“May integrity and honesty protect me, for I put my hope in you.” – Psalm 25:21 NLT
**
Chapter 16
Deanne
Hindi ko maalis ang titig sa salamin matapos akong ayusan ng makeup stylist. The wedding gown fits comfortably on me. It’s so comfy and soft. The makeup and hair are done perfectly. So perfect.
My hair is up to a clean knot. I refused heavy makeup, ofcourse. They matched my request to their style and plans on my look. And I couldn’t take my eyes off from the full-sized mirror. This is me. My bridal look.
Tanging lace lang ang tumatakip sa taas ng dibdib ko pero halos hindi iyon makita sa sobrang nipis. The intricate design of my gown covered my neck, over my shoulders, over my arms and chest area. Tila iyon nakadikit sa balat sa ilusyong pamamaraan.
I just loved how it fits on me. Everything is so beautiful and well planned. Kahit alam kong hindi naman talaga ito ginawa para sa akin. Nakakamangha lang.
Lumapit si Mom sa likuran ko. Tiningnan ko siya mula sa salamin. She put her hands on my arms and smiled weakly. I saw weakness. I saw worries but there’s also . . . happiness?
Even if this marriage is fake for me, no mother would want a miserable wedding day for her child.
“You’re very beautiful, hija.”
“Thanks, Mom.”
I’m afraid to show her how scared I am right now. At this hour. Kung hindi ko siguro gusto ang ayos at suot ngayon, baka mas mangibabaw pa ang tapang ko sa misyong gagawin. Pero hindi. Mas natakot pa ako nang makita ang sarili sa salamin. It feels too real.
Yes, it’s a real wedding. But the feelings in my heart . . . is genuine, too. Something . . . I didn’t expect to feel. The effects on me is high level.
“Hindi ka ba nagugutom? Hindi ka raw nag almusal at kaunti lang kinain mo sa lunch.”
“Busog pa po yata ako,” tumawa ako sandali. Easing the light pressure over my head.
“Pero baka mahilo ka mamaya n’yan? Ikukuha kita maski saging. Kailangang may laman ang sikmura mo, anak.”
“Pictorial na tayo, Ma’am Deanne?”
Binuksan ni Mom ang mini fridge ng kwarto at naghanap ng saging doon. Binalingan ko ang babaeng photographer na kanina pa naghihintay sa aking matapos sa pagm-makeup.
“Sure.” I answered.
So, we started the endless picture taking and some video shoot. In between takes, kumakain ako ng saging bigay ni Mom. Hindi talaga ako nakakaramdam ng gutom. Hindi ako naghahanap ng pagkain ni kahit tubig. Pero nang malasahan ko ang saging at malagyan ng laman ang tiyan ko, nakaramdam ako ng kaginhawaan at nadagdagan ang lakas na akala ko kanina ay handa ako. Nakakabulag pala ang excitement at kaba. Kamuntik kong makalimutan ang sariling katawan.
We took pictures in my room and then outside. Nasa main villa kami ng isla ng mga Montevista. At sa ibaba nito ay ang venue ng kasal. Ang buong pamilya ko at ibang bisita ay pinatuloy sa hiwa hiwalay na villa na hinahatid-sundo ng golf cart at staff ni Yale. Wala ngayong tinanggap na mga miyembro ang isla para magbakasyon or what. Nilaan ni Yale ang araw na ito para iisang okasyon. His private island is closed for his wedding.
We didn’t invite a lot. Mostly, mga kamag anakan, malapit na kaibigan at mahahalagang tao lang ang inimbita. On my side, mas marami yata akong bisitang dumating. Dawn has been texting me since this morning na dumating na sina Jill, Sol at Cherry. Even some of our college friends na hindi ko na alam kung sinu sino. I just hope na okay lang kay Yale. Dahil sila ang gumastos sa kanilang sasakyan papunta rito. I am waiting for his complaint but there’s none.
Pagkatapos naming mag pictorial, doon pa lang napagod na ako, bumalik kami sa kwarto ko at naghintay pa ng ilang minuto. Ni retouch ang makeup ko. Pati ang kina Mommy ay pina-retouch ko rin.
“Deanne. You’re so gorgeous.”
“Tita Jam July!”
I happily squealed and stood up after I saw Tita Jam July Montejo. Tumawa siya nang matapos makita ang reaksyon ko pagkakita sa kanya. Lumapit na siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Mom is there and smiling while watching us.
“Kailan po kayo dumating?”
“Last night. Wow. Hindi ako makapaniwalang, ikakasal na ang inaanak ko. Dati dati, bulilit pa kayo ni Dylan.”
Mom laughed. “Ang bilis ng panahon, Jam.”
“Oo nga. May magustuhan nga lang ang boys ko ay kinakabahan na ako. I can’t imagine yours, Aaliyah.”
“Hay naku, Jam. Kung alam mo lang. Si Dylan . . . gusto na ring mag asawa.”
I smiled. Pati si Tita Jam July din. “Mas atat po ‘yun, Tita.”
“Pero inunahan mo, ha? Hindi kaya magtampo ‘yon?”
Naiwan ang ngiti ko. Nagkatinginan kami ni Mom. Siya ang mas mabilis at unang nakabawi sa aming dalawa bago pa mahalata ni Tita Jam July.
“After a year, magpaplano na rin ang batang ‘yon.”
“That’s great! Maaga kayong magkakaapo niyan ni Johann.”
I reached my ear and scratched the skin. My smile is already shaking. Nahihiya na ako sa kanya.
“Hindi naman kami nagmamadali ni Johann. Ipapaubaya na namin ‘yan sa mga bata.”
“Kung sabagay. Ayaw natin silang ma pressure. Hindi ba, Deanne?”
“Tita naman, e.”
I just couldn’t hide my shyness from her. Hinawakan ni Tita Jam July ang kamay ko.
“We’re not pressuring you, sweetheart. Enjoy this day. Then, enjoy your marriage. Marami ka pang madidiskubre sa pag aasawa at sa mga susunod na araw na kasama ang asawa mo. Dale and I are happy for you. You found your match. We wish you joy and more love. There’s no perfect relationship but just don’t give up easily. Give allowances to each other. And love, love, love--”
“Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa atin, Jam. Puro na tayo payo ngayon.”
Hinila ni Mom si Tita Jam July nang bahagya palayo sa akin.
Tumawa si Tita Jam. “You know everything, Aaliyah.”
“By the way, sino nga palang naghatid sa inyo rito? Hindi raw kayo sumakay kay Dylan?”
“Oh. Pinahatid kami ni William at Paula. Yayain ko nga sana sila kaso . . . nahihiya ako. Naimbita lang din kami.”
“Hindi naman po kayo iba sa amin, Tita. Sana ay sinama niyo na po sina Tito William. Pati ibang friends ni Tito Dale.”
“It’s alright, hija. Narinig ko namang magsisipuntahan sila sa isla nina Lennox at Shannon. They will have their own party, too.”
“Panigurado, susunod kayo ro’n ni Dale?”
“Correct ka d’yan. Gusto mo bang sumama, Aaliyah?”
“Hmm, uuwi na lang muna kami sa manila. Magpapahinga.”
“With the newlyweds?”
“Uh, h-hindi, Jam. Maiiwan sila rito ni Yale ng isang linggo.”
“Honeymoon, ofcourse.”
Binalingan ako ni Tita Jam July. Tila may pagniningning ang mga mata niya nang tingnan niya ako. Sumunod ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
Hindi pa man natatapos ang kaba ay dumating si Dawn. Binulong niya sa aking tinatanong ako sa kanya ni Yale. Hindi na naman daw kasi ako sumasagot kahit sa text.
Lumipat sina Mom at Tita Jam July sa sala at doon nag usap. Umupo sa harap ng vanity mirror ko si Dawn at tiningnan ang sariling ayos doon.
“Gusto pa ngang pumunta rito ni Mr. Montevista. Kukumustahin ka raw. Pero pinagbawalan ko.”
Umupo ako sa gilid ng kama. Nagliligpit na ng mga gamit ang makeup artist. Kinuha ko ang phone sa bag at nakitang marami pa lang text si Yale.
I sighed. “Alam naman niyang busy kami rito. Naiinip na naman ‘to.”
I opened his text.
Yale M:
Good morning, love. I’ll send your breakfast in your room
Yale M:
Still asleep? Miss you
Yale M:
How are you? Did you eat your breakfast and lunch, love?
Yale M:
I’m getting ready. Then, I’ll check the venue. What are you doing?
Yale M:
Sabi ni Dulce ay inaayusan ka na raw ngayon. Kumain ka ba muna?
Yale M:
Love, I can’t wait to hold you. My future wife
Yale M:
I’ll see you later. My Mrs. Montevista
Ako:
Katatapos lang namin mag pictorial at video shoot. Sorry. Busy talaga ako kanina
Tumayo si Dawn at umikot ikot sa kwarto. Lumapit siya sa ceiling to floor glass window at tumanaw sa dagat sandali.
“Gustung gusto ko ‘tong kasal na hinanda sa ‘yo, Deanne. Lahat na yata ng pera ni Mr. Montevista ay binuhos niya sa ‘yo. Gown mo pa lang, milyon na. Tapos may mga chopper pang sunud sunod na nagbaba ng mga tao rito mula kahapon. Imagine kung gaano kalaki ang nilabas niyang pera.”
Binaba ko ang kamay at phone sa kandungan ko. Nag angat ako ng tingin kay Dawn. Nakaawang ang labi niya.
“Engrandeng kasal din ito kung tutuusin.”
I sighed. “You’re right.”
“The effort, the preparations, the flood of food and flowers, lahat ay pinaghandaan niya sa maiksing panahon! He really wants to give you everything. Everything, Deanne.”
“You don’t know the whole story. But I do appreciate him.”
“Appreciate lang? Girl, ang gan’yang lalaki ay hindi dapat pinapakawalan pa. He has everything. Sa sobra sigurong laki ng kinikita niya sa hotel at casino, barya na lang siguro ito sa kanya.”
I smirked. “Dawn . . .”
“And you’re already a De Silva. Paano kung maging Montevista ka pa? Wala ka na yatang mahihiling pa. Pinagpala kang masyado.”
Inismiran niya ako at humalukipkip habang pinapasadahan pa ng tingin ang magulong kwarto ko. Ngumiti ako pero naging alangan ito sa ekspresyon ng mukhang natatanaw ko sa kaibigan ko. I could smell my perfume from her. The scent of Coco Mademoiselle Chanel. The winged eyes on her eyelids that twining my style before. But I dismissed that. Everyone could buy that perfume and style themselves with that winged eyeliner. I don’t own that. Only, I used to do it to myself.
“’Wag mo ‘kong tingnan sa gan’yang paraan, Dawn. Kilala mo ako. Hindi ako materialistic na babae. At hindi ko pinagyayabang ang apelyido ko’t magulang.”
“Don’t worry. Hindi kita pinag iisipan nang masama. Aware lang ako sa pinagkaiba natin. Matayog ka at ako . . . buntot mo lang naman.”
What the f**k?
“Dawn-“
May mahihinang katok ang nagpahinto sa pagsagot ko sa kaibigan. Bumukas ang pinto. Nakangiti at mukhang pagod na sumilip ang babaeng organizer.
“Magsisimula na po ang ceremony, Ma’am Deanne.”
Tila nanigas ang lalamunan ko pagkarinig. Hindi ako agad na nakapagsalita. I couldn’t even say a word.
“Okay. Lalabas na kami.” Sagot ni Dawn.
“We will wait for you downstairs, Ma’am. Thank you and congratulations po!”
I only smiled at her before she left the room. Tiningnan ko si Dawn. Bumuntong hininga siya at kinalas ang halukipkip.
“Mauna na ako roon.”
“Thanks, Dawn.”
Tinanguan niya na lang ako at umalis na rin.
She gave me a heavy feeling. Para bang ngayon ko lang narinig sa kanya ang ganoong mga pananalita. Kilala ko si Dawn. Alam kong minsan ay nagkakapareho kami ng taste sa mga gamit pero hindi ko maalalang binigyan ko siya ng sama ng loob kapag mayroon kaming hindi pagkakaintindihan.
Bakit ngayon ko pa ito naramdaman kung kailan kasal ko?
Don’t get me wrong. Pero ayokong magkamali ako sa gagawin dahil nag aalala ako sa narinig na tono kay Dawn. She’s my friend. My only bestfriend. Mayroon kaya akong nagawang mali na hindi ko alam?
Dad and Mom are on beside me right after I went out of the room. Sinundan din ako ng makeup artist at ni last minute retouch ang mukha ko at buhok. Then, they pulled down the white veil on my face. Nang nasa puno na kami ng malapad na hagdanan, hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Nilagay niya roon ang bouquet ng bulaklak sa akin. Lumunok ako. Hindi na ako makakaatras pa. Itutuloy ko na ito . . .
“Deanne,”
I looked at my father. He’s so handsome on his three-piece suit. May saya at pag aalala akong nakikita sa kanyang mga mata.
“Dad . . . I’m scared.”
I couldn’t hide my feelings from him. I’m wearing the expensive gown. I’m in a grandest wedding day. I’m wearing my mother’s diamond earrings and necklace. Everything around me and surrounds me could be the most prized possessions to anyone. But here I am. Tickling with fear.
Dad reached my veiled face and put his hand on my right cheek. He gave me the look of a father that I so much needed today.
“If you want to back out, I’ll bring you home.”
I gulped. My hands are shaking. Kahit gusto ko ‘yon, nilakasan ko ang loob at umiling sa kanya.
“Then, what do you want me to do, sweetheart? Tell your dad.”
Bahagya akong bumaling sa paanan ng hagdanan, Nakatayo roon si Dawn. Pero may pinagkakaabalahan sa kanyang cellphone. Naroon din sa baba ang organizer ng kasal at kausap ang isa pang babae at staff ng villa. Pati ang mga tauhan ni Dad at Dylan ay naroon din. Nakabantay. Dylan, Dean at Dulce are there and patiently waiting for us.
I sighed and I would surely regret it if I back out. Nakatingin din sa akin si Dylan. Nagsasalubong ang mga kilay. Nginitian ko siya at tumango ako.
“Mahal na mahal ni Dylan si Ruth, Dad. Help him and be patient with my twin.”
Mom gasped beside me. She held my hand and sobbed a little.
“Mom,”
“Aaliyah.”
“I’m fine. Kung ako ang masusunod, ibabalik ko si Deanne sa mansyon at ilalayo kay Yale. Pero para kay Dylan . . . magtitiis ako. Hihintayin kong makauwi sa atin ang anak ko.”
“Babalik siya sa atin. Hindi namin siya pababayaan ni Dylan. Don’t cry, Aaliyah. Please.”
Inalu namin ni Dad si Mom. Hindi na ako nagulat nang marinig ang mga yabag ni Dylan paakyat sa amin.
“What’s wrong, Mom?”
Mahinang hinila ni Dylan sa braso si Mom para makita ang mukha nito. Yumuko si Mommy at mabilis na pinunasan ang gilid ng mga mata bago nag angat ng tingin sa kanya. She even forced a smile.
“Okay lang ako. Kayo talaga.”
“Ano’ng nangyayari, Kuya? May iyakan?” Dean asked. Nilapitan din si Mom at inakbayan. “Mom, ikakasal lang si Ate D. Hindi aalis.”
Dulce hugged Dad. “What’s wrong, Daddy?”
Dad sighed and kissed Dulce’s head. “Nothing. Tara na. Naghihintay sa atin ang mga bisita.”
He looked at me once again and gave me a go sign. I nodded at my father.
I believe, no matter what happens, I have my family all the time.
This must be a matter of a little sacrifice. Ilang ulit ko nang tinanggap iyan sa sarili. I’m doing this for my family. For love. For blood. To everything that matters to me. And even if Yale Montevista could take some . . . skinship and kisses from me, I guess it will not matter. Just like what the actresses is doing on-screen.
Fake it. Play your role.
I will only do it for a certain reason.
A touch will not matter if I won’t put meaning on it.
Everyone looked at me at the entrance of the makeshift aisle. Nililipad ang mga nilagay na puting kurtina ng hangin. Umaawit ang alon ng dagat at sumasabay sa tunog ng piano. Ang mga kalalakihan ay nakasuot ng itim na suit. Ang mga kababaihan ay nakasuot ng shade ng red at black. Nakapostura ang lahat. Nakangiti at nakatayo sa harap ng upuang binalutan ng puting tela para mag match sa mga kurtina.
Some decorative flowers look like vines near the makeshift altar. Doon, ay nakatayo ang tatlong Montevista. Ang pinamatangkad ay deretsong nakatitig sa akin. Ang suot nitong itim na tuxedo ay ibang iba sa suot na suit ng ilang lalaki. His was different. His was separated.
Nagkalat ang mga petals ng pulang rosas sa carpet na dadaanan ko. Lumapit ang organizer at niyakag na akong magsimula sa paglalakad.
Humugot ako ng hangin at tumayong deretso. I saw Yale’s intense eyes on me. I gulped. Nabawasan ang stubble niya sa panga. He looked handsome. He looked splendidly good looking. He looked even expensive.
Hindi nakaligtas sa paningin ang nagkalat niyang mga tauhan sa paligid. Bawat daanan o parte yata ng lugar ay may nakaposteng tauhan niya. Like, he’s guarding this event. That it will happen at the end of the night.
Hindi niya inaalis ang titig sa akin. Tumugtong ang piano sa musikang hindi ko ni-request. Pero nagustuhan ko naman. Yumapak ako nang dahan dahan sa carpet. Pinanood nila akong lahat. May mga nakangiti. May mga masaya. May mga mangha. I couldn’t name all of them. Kahit na alam kong may bigatin itong mga dumalo, wala silang title sa isipan ko. Walang makatalo sa kabado kong dibdib.
And when Yale shook his hands with my Dad and kissed Mom on her cheek, tila ako mahuhulog sa bangin at ayaw kong iabot ang kamay sa kanya nang hingin niya ito. I am just totally not registering all the plans I made. Maybe, I moved mechanically and held on his arm.
Pareho kaming humarap sa Paring naghihintay sa amin. Nakatingin lang ako roon nang bumaling si Yale sa akin at pinisil ang ibabaw ng kamay ko.
“Kanina pa kita hinihintay,”
Lumunok ako at tumingin sa kanya. Tipid ko siyang nginitian.
Nagsimula nang magsalita ang Pari sa harapan namin. Hindi ko na siya marinig nang malinaw.
“Are you—nervous, love?”
“I’m okay.” Mabilis kong sagot. He seems like worried about me.
Mula no’n, hindi na niya inalis ang hawak sa kamay ko.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman at nangyayari sa paligid. Sumusunod lang ako sa gustong ipagawa. Tatayo. Uupo. Magbabasa. Sasagot sa tanong ng Pari. They made a joke I couldn’t understand. Hindi ako sumabay ng tawa. Lahat ng tao at pangyayari sa paligid ko, nao-overwhelm ako.
Ganito siguro ang nararamdaman ng babaeng kinakasal. Though, some part of my mind, I am not doing this because I am in love. I am doing this for a personal mission. Pero narito pa rin ang kaba ng babaeng mag aasawa na. At totoo akong itatali sa kanya.
I am confident that my father can do everything to annul this marriage afterwards. Kaya ako matapang dahil may magagawa si Dad o si Dylan. Nakabit man ang pangalan ko sa isang Montevista, balang araw ay masasabi kong nakagawa ako ng tama para kambal ko at kay Ruth. I won’t regret this totally. I even earned an experience.
We’re done with the rings, cord, veils and other things. Nang magharapan na kami ni Yale para sa pagtaas niya ng belo sa mukha ko, mauubusan na yata ako ng hangin sa dibdib.
The Priest gave him the permission to finally kiss me. And called me, his bride.
Kumurap kurap ako. Titig na titig si Yale sa akin at may munting bahid ng ngiti sa labi. Masigabong palakpakan ang namayani sa paligid at munting tuksuhan mula sa kilala kong businessman sa Pilipinas. What? Malapit sila kay Yale?
Ilang beses akong lumunok ako. Yale bent his back a little as he pulled up my veil and still staring at me in clear view. Tiningnan ko siya. I don’t know how to act like as if I am excited for our first kiss. Nanginginig pa yata ang labi ko.
Humina ang palakpakan. Nilagay niya ang mga kamay sa panga ako at masuyo ako roong hinawakan. Lumunok ulit ako sa sobrang kaba. Katakot takot na kaba. Kumakalampag yata ang puso ko rito. Sumasakit na, e.
I am never a fan of romance book, movies or love teams. I never fantasized any man’s lips. Kahit kay Grey. But when Yale landed his lips on my lips, soft but warm, it feels brand-new. His lips . . . feels heavy and brave.
Para magmukhang gusto ko naman, ginalaw ko ang labi at hinalikan nga siya. Umingay ulit ang palakpakan. I closed my eyes and just feel his not moving lips until he finished it and looked at me.
He smiled. “My wife.”
I didn’t open my lips and answered him with a smile. Pinasalamatan niya ang Pari. Humarap ako sa mga magulang ko. Pumapalakpak silang dalawa at pinapanood ako. Ngumiti ako sa kanila. Nang puluputin ni Yale ang kamay sa baywang ko para makababa nang kaunti, nawala na rin ang paningin ko sa mga magulang ako.
This fight is on me now. This is the first day of me spying the man beside me.
Sunod naming ginawa ay ang sandakmak na picture taking.
“Congrats, ate Deanne.”
Yale is holding my hand. He never let go of it. Kaya nang balingan ko si Leonard, gusto ko man siyang kamayan o yakapin ay hindi ko magawa. May kausap pang iba si Yale. Halos wala na ring bisita. Lumipat na reception area na gagawin malapit sa shore.
“Thank you.”
“Welcome to our family, ate Deanne!”
“Rock,”
Hinila niya ako at niyakap. Nahatak ko rin si Yale kaya napabaling ito sa amin.
“Rock.” Yale’s warning tone.
“Niyayakap ko lang ang sister-in-law ko, Kuya. ‘Wag kang possessive r’yan!”
“Baka kasi agawin mo sa ganda ng asawa niya.”
Tumaas ang kilay sa komento si Leonard. “I saw you being too attentive to my former cousin, Leonard. I’m warning you. I loved that girl.”
Napakamot siya ng batok. Yes. I caught him once staring at her secretly. Nu’ng kinukuhaan kami ng litrato kasama ang entourage. Kung wala sa paligid si Dylan, iisipin kong maaagaw niya ang attention ni Ruth.
Hindi naman siguro niya papalitan si Yale kay Ruth, ‘di ba?
Pero pwede ring . . .
Shit.
“Magka-partner kaming dalawa kanina. Okay lang naman na kausapin ko siya?”
“No. Not her.”
He laughed. “I’m not a playboy, ate. Si Kuya, oo.”
“Leonard!”
“I mean, dati.”
Umiling na lang ako at binalingan si Yale. “Tara na. Gutom na ako.” Sabay hila ko sa kanya.
Tinapik na lang ni Yale ang kausap nang nakatingin pa rin sa akin. Tumango siya at dumikit nang kaunti sa kinatatayuan.
“Ofcourse, love.”
The organizers are very attentive and masisipag. Kami ni Yale ang huling pumunta sa reception. Kumpara kanina, mas maayos na ang reception ng utak ko. Nakakausap na ako at kinakawayan ko pa ang mga kaibigan kong dumalo. There’s a bunch of congratulations from them. To the point the naging word of the day ko na iyon.
Panay ang hila ko at taas sa trail ng gown ko. Isang beses kong naapakan at kamuntik pa akong masubsob sa lupa. Tinulungan na ako ni Yale sa pagbitbit ng trail ko.
There were sounds of violin, guitar and piano. Ang emcee na kinuha ni Dawn, napaka alive.
“Let’s us all welcome, Mr. and Mrs. Yale Montevista!”
Habang naglalakad sa gitna, dumagundong palakpakan. At pagtayo namin ni Yale sa aming mesa, hindi kami agad pinaupo ng babaeng emcee.
“Alam ko, lahat tayo ay nagugutom na. Pero bao natin simulan ang kainan at pakiki celebrate sa mga ating couple, Sir Yale at Ma’am Deanne, pwede ba nating simulan ang celebration sa pagpapaunlak ninyong ng isang matamis na . . . kiss?”
Kamuntik kong irapan ang emcee na parang nangisay pa matapos iyon sabihin. Dala ng request niya, kinalansing ng mga bisita ang kanilang baso at tinaas pa habang mahinang pinapalo ng kubyertos. They are teasing us to kiss . . . again. My gosh.
“Love,”
At ang isang ‘to, nananamantala.
“S-sure,”
Tinaas ko ang mukha kay Yale. Ang isang kamay ko ay hinawak ko sa braso niya at ang isa ay hawak pa ang bulaklak. He leaned down on me. Pinulupot niya ang isang kamay sa likod ko.
Then, he claimed my lips once more. Ginulat niya ako nang humagod ang labi niya at diniin nang kaunti.
Nag flash ang mga camera. Lumakas ang musika. Nagtilian ang iba. Hindi pinalagpas ni Yale ang pagkakataon at talagang lumalim ang halik niya.
I pushed him. He let go of my lips and glued our foreheads. Pinikit niya ang mata at ngumiti.
“I’m so in love with you . . . I am so in love with you . . .”
Hindi ko alam kung anong isasagot. Kaya tinapik tapik ko ang likod niya para magawa na ang susunod na programa.
Pagkaupo namin, hinanap ko ang Mama niya sa harapan. Pero wala ito kahit sa mesa nina Leonard at Rock. Nilapitan ako ni Dulce at Yandrei na parehong magaganda kanilang sweetheart style red gown.
“Ate, nand’yan si Ate Ruth.”
Tumango ako at ngumiti. “I saw her. ‘Wag niyong iwan, ha?”
Humalukipkip si Yandrei. “Naku, ininis ‘yon ni Kuya Dylan kagabi. Napikon pa nga yata si Red, e.”
“Ha? Bakit?”
“Pinag usapan lang namin sina Kuya Leonard at Rock, sinumpong na si Kuya. Hindi yata nakainom ng gamot niya.”
Kinagat ko ang ibabang labi. “Na-ospital kasi ‘yon no’ng mga bata pa kami. Baka nasalinan ng ibang dugo. Pagpasensyahan niyo na. Basta ‘wag niyong iwang mag isa ang ate Ruth n’yo.” Biro ko.
“Ang lakas makainis ni Kuya Dylan kay Ate Ruth pero magkatabi sila ng villa.”
Oops. That’s Dylan’s strategy.
Tumayo ulit ang emcee sa gitna. Lumingon sa amin bago pinakilala ang bisitang kakanta raw ngayon.
“Balik na kami sa upuan, Ate. Kuya Yale!”
Binalingan ko si Yale na kauupo lang ulit sa tabi ko. Agad niyang kinuha ang kamay ko at dinala sa kandungan niya. Nginitian niya sina Dulce at Yandrei.
“Are you enjoying the night, ladies?”
I scoffed a little. Mukhang masasaksihan ko ang flirting side ng lalaking ito ngayon. Marunong magpa cute.
My girls even giggled. Inabot pa ni Yandrei ang kamay ni Yale at nakipag shake hands.
“Welcome to our little family. Ang pogi pogi mo, Kuya!”
“Uy Yandrei.” Siko sa kanya ni Dulce.
Yale chuckled. Bigla niya akong hinalikan sa sintido kaya napalingon ako sa kanya.
“Sana pogi rin ako sa paningin ng asawa ko.”
Nakatingin siya sa akin habang sinasabi iyon. Tumawa naman sina Yandrei. Hinila ito ni Dulce palayo sa amin.
“Let’s welcome, the SnapDragons!”
Pagkarinig ko roon, tila ako binuhusan ng lava sa mukha. I immediately threw my eyes on them. Sa kanang bahagi namin ni Yale, ay ang area kung saan ni-set up ang drums, mic stand at speaker. Nakalimutan ko na ba ito?
Hinagilap ko si Dawn. Pero hindi ko siya makita. Isa isang pumasok sina Marc at iba nitong kabanda.
Fuck. Totoo ba ito?
Tila binundol ang dibdib ko nang huling lumabas si Grey. Suot ang kanyang lumang pantalong itim at T-shirt. Ang gitara niya ay nakasampay sa kanyang balikat. He didn’t look at everyone. Pero tiningnan ako ni Marc habang nire ready ang kanyang instrumento. He gave me cold eyes that he never did before. Tumaas ang gilid ng labi niya.
Napaawang ang labi ko. Some of my friends got mesmerized, too. Siguro pati ang pamilya ko.
Inayos ni Grey ang mic sa stand. He now scanned the people and looked at me . . .
“We’d like to greet . . . the newlyweds! Mr and Mrs . . . Yale Montevista.”
His voice is shaking. I just knew it. Inayos niya ang gitara at tiningnan ako ulit.
“This song is for you.”
The guitar intro is so familiar. Hindi niya iyon kanta. Kundi ang kanta ng bandang paborito niya.
He’s singing that song for me, huh? Pagkatapos ng panlolokong ginawa niya sa akin, may lakas pa siyang loob na kantahin ‘yan sa akin?
I know the song. I know the lyrics. I’ve seen him multiple times singing it. And I couldn’t swallow that he’s singing that to me. Just wow.
That’s “Magbalik” by Callalily.