Chapter 15

4777 Words
“The LORD will work out his plans for my life—for your faithful love, O Lord, endures forever.” – Psalm 138:8 NLT ** Chapter 15 Deanne Ilang beses kong pinagsabihan ang sariling kumalma. Nagpatuloy ang pag uusap at plano sa kasal pero dumadagundong ang dibdib ko. “May . . . balak ba kayong bumukod, Yale?” mahinahong tanong ni Mom. Ramdam kong pinagpapawisan ang palad kong hawak pa ni Yale. I couldn’t even say anything other than feeling the loud terror beat of my heart. Ano ba itong napasukan ko? Nakaligtaan ko ang honeymoon pagkatapos ng kasal. Dammit! Kanino ako hihingi ng tulong? If ever man, paano ako tutulungan? Gaano ka effective ang magdahilan para hindi ko . . . makasiping si Yale? Knowing that make love is part of marriage. Naku. Nalintikan na. “Meron po, Ma’am Aaliyah. Hihingin ko po si Deanne ng ideya sa bahay na gusto niyang tirhan. Like Sir Johann, my fiancée is going to be my home for the rest of my life . . .” I suppressed myself not to roll up my eyes. Pinag alayan pa ako nito ng buhay niya. Gaano katotoo naman kaya ‘yan? Bukod sa alam ko ang history ng pamilya niya, aba e, kakakilala pa lang namin. Is it possible to love someone that much even if you have just met recently? For me, it’s so unreal. Let us be honest. Siguro, kung nagtagal ang panliligaw niya sa akin, baka kapani paniwala pa. Pero hindi, e. Isang beses niya lang ginawa tapos engaged na kami agad. Ofcourse, sang-ayon ako r’yan. I have plan, too. Sa kanya, mahal na niya ako kaagad? He got blinded by his own desires. This was just the work of his lustful wants to have me. At iyon ang nakaligtaan ko! Honeymoon . . . Sa isla pa! Makakatakas ako kung nasa siyudad o ibang bansa. Pero sa isla? s**t. Para akong na-corner doon! I tried to look at my twin. Pero seryoso nitong pinapanood si Yale na kausap si Mommy. Mukhang hindi pa aware sa pinuproblema ko. I tried to have my parents’s eyes but they are also focused on Yale. I sighed. Umayos ako ng upo at tila hinahatak ang paningin kong tiningnan si Mrs. Rosalinda Montevista. Nakatingin pala siya sa akin. Hindi lang masyadong halata pero kakaiba ang hatid ng mata niya habang pinagmamasdan ako. Para bang hinuhulma o sinusuri ako sa ayos na iyon. Later on, I realized that kind of gaze. Hindi curiosity. Hindi amusement. She’s studying me. Hindi siya kumukurap. It’s like, she’s trying to poison me by watching me intently until I die. Tiningnan ko sina Leonard at Rock. They are quiet and firmly listening to their older brother. I see that they respect him even if their secret plan isn’t working anymore. Suddenly, Leonard’s eyes turned to me. Hindi siya ngumiti o ngumisi tulad ng inaasahan ko. Tiningnan niya lang ako nang . . . malamig. Binalikan ko si Mrs. Rosalinda. Ganoon pa rin ang mukha niya. Binalingan ko si Leonard. He’s not changing, too. Parang sekreto akong pinagtutulungan ng mag ina. Kung ganoon . . . tumikhim ako. Umupo ako ng tuwid. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Yale. Gamit ang kabilang kamay, kinapit ko iyon sa braso niya at humawak doon na para ba akong mabubuwal. Umusod pa ako sa tabi niya at nilapit ang mukha sa kanyang balikat na parang ihihiga ko ang pisngi roon pero hindi. Bahagya lang akong sumiksik doon. I purposely shows to them what I am doing. Yale is holding me tightly. I am his now. Naramdaman ni Yale ang munti kong pagsiksik sa kanya kaya nilingon niya ako. Nginitian at mas hinaplos ang daliri niya sa balat ko. Nginitian ko rin siya pabalik. Ngiting alam kong siya ay nasa panig ko at pinagmamalaki ko iyon sa Mama niya at kay Leonard. “Are you