Chapter 14

4532 Words
“You hear, O LORD, the desire of the afflicted; you encourage them, and you listen to their cry.” – Psalm 10:17 NIV ** Chapter 14 Deanne Umaga at tanghali, panay ang tawag sa akin ni Yale. Hindi para magtanong kung may kailangan ba mamaya sa pamamanhikan. Kundi para mangamusta lang. Kumusta ako ngayon. Anong ginagawa ko. Kumain na ba ako. Such questions that I only received from men who’s practically wants me to fall for them. And flirt. But he doesn’t need to flirt. Engaged to be married na kami. At first, hindi ako sanay. Galing pa sa kanya. Para bang hindi pa masyadong nagsi-sink in ang nangyari kagabi. Na-adapt ko kahapon pero paggising ko kanina, tinanong ko ang sarili; totoo ba? Ikakasal ako kay Yale Montevista? Sa isang Hotel and Casino Magnate. The words formed in my head like some new tenant in it. Sometimes, it just feels like a business deal between us. But when I think deeper, it isn’t. I only agreed to this marriage because I am a spy. Aalamin ko ang mga pinaplano nilang pamilya at way ko ito para mapalayo ang mahal ng kapatid ko sa mga Montevista. That’s fueled me and made me do this without shame and regret. I’m not doing this for recognition. Or to be a hero. I don’t need rewards. I don’t need compensation. This is just . . . me. Loving my clan. Nagtulong tulong sa pagluluto sina Mom, Auntie Kristina at Auntie Jahcia. However, ang dalawang Uncle ko ay hindi pa rin sang-ayon sa naging desisyon ni Dad. Umuwi si Dylan sa Penthouse niya at may aasikasuhin lang daw pero babalik ulit mamaya. Gusto niyang marinig ang plano sa kasal ko. Ang mga pinsan ko, tahimik ang mga lalaki. But Yandrei and Dulce bombarded me with so many questions. Hindi nila ako tinantanan nang malamang engaged na ako. They want to know every detail. But they won’t get it. Ofcourse. Masyado pa silang bata at baka matakot. Nagpapunta ako ng magma-massage at makeup artist ngayon. I am thinking too much lately. Feeling ko, magkaka wrinkles na ako. I need some pampering and spoiling for myself. Bago ako matali sa Montevista’ng iyon. We have a designated room for in-house spa. Kasama sina Yandrei at Dulce. Pare pareho kaming nakadapa sa manipis na kutson at pinapahiran ng langis sa likod at mga binti. I closed my eyes. Inaantok ako sa amoy ng langis pero hindi ako tuluyang makatulog dahil sa kakadaldal ng dalawa. Hindi napapagod ang mga bibig nito. Parang may gyera kapag magkasama. If there’s one thing that made me halt right at the moment, is when they mentioned Grey. He’s the only one that stunned me a little. Naalala ko lang ang huling pag uusap namin. Ang huling text namin. Somehow, there’s guilt I couldn’t explain. I sighed. “Leave him alone now. Wala na kami.” Dumilat ako nang maramdaman ang kalabit sa balikat ko ni Yandrei. Kinunutan ko siya ng noo. “Hindi namin naramdaman na wala pala kayo, ate D. Matagal na ba? Kaya pumupunta rito si Kuya Yale kasi wala ka nang boyfriend?” “Kami pa ni Grey nang makilala ko siya. Actually, matigas ang mukha niya at malakas ang loob. Kahit alam niyang may boyfriend ako.” I heard Dulce’s gasped on my left side. Ako kasi ang nasa gitna nilang dalawa. “Na love at first sight sa ‘yo, ate?” I felt the joy in her tone. Ngumisi ako. “Ewan ko ro’n.” Napapikit ako nang dumaan ang kamay ng masahista sa balikat ko. It feels so damn good. “He looks older than you, ate, Ilang taon na ba siya?” “Thirty?” base sa nakita kong info nito sa docs ni Dad. “Ah. Not bad naman, Yan. Ikaw nga e, mas gusto mo ng mature guy.” “Type ko talaga ang ganu’n pero ‘wag naman lalagpas sa ten years, ‘no. Tipo ko ‘yung mas marunog mag isip kaysa sa akin.” “Kasi engot ka. Ganu’n?” Natawa ako sa sinabi ni Dulce. “Sira! Ayoko nang kaedaran ko. Hindi ko rin gusto nang mas bata sa akin, hello? Matured men not much older are my type. Really.” “Oh, edi ayaw mo na sa nagcha chat sa ‘yo? Magka age kayo, e.” “Oo. Ayaw ko na ru’n. Hanap ako ng iba.” Nagsalubong ang mga kilay ko kay Yandrei. “Stop looking for guys. Let them find you. Don’t chaste.” “Tama. Makinig ka kay Ate Deanne. Don’t chaste. Attract.” Nilipat ko ang ulo para makita ang bunso kong kapatid. “Ikaw may nagugustuhan? Wala kang nasasabi sa akin o kay Mom.” Namilog ang mata ni Dulce. Agad ding nangamatis ang mukha niya kaya natawa ako. “Dulce.” “Wala, ate.” Yandrei laughed. “Wala ‘yan talaga, ate D. Busy siya kakanood sa mga paborito niyang boyband sa TV.” “If there’s one guy that took your attention, sabihin mo agad sa akin, ha? Gusto kong kilalanin ‘yan. Dulce, remember that.” Humaba ang nguso niya at inayos ang patong ng baba sa kanyang forearm. “Wala naman akong crush, e. Magagalit si Dad. Pero si Kuya Dean, marami.” I rolled my eyes. “Let him suffer!” “Pareho sila ni Kuya Anton. Maraming babae. Buti pa si Red at Cam, cool lang.” May naisip ako pero hindi ko na dinugtong kay Yandrei. Sino naman ako para pangunahan ang love life ni Red. Kung siya nga ay tahimik, edi ako rin. It’s not my business. Pero . . . “Si Kuya Nick. Narinig kong may kausap na babae sa phone,” Yandrei chismis mode is on. “That’s not new.” sabi ko at pumikit ulit. “Hanggang umaga? Inumaga sa phone.” Napadilat ako ulit at binalingan si Yandrei. Medyo nagulat siya sa mabilis kong baling. “Paano mo nalaman?” She grinned. “I heard him in the balcony.” She wiggled her brows. “Anong pangalan?” “Mmm . . . I forgot na, ate. Pero parang tunog bato or something. Yeah.” “Inumaga talaga, ha? Can’t get enough of her?” “Ask him later. Tapos hanapin natin ‘yung girl.” “Bakit hahanapin?” Pareho kami ng tanong ni Dulce sa isip ko. “Para malaman natin kung anong magic at natagalan niyang kausap si Kuya Nick. Wala kayang kwentang kausap ‘yon.” Tumawa ako nang malakas. Pati ang tatlong nagmamasahe sa amin ay pigil na tumawa sa pagsasalita ni Yandrei. “Uy, baga isipin nilang tatlo masama ugali ni Nick.” Nilingon ni Yandrei ang babaeng bumungisngis sa likod niya, ang nagmamasahe sa kanya. “Hindi niyo naman kilala ang Kuya ko, ‘di ba?” “Hindi po, Ma’am.” “Good. Spare your life and save what’s in between your legs.” Dulce and I gasped loudly. Namilog ang mata ko at halos mapabangon sa pagkakadapa. “Maria Yandrei de Silva!” She only giggled and cleared her throat. “My Kuya Nick is matinik sa chiqs. Always remember, girls.” “Argh!” Napatakip na lang ako ng mata. Bakit ko ba ito naririnig sa kanya? Gosh. “Oh my. I wish Ruth is here with us.” Maybe soon. She’ll be here as my twin’s girl. Or wife. Who knows? Hindi ko na napigilan ang madaldal na bibig ni Yandrei. Pati si Dulce ay patawa tawa na lang din hanggang sa matapos kami sa pagpapamasahe. I totally forgot about everything habang kasama ko ang dalawang babaeng ito. Hindi ko nahawakan ang phone ko. Hindi ko inabalang tingnan kung may tawag ba ulit si Yale. Hinayaan ko ang kutob na baka kumontak na naman ito sa akin. Iisa lang naman ang tanong niya at maya’t maya nitong araw. Sinamahan nila ako hanggang sa kwarto. Nagpatulong ako sa susuotin ko mamaya. Ang sabi ko ay simpleng dress na lang. O kaya ay denim pants at black long sleeves polo. Kinilibutan si Yandrei sa huli kong sinabi ko. “Dapat maganda ka sa mata ni Kuya Yale mamaya, ate. ‘Yung tipong tulo laway niya. Tapos hindi ka na bibitawan magdamag.” I cringed at that. “It’s just pamamanhikan, Yan. Naku, wala akong makuha sa inyong magandang ideya.” “S’yempre, ate. Hindi pa namin nararanasan ‘yan. Ikaw pa lang ang unang ikakasal sa atin. Hindi ba, Dulce? Ikaw ba excited nang magkaroon ng pamangkin?” “Ano—Yandre!” What the? Pamangkin? Seryoso ba ‘tong batang ito? Kung anu ano pinagsasabi. Nilapitan ko siya at tinakpan ang bibig. She held my hand and giggled. Si Dulce na hawak ang hanger ng damit ko ay nakakunot ang noo kaming binalingan. Yandrei tried to reach my sister. “We’re not talking about that. No.” Natigilan si Yandrei. Magkasalubong ang mga kilay niya akong tiningala. Dahil hindi makapagsalita, nag ok sign na lang siya bago ko inalis ang kamay sa tapat ng bibig niya. “Napa-advance lang ako. Pero possible naman ‘yun, ah. Mag aasawa ka na kaya next niyan, junakis na!” Nalaglag ang panga ko. Pinamaywangan ko siya at madiing tiningnan. “Tell me, where did you get that word? Yandrei, ha. Kung anu anong natutunan mo kaka chat.” “Sus. Kay Tito Hero pa lang ang dami na hehe. May eklabu, charing, churva,” “No. Paano kung-“ Tumunog ang phone ko. Binigyan ko ng tinging may banta si Yandrei. Tapos ay kinuha ko ang phone ko sa night table. Si Yale na naman. Wala siyang kasawa sawa sa pagtawag. Magkikita naman kami mamaya. Tinanggal ko ang sound at nilapag ko ulit iyon. Humalukipkip ako. Pinanood ko ang pangalan niya sa screen ng phone ko hanggang sa mawala ang tawag. Kinuha ko ulit iyon at binuksan. I saw him calling me three times na. At may dalawa pang text. I sighed and read them. Yale M: Are you busy? What are you doing? Yale M: Love? Umirap ako. I put it down and turned around. May pinag uusapan na sina Yandrei at Dulce pagbalik ko sa kanila. Wala sa sarili kong tiningnan ang mga damit ko sa closet. Hindi ko na rin nabalikan si Yandrei. Namili agad ako ng susuotin at nagpa makeup na. Hindi kasi nakakatulong sa nararamdaman ko ang pagtawag niya. Hindi kaya siya nauumay? I mean, pwede naman niya akong kumustahin mamaya. Bakit patawag tawag pa? Auntie Jahcia held my hand. Malungkot pa rin siyang tingnan pero mas magaan na ngayon kaysa kanina. “Auntie,” I warned her not to sob. She sighed and fixed my hair. “Nandito lang kami palagi sa ‘yo.” Nginitian ko siya at yumakap. “I know, Auntie. Thank you.” Pasado alas singko ng hapon nang umuwi na sina Auntie Jahcia. Pati sina Uncle Reynald. At five thirty, dumating si Dylan. Ganu’n pa rin ang mukha. Nakasambakol at mainit ang ulo. Nasungitan pa si Dulce nang magtanong ito kung saan ito nanggaling. The dining table is prepared. May mga bulaklak pa sa gitna at makikintab ang mga platong nakahanda. I think then that my mother preparations are too much. Nang tingnan ko siya habang naglalagay ng mga kubyertos ay sobra niyang seryoso na tila may malalim na iniisip. Nagkibit ako ng balikat. Pumunta ako sa sala para i-check kung malinis pa rin doon. Naupo pa kasi sina Dulce roon at naglabas ng magazines. Kanina ay nakakalat sa coffee table iyon. Baka iniwanan na. At pagpasok ko, tama ako. Naroon pa nga pero sila ay wala na. Kaya pinagpatung patong ko ang mga magazine. Tinabi ko sa ilalim ng lamp shades. I made sure na hindi makikita. Bumaling ako sa entrance door nang nagmamadaling pumasok si Ate Mersing. Kabado ang mukha niya. “Ma’am Deanne, nariyan na po sila. Tatlong sasakyan pa ang dala!” “Sina Yale?” Tumayo ako at lumakad palabas. Sinundan ako ni Ate Mersing. “Dinala yata niya buong angkan niya. Samantalang, umuwi sina Sir Reynald at Sir Matteo. Tatawagin ba natin sila para bumalik dito?” Nangiti na lang ako sa komento ni Ate Mersing. Paglabas ko, nangunguna ang Ford ni Yale palagi. Tumayo ako sa tapat ng entrance namin. Sa likod ng itim na Ford ay puting van. Kasunod nito ay isang itim na Audi. Kumunot ang noo ko. Wow. Kay Leonard ba ‘yan o Rock? “Sa loob ka na maghintay, Ma’am Deanne. Ako na rito.” Umiling ako. “Nakita na ‘ko. Okay lang.” Huminto ang Ford car sa harapan ko. Bumukas ang driver’s seat. Bumaba ang sakay no’n at napaawang ang labi ko nang makita si Yale ang nagda drive. Nu’ng nakaraan may driver siya. Pinisil ko ang mga daliri nang magkatinginan kami. I forced myself to smile at him. Lumunok siya. Agad niya akong nginitian. He’s wearing an all-black corporate suit. Pormal ang kanyang itsura. Makintab at maayos din ang porma ng buhok niya. Parang ang bango bango niyang tingnan. Gaano katagal kaya niya inayos ang sarili? Parang papunta na sa altar ang pormahan nito. Bumaba ang mata nito sa mga binti ko. Tapos ay nagkamot ng leeg. Kumunot ang noo ko. Nakasuot ako ng kulay maroon sleeveless blouse. Squared neck at fit sa body ko. Confident naman ako sa shape ng arms ko at laman ako ng gym kaya okay lang. Napili kong mag palda-shorts. ‘Yung shorts talaga pero mukhang mini skirt sa harap. Mapusyaw na kulay brown iyon. Halos madikit na kulay ng mga binti ko. I saw him sighed heavily. Tapos ay lumapit sa akin. Tila nakangiti ang mga mata niya kung makatingin. Pero naestatwa ako nang bigyan niya ako ng halik sa pisngi. Hindi pa niya agad inalis ang labi sa pisngi ko. Bahagya niyang binaba malapit sa leeg ko. Parang inaamoy ako. “I missed you, love.” Kumunot ang noo ko pero kumakalabog ang dibdib ko dahil sa lapit niya. “Hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina.” I gulped nervously. Heto naman. Kinakabahan na naman ako. s**t. Hinanap ko ang mata niya pero hindi ko makita dahil nakayuko siya sa may leeg ko. Ano bang ginagawa nito? Parang bampira kung makadikit d’yan. “Ha? Hindi ko hawak ang phone ko kanina,” “Bakit?” He whispered the question. I cleared my throat loudly. “Busy ako sa paghahanda. Nagpamasahe rin kami.” “Lumabas ka?” Umiling ako. “Sino’ng kasama mo?” Nilagay na niya ang mga kamay sa magkabila kong tagiliran. “Sina Yandrei at Dulce. Home service. Hindi ko nahawakan ang phone ko. Sorry.” “Buong araw kitang iniisip. Pinigilan lang ako ni Leonard na puntahan ka kanina. Nagpapamasahe ka lang pala.” “Sus. Magkikita naman tayo. Hindi mo kailangang tumawag oras oras. Para akong batang mawawala lang?” He moved closer. I gulped and I couldn’t push him. Hindi lang ako nakagalaw habang naririnig kong bumukas ang pinto ng sasakyang kasama niya. Yale’s lips almost landed on my neck. “It’s my business now to know everything about you.” Hilaw akong tumawa. “Lahat? Kahit for girls only ang ginagawa ko?” He sighed. “Everything.” “Yale,” tinulak ko na siya sa dibdib pero pinatakan niya ako ulit ng halik sa pisngi. I looked up at him with amused in my eyes. He took my hand and intertwined our fingers like as if he has been doing it for years. Tumabi siya sa gilid ko. Tiningnan ako at dinala niya sa labi ang likod ng palad ko para halikan. Nakatingin siya sa mata ko habang ginagawa niya iyon. I . . . almost got bitten by snake, kung hindi ko narinig ang malakas na tikhim sa likod ko. “Dylan,” Yale acknowledged his presence. Tumayo sa isang tabi ang kambal ko. Sinuksok ang mga kamay sa bulsa at tinanaw ang pamilya ni Yale. “Napaaga kayo, ah. Six ang sabi ni Dad.” “Alam ko.” Inalis ni Yale ang tingin sa kanya. Hindi na niya inabala ang sariling kausapin siya nang maayos. Iyong tipong welcome siya sa kanya. Mas okay na rin iyon para hindi magkagulo. O magkabukuhan pa. Bumaba sa Audi ang dalawang nakakabatang kapatid ni Yale. Kinawayan ako ni Rock bago binuksan ang pinto ng puting van. Nakita kong bahagya pang natigilan si Leonard nang makita si Dylan. Sandali lang iyon tapos ay pinagtulungan nilang buhatin na makababa ang kanilang Mama. “Excuse me,” Tinanguan ko si Yale. Lumapit din siya roon at tumulong sa pagbaba sa Mama niya. Tinabihan ako ni Ate Mersing. “Naka wheelchair ang Mommy niya, Ma’am?” I sighed. I politely looked back at her. “Sina Mom at Dad?” “Ay, teka tawagin ko.” Nagmamadali siyang pumasok sa loob. Tagumpay nilang naibaba si Mrs Rosalinda Montevista sa van. The woman is wearing a sky-blue cardigan at black inner clothe. May kulay puti itong blanket na nakapatong sa kandungan. Binuksan niya ang hawak na pamaypay at tinapat iyon malapit sa mukha. I bit my lip after I caught her rolled up her eyes at Yale. Parang nainis. O hindi nagustuhan ang pagbuhat sa kanya. Pumwesto sa likod niya si Rock at yumuko sa kanya. May sinabi na siyang nagbawas sa inis nito. I have this thought. Ayaw niyang pumunta rito para mamanhikan. Ang matanda ay hindi sang-ayon sa pagpapakasal ni Yale sa akin. What I have seen is irritating reaction. Mukhang napilitan siyang pumunta rito. Pasimple kong tiningnan si Dylan. He whistled and looked back at me. Hindi ako kumibo at inalis din agad ang tingin sa kambal ko. Tumabi si Yale. Pinauna niya ang kanyang Mama na nagpapaypay papunta sa pwesto ko. Napatuwid ako ng tayo nang magtama ang paningin namin ni Mrs Montevista. I saw her smiled a little. It’s almost a smirked in other word but for her it’s a smile. I guess. “Magandang gabi, hija.” She folded her fan. Nakapatong ang dalawang niyang siko sa armrest ng wheelchair. Tumingala siya sandali. “Maganda pala ang mansyon ninyo. Malaki.” “Salamat po, Ma’am.” Nakipagkamay sina Leonard at Rock kay Dylan matapos ipakilala ni Yale. “Ang mga magulang mo?” “Uhm,” Lumingon ako sa loob. Eksaktong palabas sina Dad at Mom. Magkahawak kamay. Wala na si ate Mersing. “Mr and Mrs De Silva. Maganda gabi sa inyo,” Nakangiting binati at nilapitan ni Mom si Mrs. Montevista. It’s all very formal but Mom welcomed her with open arms. Nakipagbeso siya rito at kinamayan sina Leonard at Rock. Dad did it, too. “Napakaganda ng mansyon niyo, Mr. De Silva. Homey tingnan.” Dad arched his brow. He crossed his arms on his chest. “Thanks. My wife is my inspiration. She’s my home.” Nagkatinginan kami ni Mom at ngumiti. Tumikhim si Dylan. “Oh, I guess, this man is Deanne’s twin, right? Hindi pala kayo masyadong magkamukha pero . . . may wangis.” Tumaas din ang kilay ni Dylan. “We’re fraternal that’s why, Ma’am.” “Ah. Kaya pala.” If this is different occasion, I would probably just lock myself in my room and put a headset on my ear with a loud music. “Sa loob na tayo mag usap usap. May hinanda kaming munting salu salo,” “That’s so nice of you, Mrs. De Silva. Let’s go, hijo.” Binalingan ni Mrs Montevista si Rock para itulak na ang wheelchair niya. Tumabi kami para makadaan sila. Mom followed them immediately para igiya sila sa dining area. Malakas na tumikhim si Leonard. Tiningnan kami na tila nahihiya. Nginitian ko siya at niyaya na lang sa loob para makakain na. Then, he followed them. “Sa loob na tayo.” Si Dad at nilingon saglit si Yale. “Gutom na ‘ko.” bulong ni Dylan nang daanan ako bago sumunod kay Dad. Pasunod na rin ako sa kambal ko pero natigilan ako sa pintuan nang maalalang nandito pa nga pala si Yale. Damn. Muntik ko pang makalimutan. Kaya binalingan ko siya at niyayang pumasok. Pero tiningnan niya lang kamay ko. Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya. “What’s wrong?” Sumilip muna ito sa loob bago binalik ang paningin sa akin. “I’m sorry. Wala sa mood ngayon si Mama. She didn’t expect this to happen . . .” “May nakahanda ka nang kasal, ah.” Mapaglaro kong sagot. He forced a smile. Kumurap ako. Parang may nagpapahirap sa kanya at nahihiya. “Hindi niya lang inaasahan na ngayon.” Humalukipkip ako. “Nahihiya ka ba?” Dumaan ang pagkabigla sa mukha niya. Binasa niya ang labi at umiwas ng tingin. I giggled and held on his arm. “My parents can understand.” “Kaya nga ako nahihiya. Mababait ang parents mo.” “Then, it’s fine. Hindi naman ito araw araw gagawin. Tapusin natin ang dapat tapusin ngayon.” I mean, matatapos din ang gabing ito at makakalimutan ang kasungitan lalo na kung hindi mahalaga. Gusto ba niya ng perfect na manhikan? I don’t think this will be perfect. Sumunod na lang ako sa agos at sa kung anong mayroon. I didn’t ask for much. Hindi ko nga ito pinangarap sa kanya. We’re still strangers at each other. Nakilala ko lang siya sa info na pinakuha ni Dad at Dylan. Hindi ko masyadong iindahin ang Mama niya. Kung iyon ang pinoproblema nito. We all gathered in our long dining table. Nasa magkabilang side ni Dad sina Mom at Dylan. Sa tabi ako ni Mom at sa kabila ko si Yale. Leonard sat beside Dylan. Sa kabila ni Leonard ang Mama niya at tapos ay si Rock. Sa tabi ni Yale sina Dean, Dulce at Yandrei. Na panay ang ngiti kina Rock at Leonard tapos ay hihinaan ang tawa. Nadinig ko sinasaway sila ni Dean pero hindi napapakinggan. Napailing na lang ako sa pinaggagawa ng dalawang ito. The dinner went well. May tatlong isang buong manok na niluto sina Mom at mga Auntie ko na siyang nagustuhan ni Mrs. Rosalinda. Nagtanong pa siya ng recipe. Which Mom can share with her later. Inuna namin ang pagkain at walang nag umpisa ng salita tungkol sa kasal. Dad and Dylan are very formal. Parang pareho silang naghihintay na may manghahagis ng bomba sa gitna namin. Pagkatapos naming kumain, lumipat kami sa study room. Hindi na pinasama sina Dean, Dulce at Yandrei. Sa bawat tayo ko o lakad, palaging nakasunod sa akin si Yale. Ultimo pagtayo ko para kumuha ng tissue box, sinundan pa niya ako at hinintay matapos. I got amused at first. Pero sinusundan din kami ng mapanuring mata ng Mama niya. Dumidiin ang lapat ng labi nito kapag nahuhuli kong pinapanood kami ng anak niya. Binigay ko sa kanya ng tissue box at bumalik sa pag upo sa couch. Na katabi si Yale. My father is always sitting on his swivel chair. Nakatayo sa tabi niya si Mom. Magkatabi sa isang upuan sina Leonard at Rock. Tahimik pero paminsan minsang nambabato ng biro. They couldn’t do that to Dylan. Na nakatayo sa tabi ng pinto at nakahalukipkip. Yale intertwined our hands again. Tapos ay pinatong niya sa ibabaw ng hita ko. Medyo nagulantang ang loob ko nang dumampi ang balat niya sa hita ko. Bahagyang tumaas ang palda-shorts ko kaya roon bumaba. But he seems oblivious of my reaction. Sinsero siyang nakikinig sa pag uusap nina Dad at Mama niya tungkol sa kasal. Habang naiistorbo ang tiyan ko dahil sa kamay niyang nakadantay sa hita ko. Her Mama looks so uninterested on our wedding. “Wala naman ng magiging problema sa lahat, Mr. De Silva. Ang imbitasyon, madaling ayusin. Ipamigay na agad. Pero dahil malapit ang petsa, baka walang magsipuntahan sa isla namin.” Tumaas ang kilay ko roon. Hindi problema iyon sa akin. Pabor pa nga, Madam. “I can personal call all the important visitors, Sir, Ma’am. Natawagan ko na po ang iba kagabi at kanina. Willing silang lumipad dito sa atin para um-attend sa kasal.” Umikot ang mata ko kay Yale. Kay Dad at Mom siya nakatingin. Pero humahaplos ang thumb niya sa balat ko. “That’s super rush, hijo. Nakakahiya sa kanila,” Hindi sumagot si Yale. Tiningnan niya lang ang Mama niya. “The color motif of the wedding are red and black. Will that be fine with you, hija? Si Yale na ang pumili niyan,” “That is fine with me, Ma’am.” Binalingan ako ni Yale. “May gusto ka bang ipabago, love?” I opened my lips and . . . “Mauurong ang kasal kapag may pinapalitan pa, hijo. Let’s just use what we already prepared.” I tilted my head and gave Yale an assurance smile. “Everything’s fine with me. ‘Yung pagsusukat na lang siguro ng gown at damit ng kasama sa entourage para ma-adjust pa.” He gave me all his attention. Tumango si Yale sa akin. “Tatawag ako ng mga mag aasikaso sa inyo. Dadalhin kita bukas sa mananahi, love. Tapos, pag usapan na natin ngayon ang mga kasama sa entourage,” “Ofcourse. Mga kapatid ko at pinsan. Sina Leonard at Rock na rin. At . . . si R-Ruth. But I think, she’s too busy. Ipapadala ko na lang ang gown niya at other things.” Halos makagat ko ang dila nang manbanggit si Ruthie. Ayaw kong magkrus agad ang mga landas nila. Pwedeng sa kasal na lang namin. Pero hindi yata naapektuhan si Yale matapos kong banggitin si Ruth. Mataman siyang nakikinig sa akin. “What about your friends?” he asked. “Hm, I can call Dawn, my bestfriend. I’ll talk to her tomorrow.” “We’ll talk to her. I-invite natin ng lunch.” “Okay. Fine.” Naiwan na ang mata sa akin ni Yale. Kahit natapos kami sa pinag uusapan. Nagbaba ako ng tingin, nakatitig pa rin siya. Tumikhim lang si Leonard nang malakas kaya napatingin ang Kuya niya sa kanya. Gosh. This is embarrassing. “How many chopper you will need, then?” Napabaling kaming lahat kay Dylan sa pinto. Tapos ay naalala ko ulit si Ruth! “Yeah. Ipasabay mo si Ruthie kina Dulce papunta sa venue.” “Isasabay ko siya sa akin. Don’t worry.” “Ows. Good, then.” Sabay ngisi ko sa kanya. “After the wedding, mag sstay po muna kami ng magiging asawa ko sa isla.” Natigilan ako. I saw Mom got worried after she heard that. Hinawakan ni Dad ang kamay niya at ito ang sumagot. “Ilang araw kayo roon?” “Ang balak ko po ay one week. Bibisita po kami rito bago umuwi sa mansyon namin.” Sa mansyon nila kami titira. That’s great! Umirap ang Mama niya. “Napakaaga pa niyan para planuhin. Bakit hindi muna ang mga bisita ang intindihin ninyo bago ang honeymoon sa isla. Hijo, dapat ay masiyahan ang mga bisita para hindi naman masayang ang pagpunta nila. Nakakahiya kung ganoon.” Honeymoon sa isla ng mga Montevista? Shit. Paano ko iyon matatakasan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD