kanila.
Nag aalalang tiningala ni Mommy si Daddy. “Let’s talk about this in a calm way, Johann.” She touches his face. He sighed and looked down at Mom. “Let’s get inside and talk.”
“Kunin niyo ‘yan at papasukin sa loob.” utos ni Dylan sa mga tauhan.
Hinampas ko siya sa braso. Umigtad siya at matalim akong binalingan.
“Tumigil ka na nga. Kanina ka pa, e.”
“Umakyat ka na rin sa kwarto mo. Tapos na ang pesteng ligawan na ‘to!”
Nanggigil ang mga kamay kong gusto siyang sabunutan at kurutin ang mukha. Bwisit talaga. Sobrang pakielamero at matabil ang dila. Kaya siguro hindi niya mapasagot si Ruth dahil sa kayabangan at kagaspangan ng ugali.
“Hindi ikaw ang masusunod dito.”
He scoffed and pointed at me.
“Ako ang mas nauna sa ‘yo. Ako ang mas matanda sa ‘yo. Kaya ako susundin mo!”
“Don’t shout at her.”
Parehas kami ni Dylan na napabaling sa sinabi ni Yale. My lips literally parted after I found Yale’s angry stares at my twin brother. Ngumisi pa si Dylan at humalukipkip. Tila nang iinis na hinarap si Yale.
“Muk’ang gusto mo ring maging bodyguard ng kapatid ko, a? Nasa pamamahay ka namin kaya wala kang karapatang pigilan ang gusto kong gawin, Mr. Montevsita.”
Yale’s jaw clenched. “Why don’t you shout at me instead? Sa akin mo ibuntong ang galit at ‘wag kay Deanne. Ako ang may gusto sa kanya. Ako ang humiling na mahalikan siya.”
“Pinagmamalaki mo pa, a.”
“Hindi ako nagmamalaki. Sinasabi ko lang na wala akong hangad na masama sa kakambal mo. Gusto ko siya. Gustung gusto.”
Binuksan ni Dylan ang bibig pero hindi nagsalita. Asar siyang nakikipagpalitan ng masamang titig kay Yale at walang nagsalitang sa kanilang dalawa.
Hindi inalis ni Mom ang hawak sa braso ni Dad. Para siyang nakayakap doon at takot na biglang bumigwas iyon sa mukha ni Yale. Pumikit ako at minasahe ang kumirot na noo. Wala namang nangyari pero ang tindi nang naging reaksyon ni Dylan. Sa halik pa na . . . hindi naman dumikit! Okay sana kung nakahalikan nga . . . kaso hindi, e. Bigla siyang sumigaw at nanuntok.
On the other hand, walang ginagawa ni Yale kundi ang akuin ang responsibilidad. He didn’t even do anything immoral. Nagpaalam siya na gusto niya akong halikan at irerepesto niya kung ayaw ko. But I whispered and gave him courage to kiss me. I did want to be kissed by him but it didn’t happen because of my brother’s interruption.
Is this commotion worth the sweats? Parang hindi naman kailangang dumaan pa sa ganitong . . . kalala. Though . . . it ringing in my ears that . . . the plan is working. Yale’s asking my hand for marriage. hindi na kailangan nang matagal na ligawan. Hindi ko na kailangang mag isip kung kailan ko siya sasagutin. Kasal na agad!
This is f*****g working. The card is in me.
“I know your kind, man. Womanizer at its finest.”
“I have my eyes only for Deanne.”
“Really? Why, then? Because she is a De Silva? Bagay na bagay ba ang kapatid ko sa reputasyon mo? Is she your trophy?”
What the hell is he talking about? Parang pinapalayo pa ni Dylan si Yale sa amin.
I glared at Dylan and halted his arm. “Dylan please.”
Nanginginig na ang kamay ko. Nanlalamig at hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang init ng ulo nitong kambal ko. Lalo pa’t sumasang-ayon sa kanya si Dad. Obviously, they both don’t like Yale. Whatever reason may I present.
“O, ‘di ka na nakapagsalita.”
Lumipat ang mata ko kay Yale. Hindi siya kumibo sa huling tanong ni Dylan.
“Ano ngayon ang gusto mong isipin namin sa ‘yo? Manggagamit.”
Lumunok ako at nagbaba ng tingin sa lupa.
“I want her in my life. Because I’m . . . in love with her,”
Gulat akong nagtaas ulit ng mata kay Yale. He’s . . . what?
Deretsong tiningnan ni Yale si Dylan.
“I want her to be wife. The mother of my children. My lifetime-partner. The woman I will cherish until I die. I want to share my whole life with Deanne. She’s not going to be a trophy but the center of my life. I won’t give a f*****g care about my reputation. I’m dying to marry her.”
Binalingan ako nina Dad. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko pagkasabi nang lahat na iyon ni Yale. I . . . don’t know what to say about it. The wind blows my hair and I just wanted to run and f*****g lock my room until Yale leave us alone.
“Gusto kitang makausap nang lalaki sa lalaki, Montevista.”
Takot kong tiningnan si Dad. Hila si Mom, nauna siyang naglakad pabalik sa loob ng bahay. Nakatalikod na siya kay Yale nang bigyan niya ako ng tinging makahulugan. Halos ilingan ko iyon at sabihing wala akong ginawa kay Yale. Wala akong inutos na sabihin niya iyon. Wala akong ginawa.
But that’s f*****g impossible.
Hinila ako ni Dylan kasunod kay Dad. Hinabol ko pa ng tingin si Yale habang hila hila ako ng kambal ko. Yale even gave me a light smile before he followed us in the mansion.
Ayos naman ang lahat pero…
Sumakit ang ulo ko. Binigyan ako ni Mommy ng malamig na tubig para kumalma ang malakas na kabog ng puso ko. Nasa sala kaming tatlo. Sina Dad at Yale ay nag uusap sa study. Silang dalawa lang. Magkikinse minutos na silang naroon.
“What the f**k is that? He’s in love with you?” Dylan hissed. Halatang hindi gusto ang nangyari at narinig.
“Watch your word, Dylan.”
Nilingon ko si Mom. Humingi ng sorry si Dylan at tumayo ulit. Nagpalakad lakad sa sala na parang mas lumala ang dala dalang problema.
“Hindi ko rin inaasahan ‘to. Kakakilala pa lang namin. Akala ko, gusto niya lang ako.”
Tinitigan ako ni Mom. While Dylan sighed heavily.
“That monster is planning something. He’s going to use that ‘I’m in love with’ to get what he wants. I bet; he used it to any women he targeted.”
“Hindi kaya, hindi lang si Ruth ang tina-target nilang mag iina?”
Dylan nodded. Namaywang siya. Bahagyang lumambot ang mukha niya pagkabanggit ko sa pangalan ni Ruth.
“They want big assets. They want power.”
“Pero bakit si Ruth siya pilit pinapakasal? ‘Yung Mama niya, si Ruth ang gusto. Pinapalayo pa nga sa akin dahil madadamay lang sa gulo ko,”
“Gulo? Damn. Walang magagawa ang ibang tao kapag pinagalaw ni Dad ang kapangyarihan niya para protektahan ka. Posibleng kulang ang narinig mo sa kanila. Mayroon pa tayong hindi nalalaman.”
Mariin kong tinitigan ang kambal ko. Tumango ako.
“Now, it’s just perfect na gusto na niyang pakasalan ako. Titira ako sa mansyon nila.”
Mom sighed.
“Paano kung hindi? Kung bumili siya ng condo o ibang bahay?”
“I will insist. Sa mansyon ko gustong tumira.”
Dylan smirked. “Ano’ng gagawin mo kung hindi pumayag?”
“Edi uuwi ako rito. Iiwan ko siya. Bahala siya kung saan niya gustong tumira pero kung hindi malapit sa Mama niya, hindi ako sasama sa kanya.”
“You got to be kidding me. Kasal na kayo n’yan. Hihilahin ka niya sa kanya.”
“He cannot force me if I don’t want to. Besides, kay Dad at sa ‘yo ako tatakbo. So, ano’ng magagawa ng Montevsita na ‘yan?”
Bumuntong hininga si Dylan at tumango tango. Tapos ay seryoso akong tiningnan.
“You should always call or text me. Lahat ng nangyayari sa inyo ay kailangan mong ibalita sa akin. Lahat.” Madiin niyang salita sa huli.
Hindi ko alam kung kailan dapat simulan pero ngayon pa lang ay nagpapalitan na kami ng plano ng kambal ko.
Sinampay ko ang coat ni Yale sa forearm ko. Tiniklop ko iyon nang maayos pagkahubad ko rito sa sala namin. Hindi nagpapaistorbo si Dad sa study. Kahit dalhan ng kape ay mariing pinagbawal.
I gulped and touch his coat. Hinaplos ko iyon. Biglang hinawakan ni Mom ang kamay ko.
“Mom, are you alright?”
I get worried after I saw her face. Narinig ako ni Dylan at agad nitong niluhod ang isang tuhod sa tabi ni Mom para makita ang mukha niya.
“Mom?” Dylan asked.
Magkasunod kaming tiningnan ni Mommy. She sighed and held Dylan other hand, too. Sabay niyang piniga ang mga kamay naming dalawa.
“Hindi ko kayang makitang nasasaktan at nahihirapan kayong dalawa,”
Agad hinawakan ni Dylan ang kamay ni Mom. He looked up at her with so much love and respect and worry.
“Mom, we’re gonna be fine. I’ll secure Deanne. And Ruth.”
Lumunok ako at lumapit din kay Mommy. “There’s no need for you to get worried, Mommy. Kina Dad at Dylan po ako nakadepende. I trust them.”
“I have men, too. Palalagyan ko ng bodyguard si D. She’s not going to be alone if ever she marries him.”
“Is it enough? He’s not just a man, hijo. He . . . knows how to fight.”
Kumunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Pero sa huli ay binalewala ko ang pumasok sa isip.
“I can take care of myself, Mom. Believe me. This will be going to end at the proper time. Maliligtas pa natin si Ruth. Babalik din sa dating tahimik ang pamilya natin. Pati kina Uncle Matt at Auntie Jahcia. Just trust us.”
Naisip kung, natatakot si Mom dahil sa nangyari kanina. Kabit kabit ang mga problema at hindi maiwasang dalawin na ng pag aalala. Kahit pa sabihing may kapasidad naman kaming lumaban. Siguro ay nauunahan na siya ngayon ng mga negatibong kaisipan.
It was almost an hour nang lumabas sina Dad at Yale sa study room. Nakasunod si Yale kay Dad na may seryosong mukhang pero hindi na gano’n galit. Tumayo ako at si Dylan.
“May masakit sa ‘yo, Aaliyah?”
Si Mom ang unang nilapitan ni Dad dahil naabutan niyang nakapalibot kaming kambal sa kanya.
Mom shook her head but reached Dad’s hand. “Ano’ng napagdesisyon ninyo?”
Lumapit sa tabi ko si Yale. Tumayo rin. Bahagya niya akong nginitian pero agad ding nawala at hinintay ang isasagot ni Dad.
Dylan glared at him when he stood beside me. Bumuntong hininga na lang ako.
Inikot ni Dad ang braso sa baywang ni Mom. Binalingan kami at tumikhim. Tiningnan niya ako . . .
“Kung papayag si Deanne, magpapakasal sila ni Yale sa lalong madaling panahon.”
Mom and I gasped. Napabaling din si Dylan sa kanya.
“That fast?” he exagerratedly asked.
Now, I know how good he is in acting department.
Tumango si Dad kay Yale.
“This is not about the supposed to be the ‘kiss’. I want to marry you, Deanne.”
Tila ako nakatayo sa stage at biglang tinapatan ng spotlight. Nakatunghay si Yale sa akin. May paghihirap, nagtatanong at kinakabahan akong nakita sa mga mata niya. He’s not asking me. He’s telling me.
I cleared my throat. “P-proposal ba ‘to?”
He licked his lips. Namula ang mukha niya. Ngumiti pero nawala nang tumikhim siya. Niyuko niya ang kamay ko at hinawakan iyon.
Damn. Is he really going to propose now?!
Hinaplos niya ang palasingsingan ko bago tumingin sa akin. Kunot ang noo niya.
“Wala pa akong singsing ngayon. Bibilin ko ang mapipili mong engagement ring. Deanne de Silva . . . will you be my wife?”
At that moment, I knew that I finally have what I wanted. I’m on my next page. I’m on my next target. I’m on my spy mode at the next, next days. There’s no turning back.
Pero kahit ganoon at nakaplano na, tumigas ang lalamunan ko. Umuurong ang dila ko. Gusto kong bitawan ang kamay niya at huminde ngayon. Ang laking pagbabago nito sa buhay pero… mayroong nakasalalay sa gagawin kong ito.
At mahal ko sila. Mahal na mahal ko.
“Y-Yes. I-I will . . .” sagot ko nang hindi kumukurap.
I forgot about the proper answer and the proper tone. Hindi ko maalis ang mata sa kanya dahil ganun din ito sa akin. He smiled. Hinila niya ako niyakap nang mahigpit. Sa harap ng mga magulang ko at ni Dylan, malaya niya akong niyakap na parang pagmamay ari na niya.
Laying my chin above his shoulder feels so new. Feels unfamiliar. Pero nakarating na ako sa gustong marating. Nandito na ang balak ko. Nakaisang puntos na ako. Hindi na nasayang ang nangyaring komosyon kanina.
Hindi ko siya niyakap pabalik. Siguro dahil sa gulat ko at hindi ako nakasagot. Nang bitawan niya ako, kinuha niya ang kamay ko. He intertwined our fingers and held it tighter. He swallowed my hand. Its calloused and warmth made me nervous even more!
“Mamamanhikan na po kami bukas.” Yale said to my father.
Namilog ang mga mata ko. “Agad agad?”
Yale smiled at me. Napaawang ang labi ko nang makita ang munting likido sa corner ng mga mata niya. Pero pinili niyang ngumiti sa akin at hindi iyon pinansin.
“Yes, love. Don’t worry about the preparation. My mother has it ready for me.”
“What do you mean?” nagsalubong ang mga kilay ko habang titig na titig kay Yale.
“Naihanda na ng Mama niya ang kasal ni Yale. Sa kanilang isla ang seremonya at reception. Gusto kong makausap tungkol dito si Mrs Montevista, Yale.”
Wow?
“Yes, Sir. Darating po kami bukas. Kasama ang dalawang kapatid ko para tumulong sa paghahanda.”
Mangha kong binalingan si Dad.
He nodded. “Bukas alas seis ng gabi. Pag uusapan natin ang kasal ninyo ng anak ko.”
“Yes, Sir.”
Dylan and I exchange stares. Gulat ako at hindi nakapagsalita. Samantalang siya ay gulat at umiigting ang panga. Iyong kasal na hinanda ng Mama ni Yale ay malamang na kasal na para sa kanila ni Ruth! Damn! At sa amin na iyon gagamitin! Damn!
It’s not that I’m choosy. No. Pero . . . gano’n sila kasiguradong maikakasal nga si Ruth sa panganay na Montevista?
Nag stay pa ng ilang minuto si Yale sa amin. Hindi sila nag uusap ni Dylan. Panay ang sulyap niya sa mga kamay namin ni Yale. Hindi binibitawan ni Yale ang kamay ko. Paminsan minsan din niyang ginagalaw ang thumb para banayad na haplusin ang balat ko. It was a gesture that made me look at him whenever he is doing it. Para bang palihim niyang hinihingi ang atensyon ko.
Kalaunan ay unti unti ko nang in-adapt ang status ko ngayon. Ikakasal na ako kay Yale. Wala nang pigilan ito.
Matapos mapagkasunduan ang gagawing pamamanhikan bukas, nagpaalam na si Yale para makapagpahinga na rin ang parents ko. Umakyat na sa kwarto niya si Dylan at hindi nagpaalam sa kanya. Umiling na ako habang pinapanood ito sa hagdanan.
Magkahawak kamay kaming lumabas. Hinatid ko siya sa sasakyan niya. Okay na rin ang apat niyang tauhan nang datnan ko. Nakatayo na sila sa tabi ng itim na ford na parang walang nangyaring sapakan.
Binuksan nila ang pinto kay Yale.
“Coat mo,”
Kanina pa nakasampay sa forearm ko ang coat niya. Kahit nu’ng magkatabi kami kanina sa sala, hawak ko pa rin ito.
Inabot ko iyon sa kanya pagkabitaw niya sa kamay ko. We’re beside his Ford.
“Don’t you want to keep it?”
“Huh? Bakit?”
“Because I’m your boyfriend now,” pigil ang ngiti niyang sagot.
Ngumuso ako at tiningnan ang coat. “Ah. Kaya sinasadya mong ipahawak sa ‘kin para itabi ko.”
“Keep it.”
I looked up at him. “Kahit pwede mong iuwi naman?”
He nodded.
“Bahala ka. Sa akin muna ‘to.”
He smiled. “Sa ‘yo na ‘yan magmula ngayon.”
“Ang laki nito. Hindi ko masusuot.”
“Kukunin ko kapag lumipat ka na sa akin.”
Lipat? Gosh. Nangyayari na talaga. At hindi ako nakapalag nang ilagay niya ang isang braso sa likod ko. Hindi ako nakahinga. Banayad niya akong hinila palapit sa harap niya at hinalikan ako sa gilid ng ulo.
Naiwan ang mga kamay ko sa ere na parang takot siyang hawakan pabalik. He kissed me on my hair and on my temple. I only gulped and got nervous. Nagtagal siyang ganoon kaya bahagya akong tumawa at tinulak siya sa dibdib.
“Y-Yale. May CCTV kami rito,” bulong ko para maniwala.
He still kissed me on my forehead and looked down at me. Yumuko ako pero tinaas niya ang mukha ko. He tilted his head and leveled mine.
“I’m gonna miss you again.”
Kumurap ako. “Magkikita tayo bukas. Ano ka ba.”
Malapitan niya akong tinitigan. Ang mga mata ko ay tarantang taranta at hindi siya magawang tapatan sa titigan.
Kinakabahan ako. Baka . . . baka bigla niya akong halikan.
Medyo kumalma lang ako nang halikan niya ulit ang noo ko.
Then, he sighed. Like as if disappointed.
“’Wag kang magpuyat. Magt-text ako pagdating ko sa bahay.”
“Mm. Mag ingat kayo,” sabay tango ko at tulak ulit sa dibdib niya.
Pagsakay niya ay nginitian pa niya ako bago sinarado ang pinto. Umatras ako malapit sa entrance door namin. Nanlalambot na ang mga tuhod ko. Pinipilit ko lang ang sarili na ‘wag pigilan ang hawak niya sa akin. Pati ang pakikipag usap nang ganoon.
I sighed. Tinanguan ko ang guard naming nasa gate para bigyan ng signal na buksan iyon nang mapatalon ako at maalala ang sulat ko. Kinuha ko sa bulsa ang sobre. Lumapit ako agad sa bintana ni Yale at kumatok. He immediately slide down his window.
Inabot ko sa kanya ang sulat ko. “Muntik ko nang makalimutan,”
He looked . . . amused. Kinuha niya at binasa ang nakasulat sa labas ng sobre.
Tinulak ko pa iyon. “Sa bahay mo na basahin.”
Ngumisi siya at tumango. “Your first love letter for me.”
I bit my lower lip. Probably the last, too. Hindi ko naman akalaing first and last ligaw mo na ito. Napagkasundo agad ang kasal.
“Sige na. Ba-bye.” I waved my hand.
Tinaas na niya ang salamin nang makalayo na sa akin. Tinanaw ko ang sasakyan niya hanggang sa makalabas ng gate.
Agad na nakarating sa mga pinsan ko at kina uncle ang tungkol sa pagpapakasal namin ni Yale. Kinabukasan nang umaga ay nagsipuntahan sila sa mansyon at inalam kung kumpirmado. Si Dad ang nag explain sa kanila. Nang malaman iyon nina Uncle Matteo at Auntie Jahcia ay nilapitan nila ako at niyakap.
Auntie Jahcia cried. Panay ang haplos niya sa kamay ko. Kahit na ano’ng alu ko ay hindi siya matahan. Everyone is quiet. Parang hindi kasal ang hinahanda namin. Parang burol ang gagawin namin.
“Hindi ba ‘to pwedeng pigilan? Pwede kayong umatras, Johann. Baka kung ano’ng mangyari kay Deanne!”
I sighed and looked at Uncle Matteo. “I’m okay po. kaya ko, Uncle.”
“Pero Deanne, mapanganib ito . . .” umiiyak na sabi ni Auntie Jahcia.
Yumakap ako sa braso niya at pinatong ang ulo sa kanyang balikat. I loved her. I loved all of them. Wala yata akong hindi kayang gawin para sa kanilang lahat na pamilya ko.
“We planned this out well, Auntie. Kami nina Dylan. Mag-i-spy lang po ako sa mansyon nila tulad nu’ng narinig ko nang dalhin niya ako roon. Madali lang po. Hindi naman sila aware na may alam tayo,”
“Kahit na! Aware naman silang dating De Silva si Ruth. This volunteering of you is putting your life in danger!"
“Uncle, I’m doing this for Ruth.”
“May iba pang paraan, hija.” Auntie Jahcia’s shaking voice.
Umupo sa tabi ko si Nick. He didn’t look pleased but I know that what is happening is needed.
“Don’t hesitate to call me if you need help. I’m always one text away, D.”
Gumaan ang loob ko pagkarinig no’n kay Nick. See? Marami akong kakampi rito. Hindi ako pababayaan.
“Whatever happens, contact me. I don’t trust that Montevista.”
“I know. Thank you.”
Tumayo si Uncle Reynald at lumapit sa study table ni Dad. May sinabi siya kay Dad na hindi namin narinig. Mabigat na bumuntong hininga si Uncle Matteo at lumapit na rin sa kanilang dalawa.
Auntie Kristina held my hand. “You’re doing a big help to your twin, hija. Hindi ka ba natatakot o kinakabahan?”
“Kung pwede lang namin deretsuhin si Ruth . . . pero . . .”
Malungkot na tiningnan ni Auntie Jahcia ang kanyang asawa. I know it.
“The Montevsitas preparing the wedding ahead of time. Siguro, sa oras na pumayag si Ruth, kasal na agad.” Nick gritted his teeth.
“Is this even a legit wedding ceremony?” Auntie Kristina asked.
“Ipaimbestiga mo,” Dylan said to Nick.
“Ako’ng bahala.” Walang gatol na sagot ng pinsan namin.
“Maging civil kayo sa kanila sa araw ng kasal. Ayokong may matunugan sila tungkol sa atin. I am taking care of everything. Pati sa islang pagdarausan ng seremonya.” Dad said firmly.
“Lahat ba ay handa na? Pati mga susuotin at pagkain?”
“He said, his mother already had everything ready.”
“Kung gano’n, bride na lang ang kulang?”
Dad nodded and looked at me. “They are just waiting for Yale's permission.”
“Grabe. Hindi sila masyadong excited, huh?” Nick smirking.
Dylan sighed and sipped on his whiskey. “They’re also planning. But they will not win.”
Hinila ni Auntie Jahcia ang kamay ko. Inalis ko ang ulo sa kanyang balikat at lumingon sa kanya. Her motherly eyes feel like home in my heart, too.
“Auntie, I’ll be fine.”
“T-Thank you, Deanne. Thank you for doing this for my Ruth Kamila.”
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. “For our family,”