alright?” Yale whispered. I squeezed his arm and gave him my sweetest smile. “Yes.” Whispering at each other made me feel like I won the black war. The underground battle. The unseen commotion. Yale smiled again then continued his talking to my family. When I look back at his family, except Rock, his mother and Leonard avoided their eyes from me right away. Ito na siguro iyon. Power. My power over their leader. The ace is in me. I don’t need to worry. Except, that I need to avoid him in bed. “Mukhang wala namang magiging problema sa kasal. Nakahanda na ang lahat. Tanging ang mga bata na lang ang hinihintay na magamit ‘yon. Kung mayroon pa kayong gustong ipadagdag o ipabago na sana ay wala na, makipag usap na lang kayo sa organizer at suppliers. Kakilala ko ang Pari kaya anytime, pwede silang ikasal.” “May chopper kami na pwedeng gamitin. Kayo ba?” Kamuntik akong tumawa nang magtanong si Dylan nang ganoon. “Mayroon at meron ding kokontratahin para roon, Mr. de Silva.” “Ah. I see. Handang handa nga talaga.” “Meron ka bang hindi nagustuhan sa pinag usapan, Dylan?” Dad asked. “Nothing, Dad. I just . . . envy them. Hindi niyo pa kasi ako napaghahandaan ng kasal kahit wala pa akong bride. It’s so refreshing to hear that kind of . . . a gift.” I bit my lower lip. I almost wanted to stand up to kick my brother but I remained in silence. Tumawa si Rock. “No’ng buhay pa kasi si Papa, gustong gusto na niyang mag asawa si Kuya Yale. Atat na atat lang kaya mayroon nang nakahandang kasal.” Dylan’s brow arched. But I also noticed how his face darkened. “Well, that’s understandable. Panganay kasi. Pero hindi naman ako pinupwersa ng mga magulang ako. Ako ang . . . nagpupumilit.” “Gusto mo na ring magpakasal?” Mrs Rosalinda curiously asked. Ngumisi si Dylan. “Ilang taon ko na pong gusto, Ma’am.” “Naku. Hindi pwede ngayong taon at sukob ‘yan kina Yale. Ipagpaliban mo. O sa isang taon mo na gawin. Baka malasin pa lalo . . .” Bigla itong natigilan at tumikhim. “Mamalasin tayo.” Sabay bukas nito sa kanyang pamaymay at paismid na hinanginan ang mukha. “Ako ang mamalasin kapag hindi ko siya napakasalan.” Dylan said unintentionally. Inabot ni Dad ang kanyang tasa ng kape at sumimsim doon nang nakatingin kay Dylan. Humalukipkip si Mommy at inilingan ang anak. Rock just smirked. While Leonard curiously watched my twin. Yale looked at me. Agad akong inalis ang ngisi. “May girlfriend na ba ang kambal mo?” Bumubulong na naman siya. Umiling ako. “May . . . nagugustuhan. Pero hindi pa sila. Soon.” “You’re sure, huh?” I smirked. “S’yempre. Kapatid ko, e.” “Sino’ng nagugustuhan?” Tiningnan ko siyang maigi matapos niyang magtanong. Hindi ko pwedeng sabihin na si Ruth iyon. Hindi pwede. Kaya umiling ako sa kanya. “Hindi mo pwedeng sabihin sa akin, love?” may lambing niyang tanong. Binasa ko ang labi. ‘Oo, hindi pwede’ sana ang gusto kong sagot pero umiling ako ulit. “Let’s not talk about my brother’s love life. We have our own.” Yeah. What a way to redirect this topic. “Ofcourse. We’ll only talk about us.” Sabay-ngiti niya ulit sa akin. Kinabukasan nang umaga, kinita namin si Dawn sa isang restaurant sa Quezon City. I texted her last night. Pagkakita niya sa amin ni Yale, na alam kong natatandaan pa niyang nagpaabot ng wine bottle sa akin, puno ng pagtatanong ang mga mata niya sa pagkakatingin sa akin. I just sipped on my glass of water and shrugged my shoulder. “Wait. I’m sorry, ha. Pero totoo ba ‘to? Ikakasal ka na . . . sa kanya?” namimilog ang mata niyang nakatingin sa akin. It’s about lunch time. Inagahan ko ang meeting kay Dawn para pagkatapos dito ay dederetso kami sa gumawa ng gown ko at ng sa mga abay. Hindi na kami pumasok ni Yale sa kanya kanya naming trabaho. Si Dylan ang bahala sa akin. Tambak ang trabaho ko pagbalik sa office. I am a bit timid talking about the wedding with Dawn. Ewan ko. Basta bigla na lang akong kinabahan. Si Yale ay tahimik at pormal nang ipakilala ko siya sa kaibigan ko. “At ilang araw na lang mula ngayon? Unbelieveable!” “I want you to be my maid of honor. Pwede ka ba?” “O-Ofcourse! Ofcourse! Kasal ng bestfriend ko ‘to kaya hindi ko palalagpasin. Sa isla kamo ang venue?” “Yes. Kina Yale ‘yon.” Manghang binalingan ni Dawn si Yale na nagpupunas ng labi. “That’s . . . wow. Nagmamay-ari ka ng isla? Wow. Ka level ang mga Castillano,” Hinintay kong magbigay ng reaksyon si Yale. Pero binigyan niya lang ng tipid na ngiti si Dawn. Then, she laughed like he said a joke. “I mean, iba ang mga Castillano, Mr. Montevista. Nada-dark-an nga ako sa pamilyang iyon. Unlike nitong sina Deanne. Tahimik at sobrang respetado ang angkan. But don’t get me wrong, ha? May koneksyon din ang mga de Silva at Castillano. Baka bigla niyo akong isumbong sa kanila.” “No. I’m not connected to anyone from the Castillanos. My fiancée can deal with them but not me.” Natigilan si Dawn at hilaw na ngumiti. Tinusok ko sa karne ang tinidor at hinayaan silang dalawa mag usap. I prayed that Dawn won’t mention Grey. “But anyway, hindi naman lahat ay nakaka afford ng isla. Isa kayo sa nakakuha nang gan’yang oportunidad sa bansa natin. Sobrang swerte sa ‘yo ni Deanne.” “Salamat. Pero ako yata ang swerte sa girlfriend ko. She’s the sweetest and most kind girlfriend for me.” “Mmm. Mukhang nakarami ka na at gan’yan ang description mo sa kaibigan ko. Samantalang, isang beses pa lang ‘yan nagka boyfriend. Ikaw ang second at last niya.” I gasped. “Dawn. Nakakahiya kay Yale. Sinasabi mo pa ‘yan.” “Bakit nakakahiya? Dapat ngang ipagmalaki ka niya, ‘no. Maganda ka at galing sa respetadong pamilya. Marami ang naiinggit sa ‘yo kaya dapat ipagyabang mo ang kung anong meron ka.” “Hindi naman ‘yon mahalaga.” “Yeah. Yeah. Sa mga taong tulad ninyo, balewala ‘yon.” “My status is not really important. I can’t—” Tinaas ni Dawn ang kamay. “Relax. I’m not making fun of you or something. Let’s go back to your wedding. I want to be involved. Mr. Montevista, sinong organizer niyo? If you want, I can recommend a good emcee and even musicians. May program na ba kayo? Where’s the invitation nga pala?” “Nira-rush printing na ngayon. We just completed the list last night.” “Oh, that’s great. Can I have your organizer’s number? Kakausapin ko para maging enjoyable naman ang kasal ng kaibigan ko.” “You don’t have to do that, Dawn. Really. Okay na naman ang nagawa nila Yale.” “Well, not to me. Aayusin ko kahit ang program para mas maging memorable sa ‘yo ang wedding mo. Anyway, na invite mo na ba sina Jill at Sol?” I pouted my lips. Wala naman akong balak silang imbitahin. Umiling ako. “Ako na lang ang magsasabi. Sabay sabay na rin kami sa sasakyan papunta roon.” Bumuntong hininga na lang ako. Hindi ko na siya pinigilan. Dawn excitedly took her phone out and didn’t talk anymore. Nag text siguro kaya tumahimik ang mesa namin. Tiningnan ko si Yale. He looked at me and smiled. I smiled back weakly. Hindi ko akalain, ma sstress ako sa pakikipag usap kay Dawn. This is not what I expected. Maliban doon sa gulat siyang ikakasal na nga ako. Pinatong ni Yale ang kamay niya sa kamay ko at pinisil iyon. He stared at me like as if he knew what I am thinking. Inilingan ko siya at nagpatuloy sa pagkain. When I gave my attention to my plate, agad niyang inalis ang hawak sa kamay ko. Kakaiba iyon dahil para bang nakakita ng hindi kaaya ayang nilalang si Yale at inalis ang hawak sa akin. Nag angat ako ng tingin sa kanya mula sa akma kong subo sa kutsara. His face turned to grim. Nagbago ang ekpresyon niya. Naging galit ito sa tinitingnan. Kumunot ang noo ko at sinundan ang dereksyon ng kanyang paningin pero bigla niya akong tinawag at tumayo pa ito. “Saan ka pupunta?” kuryoso ko sa kanyang kinilos. Binaba niya ang napkin sa tabi ng kanyang plato. His face remained stern but he’s trying to calm himself at something I couldn’t understand. “May . . . nakita lang akong kakilala. Kakausapin ko lang. Excuse me.” “Oh, sure. No problem.” Sagot ni Dawn nang mag excuse rin sa kanya si Yale. Sinundan ko ng tingin si Yale. Samantalang, tinawagan naman ni Dawn si Jill sa phone. “Hindi ka maniniwala. Ikakasal na si Deanne!” Even if, Dawn’s voice is so loud and a bit scandalous na napagtitinginan kami ng ibang kumakain, hindi ko maalis alis ang mata kay Yale. Nilapitan niya ang isang lalaking mag isang kumakain sa mesa. Tinapik ito ni Yale sa balikat. Kunot-noo namang tumigil ang lalaki at nag angat ng tingin sa kanya. They didn’t smile. They didn’t even look too formal. Mukha nga silang hindi magkakilala pero napilitang kausapin ang isa’t isa. May sinabi si Yale rito na siyang nagpatingin sa gawi ko ang lalaki. He’s dark. Malapad ang balikat at may manipis sa stubble sa panga at baba. Itim na itim ang makapal niyang buhok. He looked displeased that someone disturbed him from his food. Bahagya pa ngang nagsalubong ang mga kilay nito. His white longsleeves that he rolled up to his elbows enhanced the contrast color of his skin. Dalawang beses lang siyang sumagot kay Yale. They did short convo then Yale with darkened face like as if he got pissed, went back to our table. Agad akong inalis ang mata roon at tumikhim. Nilipat ko kay Dawn ang paningin ko. “Red and black, okay? Sige. Bye, girl!” Nasa likod na niya si Yale nang ibaba niya ang cellphone. “They will attend. Si Jill na raw ang magsasabi kina Sol at Cherry. Ako na rin ang tatawag kina Claudine.” “Ah. Okay. Thanks.” Inayos muna ni Yale ang coat niya at tumikhim bago naupo ulit. “Sorry. I thought he’s someone I knew.” he took his glass and sipped. I gulped. “Sino? Hindi mo ba kaibigan ‘yon?” Tinatago niya sa ekspresyon ng kanyang mukha ang inis o . . . galit. Nagpagalit ba sa kanya ang taong nilapitan niya? Pero nang balingan niya ako, ngumiti siya. “Hindi. Namalikmata lang ako.” “Uh . . .” “Mr. Montevista, can I also invite some of our college friends? Makakasama rin kaya sila sa sasakyang chopper?” Uminom ako ng tubig. Pero binalik ko ang mata sa lalaking pinuntahan ni Yale. Kumunot ang noo ko habang umiinom dahil nakatingin din sa amin ang lalaking iyon. He’s watching us. At kahit nahuli ko siya, hindi ito nagtanggal ng tingin. Isang beses pa siyang umiling. Binalingan ko si Yale. Who’s this man? An enemy? Gang member? “Yes, ofcourse. You can invite anyone.” But Yale don’t look like he cares to it. Malibang, tumingin siya sa suot na wristwatch at niyaya na niya kaming pumunta sa mananahi. “Let’s go, love. Para makita mo na ang wedding gown mo.” Pumalakpak si Dawn. “Oh my gosh. I want to see it, too!” Tipid ko siyang nginitian. “Alright. Let’s leave then.” “Tara na!” Dawn excitedly squealed and followed us out. Hinapit ako ni Yale sa baywang at tinabunan ang view ko sa lalaki. Napahawak na lang ako sa bag ko at nagtuloy tuloy na sa kanyang dalang sasakyan. Dawn ride with us, too. The gown is perfect. No’ng sukatin ng designer ang katawan ko, hindi naman daw nalalayo sa sukat ng traje de boda. Pinakita niya iyon sa akin. Nakasuot sa mannequin. Talagang natulala ako nang makita ang gown na susuotin ko. The beauty, the elegance and the class are all there! Hindi ko akalaing si Yale ang pumili nang ganitong design. Nilatag nang maayos ng designer ang train ng gown para mas makita ko ang itsura nito. “It’s actually my first time to make a wedding gown nang hindi nakikita ng bride. When Mr. Montevista told me na it’s a surprise pala, ginanahan ako sa paggawa nito at marami akong pinakita sa kanyang disenyo. Though, he gave his own ideas, nakuha kong gusto niyang magustuhan mo talaga ito pagkayari.” “It’s beautiful . . .” I murmured how I really liked it. “Mabuti naman, darling. Kasi agad akong tinawagan ng future mother-in-law mo at sinabing wala nang babaguhin. Kung anong nagawa, ito na. ‘Wag na raw ipa-redesign pa.” “Bakit naman marunong pa siya sa bride? Pa’no kung hindi nagustuhan ni Deanne? Sila ba nagbayad nito? De Silva kamo ang ikakasal at may say siyang magbayad din, ‘no!” Nilapitan ko ang gown. I raised my hand to touch the Swarovski stone near the chest part. “Si Mr. Montevista ang nagbayad nito. Pero s’yempre, entitled na rin ang mother niya. Lalo na less than a million ang nagastos nila para rito. My materials are not so-so.” “Kaya pa rin ni Deanne ‘yan.” “French lace ang ginamit namin sa lining. We added French sequins and more or less 70,000 varieties of Swarovski elements. Detachable ang train nito and Mr. Montevista made sure na kumportable ang kanyang bride sa araw ng kasal nila. How romantic of him!” I just couldn’t believe the expenses that Yale did for this gown. Maybe he didn’t care the cost. Marami siyang pera. Pero iyong detalye, effort sa pag isip ng design at paghahanda, masasabi kong inabala nila nang husto ang sarili sa ganito. Inabala? Tila ako naestatwa. Naging apoy sa paningin ko ang bawat bato sa traje de boda nang maalala kong para kay Ruth ang damit na ito. Si Rosalinda Montevista ang tumulong kay Yale. Ofcourse. Apo ni Napoleon Salviejo si Ruth at pinuno ng Blue Rose. Ayaw naman nilang may masabi ang pinuno sa kasal na ibibigay nila sa apo. This gown is supposedly for Ruth. Nawala ang kinang nito. Parang napunit ang saya ko. Hindi nga pala ito ginawa para sa akin. Tumawa ang designer at hinawakan ako sa braso. “Gusto mo bang isukat, darling?” “’Wag. Bawal. Baka hindi matuloy ang kasal.” Walang imik kong binalingan si Dawn. Inilingan pa niya ako at hinila palayo roon. “Hindi pwede ‘yon. Masama.” “Darling, pwede mo naman sukatin para malaman kung ayos ang size. Kung gusto mo lang naman. Hindi ako naniniwala sa mga pamihiin na ‘yan. Mga tao ang magde-decide kung matutuloy o hindi ang kasal at hindi ang pobreng gown. Kaloka!” “I suggest no. Or gusto mong tanungin natin si Mr. Montevista sa labas?” Umiling ako. “’Wag na. Okay na siguro ‘yan. Kinuha naman ang measurement ko.” “Sige, darling.” Isang beses ko pang tiningnan ang gown. Nakalabas na ng kwarto ang designer nang hilahin ako ni Dawn sa siko at sinarado nito ang pinto. “Paano kayo nag break ni Grey? Alam ba niyang ikakasal ka na?” Namilog ang mata ko. Kumalabog ang dibdib ko. Sinulyapan ko muna ang pinto bago ako nagkalakas loob na sagutin si Dawn. “We’re done.” “Nag break agad kayo pagkatapos mong makita siya sa ospital?” Humalukipkip ako at nabuhay ang galit ko nang ipalala niya iyon. “Bago ko pa nalaman ‘yan, cool off na kami. Magmula no’n, hindi na kami nag uusap.” “Cool off lang? Hindi kayo nag break nang pormal?” Umirap ako. “Niloko niya ako.” May diin kong sagot. She scoffed. “Edi sana nag break na kayong tuluyan. Nilinaw mo dapat. Para-“ “I don’t want to talk and see him. What’s the point kung noong kami pa, may nilalandi na siyang babae at worst, nabuntis pa. I just want him out of my life.” “Hindi niya alam ‘to?” “Hindi.” “My gosh, Deanne. Sana nilinaw mo sa kanya?” “Ang alin? Hindi ko kayang makita siya. Mas maganda ngang ‘wag na.” Dumeretso na ako sa pinto at binuksan iyon. Tinawag pa ako ni Dawn pero hindi ko na siya nilingon. Nakaharap si Yale sa tapat ng bintana kung saan may naka display na dalawang mannequin at bridal gown. Nakapamulsa ang isang kamay. Habang ang isa ay hawak ang cellphone sa tapat ng tainga. I massaged my nape. Umupo naman si Dawn sa sofa at humila ng magazine. “Pwede ko na bang iuwi ngayon ang gown ko?” tanong nito sa designer. Pumalakpak ito at tinuro ang staff. “I-box mo na ang kay Miss Dawn, dali.” Tumalima ang staff. Like as if he’s disturbed or what, Yale looked at us over his shoulder. Pagkakita niya sa akin, tinapos niya ang tawag at sinuksok ang phone sa bulsa ng kanyang pants. Nakasunod ang mata ko roon. “How is it, love? May gusto ka bang ipabago?” Hindi na ako nakagalaw nang lapitan niya. Nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabila kong tagiliran. Bahagyang binaba ang ulo para mag level ang mga mata namin. I looked up at him. “Wala nang kailangang ipa-adjust pa, Mr. Montevista. Sukat na sukat sa bride ang gown niya,” Yale smiled. I tried to smile too. Pero talagang nawala na ang mood ko. “Kung gano’n, pwede na naming kunin ngayon?” “Pwedeng pwede, darling.” Sweet na sagot ng designer. Sa tingin ko ay nagpapa cute pa kay Yale. Halos umirap ako sa kaharap ko dahil ngumisi pa siya. “Good. What about for Yandrei and Dulce?” “Pinapunta ko sila rito mamaya para masukatan. Pero nakita ko rin ‘yung sa para sa mga abay. I think, almost ready to wear na rin.” “That sounds good, too. Tapos na tayo rito. Let’s go sa magka-cater sa reception at supplier ng bulaklak.” “Akong bahala sa sound system, ha?” “Thank you, Dawn.” She only winked at him and then we parted ways. We’d also visited the restaurant that will cater the food. Nakita ko ang listahan ng pagkaing ihahanda at ayos na rin ang schedule nito. Maaga silang pupunta sa isla at doon na magluluto. Doon ako napaisip na sobrang mapapagastos si Yale sa transpo pa lang. Magkatabi kami sa mesa. Hinatak ko ang braso niya. He attentively looked at me. “Love?” I pouted a little. “Do you want to ask Dylan’s help about the transpo? He can help since he’s planning an aviation service naman. He’s a pilot, too. If you want, I can talk to him.” Kumunot ang noo niya no’ng una. Tapos ay napangiti. Inabot niya ang pisngi ko at banayad iyong hinaplos. Nanindig ang balahibo ko sa gaan at init ng kanyang palad. “There’s no need, love. I can manage.” “Are you sure? Halos wala akong nailabas sa kasal na ito,” “Well, I won’t let my fiancée pay to any of these. All you have to do is to . . . marry me. That’s enough for me.” “Tsk. Ayaw mo lang yata ma-intimidate kay Dad at Dylan.” “Si Sir Johann ang namamahala ngayon sa isla. I let him call my house helper there. Your father wouldn’t let me work alone for the wedding. He wants to be involved, too.” “Ayun naman pala, e. So, bakit ayaw mong tumulong din si Dylan? Or mga Auntie ko? Tinitigan niya ako. Bigla akong kinabahan nang hindi siya agad sumagot sa akin at tinitigan lang ako. Pero nang ngumisi siya, saka lang medyo gumaan ang dibdib ko. What’s wrong with his stares? I don’t know. Ang kamay na pinanghaplos niya sa pisngi ko, binaba niya sa kamay ko na nasa hita. Sinakop niya iyon. Walang kalaban laban ang kamao ko sa kanya. “Because I have everything ready, love. I even don’t want to exhaust you. Pagkatapos natin sa gagawa ng cake, magpapahinga ka na. Ako na lang ang haharap kung magkaaberya man.” “Pwedeng ako rin. Bakit mo ‘ko pinagpapahinga? What about the invites for sponsors?” “Ako na rin do’n. I’ll call them.” “Dapat personal natin silang puntahan. Nakakahiya kung tawag tawag lang.” “You’re not up to phone calling?” “Ha?” “Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko sa ‘yo madalas.” “Hoy, ‘di a. Kahapon ko lang ‘di nasagot ang tawag mo. Saka naghahanda kami no’n sa pagdating niyo sa bahay.” “Even texting back?” “Hindi ko nga hawak ang phone ko.” “So, you’re not into phones?” “Depende nga kung busy. Ito naman. Ang kulit mo rin.” Bumaba ang mata niya sa hita ko. Pinaglaruan nito ang mga daliri ko. Habang hinihintay namin ang chef ng resto. “I don’t want to be clingy. But I can’t stop myself, too. I just can’t believe that . . . you’re mine.” Tinaas ko ang thumb ko at diniin ko ang kuko sa kamay niya. Uulitin ko sana pero mabilis niya ring tinaas ang thumb niya at hinuli ang akin. Tila nagre wrestling ang mga daliri namin. Ang ring, sa ibabaw ng hita ko. “Are you possessive?” kuryoso kong tanong. Tumaas ang gilid ng labi niya bago niya ako tiningnan. “Are you?” “Mm . . .” Unconsciously, I looked back at my past relationship. I am not the jealous type girlfriend. Natiis ko nga iyong mga fans na babae ni Grey. Pero no’ng halikan niya ang fan niya at nakabuntis ng iba, nagalit ako. I wasn’t jealous but I got angry. Ngayon, should I be jealous? I didn’t possess Grey. I had a good relationship with him at first. Nagbago siya nitong mga nakaraang buwan o taon. I didn’t act like I own him. I was just contented having him because I knew that I loved him. Is love enough to be possessive? Oh, I remember Dylan. I grinned. Oh well, he’s possessive over his girl. I knew that. Magkatulad kaya kami? “Hindi ko alam. E, ikaw?” balik tanong ko sa kanya. I saw his thumb pinned down my thumb. Hindi na ako nakalaban dahil bumigat na rin ang sakop niya sa kamay ko. I gave up. “Ayan na. Panalo ka na.” “I am.” “Sus. Yabang. Ang laki kasi ng kamay mo.” He grinned. “Possessive.” Natigilan ako. He looked at me intently that I almost forgot where I was. Sinubukan ko pang bawiin ang kamay sa hawak niya pero . . . hindi niya ako binitawan. Mas humigpit pa iyon na tila ayaw nang kalasin. Hindi na ako nagpumilit pa. His hand is too big and strong. It would make me look like an idiot kung gagamitin ko ang isang kamay para tanggalin ang kanya. So, I let him hold me. Pauwi sa mansyon, inisip kong mabuti ang gagawin sa oras na matapos ang kasal. Hinatid ako ni Yale. At kahit isang minuto, hindi niya inaalis ang hawak sa kamay ko. Kahit magkatabi lang kami sa sasakyan niya. What will be my next move? Pagod ako sa maghapong lakad pero pagkauwi, pabalik balik ang ideyang ginagawa sa honeymoon. He didn’t bring that up to me. Hindi ko rin kaya. But he is expecting my consent and ultimately my cooperation. Ni hindi ko rin iyon magawang sabihin sa parents ko. What will I do, then? Tumunganga sa wedding night? Gosh. Anong sasabihin ko sa kanya? All I think about is how to avoid his bed for f*****g one week in that island. I wouldn’t let myself give in. But if spying calls me . . . would I? Ang daming worries kaagad ang pumalibot sa akin. Lumipad na kami sa isla ay iyon pa rin ang naiisip ko. Kahalo ng pagkamangha, kaba at takot ang naramdaman ko pagkatapak sa kanilang isla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD