Chapter 17

4179 Words
“But the LORD has become my fortress, and my God the rock in whom I take refuge.” – Psalm 94:22 NIV ** Chapter 17 Deanne “Bakit biglang pinagpalit? Pagsasamaha’y tila nawaglit. Ang dating walang hanggan nagkaroon ng katapusan . . .” Pagbukas ng mata ni Grey, sinulyapan niya ako bago hinawakan ang kanyang mic. Nagpatuloy siya sa pagkanta. Pinakita niya kung saan siya pinakamagaling. Ang mang-akit ng audience gamit ang kanyang boses. Every word he sang, every melody he gave, I knew that they meant to hurt me. To gaslight me. To show on my face the commitment I had with him. Kailan ba kami huling nag usap? I asked for cool off. I asked for it. He agreed without questioning. I wasn’t incline to go back with him after what I had discovered. Pero . . . kasalanan ko nga ba ito? Siguro ay oo. Nalaman na lang niyang nagpakasal na ako. Hindi siya nakipaghiwalay sa akin . . . pero nalaman kong nakabuntis siya habang kami! Hindi ba valid ang naramdaman kong pagbabago? Siya naman ang unang nagbago, ‘di ba? Nagmamadaling tumayo ulit si Rock at lumapit kay Yale sa tabi ko. Ang lahat ay tahimik at tila enjoy na enjoy sa panonood kay Grey. Rock hissed. I looked at him. Nagkatinginan kaming dalawa pero agad niyang nilipat ang mata sa Kuya niya. “Ano ba, Kuya? Iinom ka na lang ba d’yan at walang gagawin? Pwede mong patigilin ang bandang ‘yan sa pagperform? Mag utos ka lang.” He sounded impatient. Malakas ang t***k ng puso ko. Napako ang mata at atensyon ko kay Grey. Hindi ko na napansin na umiinom na pala ng alak itong si Yale sa tabi ko. Am I that oblivious of his presence? But then . . . bakit patitigilin sa pagperform? ‘Wag mong sabihing kilala nila si Grey sa buhay ko? Base sa mukha ni Rock na parang hindi mapakali, parang kilala nga nila si Grey. “Kuya Yale!” “Let him sing.” “Sigurado ka ba? Ayos lang sa ‘yo na gan’yan ang kinakanta niya?” Napaawang ang labi ko matapos magsalita ni Rock. Nang akma niya akong lilingunin ay agad kong inalis ang mata sa kanya. Hindi ko tiningnan si Grey. Pero nakita kong tumayo si Ruth hawak ang isang baso ng tubig. Dahan dahan naman itong naglalakad nang biglang natisod at natapon ang laman ng baso niya sa grupo ni Jill, Sol at Cherry. I bit my lip. They all looked horrified after the splash. Ruth said sorry then walked out of that area. Sinundan siya ng masamang tingin ni Jill habang pinupunsan ni Sol ang tubig sa mukha nito. Dylan stood up and followed Ruth. Tumaas ang kilay ko. Saan kaya nagpunta ang dalawang iyon? “It’s just a f*****g performance, Rock. What’s the big deal?” I looked at Yale. Umigting ang panga niya. Hindi ko man makita, alam kong madilim na ang mukha nito kay Rock. “He’s your wife’s ex! He’s singing a song to your wife!” Napaawang ang labi ko. Nagkatinginan ulit kami ni Rock. “I didn’t invite them, Rock. I didn’t even know that Grey is here in the island.” Mabilis akong nilingon ni Yale nang magsalita ako. Hindi ko pa naman natatapos ang sinasabi ko ay unti unti nang tila lumiwanag ang mukha niya pagkagaling sa galit—sa tinitimping galit. Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. “I will talk to Dawn. I promise. Wala akong alam na n-nandito si Grey at ang buong banda niya. Yale-“ He immediately squeezed my hand and leaned on my face like as if he’s going to kiss me but he didn’t. I even gulped in nervousness. “It’s not your fault, love. I believe you.” “Pero paano ka? Baka . . . nasasaktan ka dahil kumakanta si Grey sa kasal natin,” “Naaapektuhan ka ba sa kanta niya?” I gulped again. Though, nahirapan akong tingnan siya ng deretso sa mga mata, nagawa kong umiling. “Hindi.” Yale nodded. Tinaas niya ang kamay ko at pinatakan ng halik ang likod ng palad ko. “Wala rin akong balak na magpaapekto sa ex mo. Asawa na kita ngayon. Akin ka na.” deretso niyang titig sa mata ko. “Bakit ‘di mo sinabi? Paano nangyari? Kayo na pala . . .” Grey sang his second heartbreak song of the same band he adored. Hindi ko na siya tiningnan. Si Rock ay may binulong kay Yale bago ito umalis sa mesa namin. Everyone, I guess, are having fun. Tiniis ko na lang masasakit na patama ni Grey sa lyrics at nanood nang tahimik. It could only make a scene kung magpapaapekto ako sa kanya. Ayaw ko namang makasira pa iyon para sa gabing ito. Nang matapos ang set ni Grey, binati niya lang kami ni Yale at umalis na. He received applause from everyone. Kamuntik ko pang tawagin sina Yandrei at Dulce nang maingay siyang sumigaw kina Grey. Nilingon sila nina Leonard at Rock. Kinabahan ako at baka magkaroon ng komosyon. Hindi naman na umimik ang dalawa sa upuan. Nasaan si Dawn? I’m sure, alam niya kung bakit nandito rin sina Grey. “What happened, ate? Bakit kumanta si Kuya Grey sa kasal mo? Did you invite him?” “Surprise ba ito?” “Oo naman, ‘no! Lahat tayo na-surprise, Dulce.” Pumasok ako sa loob ng villa para gumamit ng comfort room at hanapin na rin si Dawn. Hindi ko alam na sinundan pala ako nina Yandrei at Dulce. Parang machine gun ang bibig nila kung magpakawala ng mga tanong. “Hindi ko siya inimbitahan. Hinahanap ko si Dawn dahil siya ang nagsabing bahala sa sound system at sa emcee. At bakit ko naman papupuntahin si Grey dito? Ano na lang sasabihin ni Yale at ng pamilya niya kung ginawa ko nga ‘yon.” Mabuti na nga na lang at wala si Mrs Rosalinda Montevista. Nahihilo raw ito kaya naiwan sa kanyang kwarto sa villa. Nagkatinginan ang dalawa. Nahuli ko sa salamin ang pagbilog ng mga mata nila. “Bakit?” tanong ko. Kabadong binasa ni Yandrei ang labi. Binalik niya ang tingin sa akin. “Ano’ng sabi ni Kuya Yale, ate? Pinagalitan ka ba?” Nagsalubong ang mga kilay ko. “S’yempre, hindi.” “Kasi kanina parang hindi na maipinta ang mukha niya habang kumakanta si Kuya Grey. Ang dilim dilim. Mabuti nga at hindi masyadong mailaw sa reception. Naku, kung nagkataon pag tinutukan kayo ng spotlight, mahihiya na kaming kumain.” Mangha ko silang hinarap na dalawa. “Kilala pala ni Kuya Yale si Kuya Grey, ate? Kinuwento mo sa kanya kung pa’no kayo naghiwalay ng ex mo?” tanong ni Dulce. I looked at her. Humalukipkip ako at binuka ang labi. Pero natigilan ako. Tila sumuot ang tinanong ni Dulce sa pinakailaliman ng utak ko at bigla akong natigilan. Alam ni Yale na may boyfriend ako noong una kaming nagkakilala. Did I mention him about Grey or his name or his career? Kung dumilim ang mukha niya nang makita si Grey at atat na atat si Rock na patigilin sa pagperform ang banda, alam nilang magkakapatid ang tungkol kay Grey. They were affected because they knew he was my ex-boyfriend! Hindi ko pa alam kung para saan pero kumakalabog na lang bigla ang dibdib ko. Bakit ganito? But, damn it. May kakayahan namang magpaimbestiga si Yale tungkol sa nakaraan ko at hindi iyon isang malaking sekreto. All of my friends knew about my previous relationship. Marahil, alam din iyon ni Yale. Bukod doon, wala na siyang ibang alam. Iyon lang nakalantad sa lahat. I sighed. “Mag relax nga kayo. Kilala naman ni Yale si Grey. Sino bang hindi nakakaalam nang tungkol sa love life ko? Gayong may mga reporter na trabahong kalkalin ang mga personal nating data. It’s not new. Not even a big deal.” “Sabagay. Kapag may issue si Kuya Grey, palaging kakabit ang pangalan mo, ate.” “Issue? Ano’ng issue?” Nilabas ni Yandrei ang phone niya. Binuksan iyon at pinakita sa akin. “May nabasa akong blind item sa online news, ate. Ang sabi rito, may anak na raw kayo ni Kuya Grey. May nakakita raw sa kanyang galing sa ospital at may inuwi na baby. ‘Yung description nila sa inyong dalawa, tugmang tugma. Tapos sa ibang social media, kayong dalawa ang pinag uusapan.” Kinuha ko ang phone niya at binasa ang sinasabing blind item. Iyong pagkaka describe nga sa katauhan naming dalawa ay kami pero ang binabalita naman ay mali. Sino naman ‘tong nakakita sa kanya sa ospital? Bakit hindi nakita iyong tunay na nanganak? Ako pa ang tinuro. “Gusto mo bang mabasa ang pag uusap nila sa ‘yo, ate?” “’Wag na. It’s useless. Panay ang labas ko kaya paano ako nagbuntis? Wala na namang magawa ang mga taong ‘yan kundi pag usapan ang buhay nang may buhay. Ang malala, hindi pa totoo ang pinag uusapan.” Tumango si Yandrei at tinago ang phone. “Hindi ko naman sila pinatulan, ate. Alam ko namang hindi ka buntis. Magbubuntis pa lang.” Namilog ang mata ko sa kanya. Si Dulce ay kinuort sa braso ang pinsan namin. “Montevista ang baby ni ate Deanne at hindi kay Ramirez.” “Tumigil na nga kayong dalawa r’yan. Bumalik na tayo sa labas.” Palabas ng villa, palingat lingat ako para mahagilap si Dawn. Kanina ko pa siya hindi makita magmula nang dumating sa reception ang SnapDragons. Gusto kong malaman kung bakit niya pinapunta si Grey. No’ng nasa shop kami ng gumawa ng gown ko, sinabi ko naman sa kanya ang estado namin ni Grey. Kaya bakit pinapunta pa niya? Mabilis na naglakad sina Dulce at Yandrei pabalik sa reception. Mabagal ang lakad ko dahil sa suot. Wala akong pamalit dito. Hinakbang ko ang paa patawid sa entrance door nang biglang may pumigil sa siko. Bumaling ako sa humawak sa akin at natigilan na lamang. Wala akong ibang sinabi. Hindi siya nagsalita para sabihin kung bakit niya ako hinawakan. Nang ituro niya ang loob ng villa, sa maluwang na receiving area, hindi ako nagsalita pero ako na ang unang tumungo roon. Grey and I sat on opposite single chairs. Para akong prinsesa sa pagkakaupo ko. Pinagpatong ko ang mga kamay sa ibabaw ng kandungan ko at deretso ang pagkakaupo habang pasulyap sulyap ako sa kanya. May mga staff ng isla namang padaan daan dahil nag aasikaso rin sila sa handaan sa labas. Ang ibang tauhan nin Yale at Dad ay nakakalat din sa labas nito. He is sitting with thighs wide open. Wala na ang gitara niya sa kanyang balikat. Magulo pa rin ang buhok niya at may ilang araw na ang tubo ng balbas at bigote sa kanyang mukha. Nakapatong ang mga siko niya sa kanyang mga tuhod at sa sahig nakatingin. My lips are closed firmly. Noong una, nakalimutan ko ang eksena sa ospital. Lumamlam ang mata ko at may init akong naramdaman sa dibdib pagkakita ko sa kanya. My feelings won’t change immediately. But I knew then, it’s not the same anymore. I found him lying. He lied. “Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig kong salita. Nag angat siya ng tingin sa akin. He licked his lips and gulped. “Si Dawn ang nagsabi.” I scoffed. I couldn’t stop it. “Pumunta ka pa rin kahit alam mo na?” “Gusto kong makasiguro. Dahil sa puso ko, alam kong . . . hindi mo ‘to magagawa sa akin. Kaso hindi, e. Totoo pala. Nagpakasal ka na sa iba.” My lips parted after his tone shows how miserable he is now. That it pained him to finally know the truth. He faked a smirk or maybe it was a scoff, too. “Bakit, Grey? Kung magsalita ka parang wala kang ginawang kasalanan sa akin,” “Ano bang kasalanan ko? Kasalanan bang pumayag akong mag cool off tayo?” “You lied to me.” “E, ano ‘tong ginawa mo ngayon? Hindi ba ikaw ang nagsinungaling sa ating dalawa. Ang sabi mo cool off. Cool off lang, Deanne. Pero hindi mo sinabing magpapakasal ka pala sa iba.” My teeth greeted. Kung pumasok man sa isip kong kausapin siya nang mahinahon, hindi ko na iyon makapa pa. “Hindi mo rin sinabing may anak ka na.” Pain . . . is the most effective way to push out words I had been burying in myself. Hindi ko na maawat pa ang sarili. Hindi ko na magawang isipin muna ang sasabihin bago iyon ilabas. It just blurted out because it’s suffocating me inside. His lips parted. Humulas ang kulay sa mukha niya at parang gusto ko siyang tuyain dahil may alam ako. Oo, Grey alam ko! “At anong gusto mo, ha? Lokohin ako hanggang sa lumaki ang anak mo? O baka naman balak mo lang ipagtapat sa akin kapag may anak na rin tayo para hindi na ako makapalag pa? Pero hindi. Ganito pa rin ang mararamdaman ko at gagawin. Magagalit ako at lalayuan ka na.” Lumunok siya at nag iwas ng tingin sa akin. He still look shocked. “Ang lakas ng loob mong pumunta rito at patamaan ako ng mga kinanta mo. Ikaw ang unang nanloko sa ating dalawa. Ikaw ang tumalikod sa ating dalawa. Eight years, Grey. Eight years ang kinalimutan mo.” He suddenly stood up and looks like he wanted to reach me but I didn’t dare to move from my throne. “M-Magpapaliwanag ako . . .” “Ano’ng sasabihin mo? May pangangailangan ka? Maganda ‘yung girl? Hindi mo sinasadyang mabuntis siya? Hindi ka nakapagpigil?” “D . . .” “Wala akong gustong marinig mula sa ‘yo, Grey. Ang panloloko ay panloloko pa rin. Kahit na ano pang ipaliwanag mo o sabihing dahilan mo, choice mo ‘yon. Choice mong lokohin at talikuran ako.” He maybe flinched because of my words. Tumalikod siya at sinabunutan ang sarili. Hindi ako gumalaw at pinanood ko ang paghihirap niya. Pagharap niya sa akin ay tila siya iiyak na hindi mawari. Ikaw pa ba ito, Grey? Ang laki na nang pinagbago mo. “Tao lang din ako, Deanne. Nagkakamali. Sana pinag usapan muna natin ‘to bago ka nagpakasal sa iba,” Umiling ako at walang buhay siyang tiningnan. “Dito rin ako mauuwi kung nag usap man tayo.” “Wala akong chance? Sa loob ng walong taon, hindi mo ‘ko bibigyan chance? Minahal mo ba talaga ako?” “Hindi na ako sigurado kung solid ‘yang walong taon sa ating dalawa. Ako, oo. Sa iyo ako ng walong taon pero hindi ko alam kung gano’n ka rin sa akin. May ibang babae pa kayo akong hindi nalalaman na pinormahan mo habang tayo pa?” It’s a painful accusation I couldn’t stay hide within my inner peace. Buong akala ko, tapat siya sa akin. Kasi iyon ang inaasahan ko nang sagutin ko siya. Na ako lang sa buhay niya. He made me the universe of his life. He made me his inspiration in his music. I was his motivation to pursue his career even if there’s no guaranteed that he will make it. No’ng makatikim na siya ng kaunting tagumpay, nakalimutan na niya ako? Alam kong nahihiya siya sa pamilya ko dahil sa estado. Pero hindi siya marunong makinig na iba ang iniisip niya sa kanila. Hindi lahat ng tao nababago ng pera o kayamanan. Pero may ibang tao, pilit binababa ang sarili para mas umangat at magmukhang kawawa. Hindi ko ito maintindihan no’ng una pero ngayong kaharap ko si Grey, napagtanto kong mas iniisip niya ang sarili niya kaysa ang pamilya ko. He didn’t give them a chance to get to know him. He wasn’t even shy. But he thought too much of himself that was why he couldn’t understand my family. The reality hits me and it’s on third degree burn. Bumagsak ang panga niya. “Sana . . . sana sinabi mong ayaw mo na. Nararamdaman kong nagbabago ka Grey pero hindi kita iniwan. Sana sinabi mo na lang sa akin na ayaw mo na. Para hindi mo na kailangang saktan ako nang ganito. Maiintindihan pa kita.” He stared at me like as if he’s getting the meaning of what I had said. “Minahal mo ba ako?” My teeth gritted. “Pinagtatanggol kita sa parents ko. Iniintindi kita. Ilang beses kitang pinatawad kahit sa dami ng mga babaeng lumalapit sa ‘yo. Kung hindi pagmamahal ‘yon, hindi ko na alam kung anong tawag do’n.” He slowly closed his lips and shook his head. “Sana ito na ang huling pagkikita natin. May asawa na ako.” Hinawakan ko ang trail ng gown ko at tumayo. Hindi ko na kayang tiisin ang pamimintog ng luha sa mga mata ko. “Mas mahal mo ba siya?” Umalingawngaw ang malakas na tawanan at musika na nanggagaling sa labas. Sa kabila no’n, naestatwa ako at para bang tumigil ang pagdaloy ng hangin sa katawan ko. Hindi ko akalain na darating ang puntong ito sa buhay ko. Hindi ko ipinagyayabang ang nararamdaman pero gustung gusto kong ipamukha sa kanya na hindi ako mawawalan ng buhay nang dahil lang sa walong taon naming dalawa na magkarelasyon. Hindi pala importante ang mga taong iyon kung hindi ko rin lang mapagkakatiwalaan ang ugali niya sa mga darating pang taon. I looked back at him. “Kaya niya akong ipaglaban. At hindi siya nahihiyang sabihing mahal niya ako sa harap ng pamilya ko.” “Hindi ba kita pinaglaban, D? Hindi ko ba sinabing mahal kita sa pamilya mo?” “I almost propose marriage to you. But you didn’t want me to be your wife. ‘Yung kaunting paggalang lang sa mga magulang ko, hindi mo magawa. Pagmamahal ang tawag do’n, Grey. ‘Wag mo lang sabihin. Ipinakita mo rin sana.” Kumawala na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na kaya pang magsalita kay Grey nang hindi nanginginig ang boses ko. Ayokong makita niyang nanghihina ako. Ayokong isipin niyang pwede pa maging kami. Dahil tinatapos ko na ang lahat sa aming dalawa ngayong gabi. Ayoko na. Tama na. Nasaktan na ako. Ayoko nang magpaloko pa. Siguro, iisipin ng iba, isang beses pa lang nagkamali, hindi na pinatawad. Handa namang magpaliwanag, hindi na pinakinggan. Matigas ang puso ko. Mataas masyado ang standard ko sa pagpapatawad. Ang ikli naman ang pasensya ko kaso . . . No’ng tumingin siya sa ibang babae, naalala kaya niya ako? No’ng humalik siya ng ibang babae, naalala kaya niya ako? No’ng nakipag-s*x siya sa ibang babae, naalala kaya niya ako? Naalala kaya niyang commited siya sa akin bago pinagsabog ang sperm cells niya sa loob ng katawan ng ibang babae? Maybe, he couldn’t control the hunger of his body but his behavior, his mind shows that he couldn’t stay honest and loyal to me. His feelings are ruined by his choices. It was his choice to have another woman other than me. I couldn’t even blame the other woman. Dahil hindi naman siya ang nag commit sa akin. Pero si Grey. Masisisi ko ba ang sarili kong alisin ang ugnayan naming dalawa kahit walang formal closure? Baka hindi ko siya makayang tingnan nang deretso sa mata kung nagpatawag ako ng gan’yang pag uusap. I trusted him. I loved him. I dreamed of being his wife. But after eight years, I don’t know him anymore. May mga lamat na akong tinapalan sa pagitan namin. Tama na ‘yon at ayoko nang magtakip ng lamat na palaging bumubuka. Sinalubong ako ng isa sa mga tauhan ni Yale. I remembered his name. Si Dos. Agad kong pinunasan ang luha sa paligid ng mata ko bago siya tiningnan dahil lumapit ito sa akin. “Okay lang po ba kayo, Ma’am Deanne?” Wala namang pag aalala sa kanyang boses. I sighed and nodded at him. “Babalik na ako sa reception.” “Ihahatid ko po kayo, Ma’am.” Hindi na ako umapela kahit mukhang ang OA no’n. Sinamahan niya akong maglakad pabalik doon sa reception. Ang maganda lang dito ay tinulungan niya ako sa trail ng gown ko. Mom saw me. Hindi ko makita si Yale. Wala ito sa mesa namin. Nilapitan ako ni Mom at siya namang alis ni Dos. “What happened?” I looked at her. Nginitian ko siya. Inabot ni Mommy ang gilid ng mata ko at pinunasan ang naiwan kong basa ng luha ko. Tumikhim ako. Wala talaga akong maililihim sa kanya. “Deanne,” I sighed. “Nagkausap po kami ni Grey,” “What? Sinundan ka?” Umiling ako. Actually, hindi ko alam. “Nagalit siya sa ‘yo?” Nilingon ko ang mga bisita naming nag e-enjoy sa sayawan. Malapit nang lumalim ang gabi. Naglalabas na ng mga alak ang staff ng isla. Pero may mga matatandang bisita na bumalik na sa kanilang villa. “I guess, it’s the right time to talk with him, Mom. Para wala na kaming kailangan pang linawin sa isa’t-isa. Alam ko ang ginawa niya. Alam na rin niyang kasal na ako. Hindi ko alam kung bakit inimbita ni Dawn. Hindi alam ni Yale.” Luminga sa mga bisita ni Mommy. Ako rin ay hinanap ang kaibigan ko pero wala pa rin siya rito. Kanina pa siya wala. “Kakausapin ko na lang mamaya sa phone o bukas.” She sighed and held my hands. “’Wag ka nang masyadong magpaepekto. Kakausapin ko ang Dad mong bantayan si Grey para hindi ka malapitan. Si Dylan . . . nawawala kapag wala si Ruth. May sinabi ba si Yale tungkol kay Grey?” “For as long as I am not affected with Grey, he won’t be. Sinusunod niya naman ako, Mom.” “But I want you to be vigilant. Hindi mo pa lubos na kilala ang ugali niya. For the meantime, try to agree with him. Listen to him since he’s your husband. Pero kapag nagtaas siya ng kamay sa ‘yo--“ Agad kong hinawakan ang kamay ni Mom at deretso siyang tiningnan sa mata. Assuring her that I know what to do. “I’m a De Silva, Mom. Don’t forget that.” She sighed and smiled at me. Tinapik tapik niya ang kamay kong hawak ang kanya. “I know. Your Dad taught you so.” “And also, a Ramos. I am brave like you, too.” Now, I made her smiled wider and agreed with me. I went to our table after a few conversations with Mom and some of our guests. Nagtagal ako sa pagtayo at kaka-selfie sa mga bisita kaya pag upo ko ay sobra akong naginhawaan. Gusto kong hilutin ang talampakan pero nahihiya akong yumuko. Wala si Yale sa mesa namin. Luminga ako para mahanap siya pero wala ang bulto niya. Binalingan ko rin ang mesa nina Rock. Wala ang magkapatid doon. I wanted to wave at Dulce and Yandrei but they’re busy on their table. Then, Nick approached me. Tinapik niya ako sa balikat. “Why?” “Nanggaling ka ba sa loob?” “Oo, Nag cr ako. Bakit?” Pinanliitan niya ako ng mga mata. Tumango bago sumimsim sa alak na iniinom. “Nakita kong tumungo roon si Yale, ah. Hindi kayo nagkita?” Umiling ako. Inabot ko ang baso ng tubig at sumimsim. “Mukhang mainit ang ulo.” Natigilan ako at nag angat ng tingin sa pinsan ko. “May kasama ba siyang umalis dito?” “Sinundan siya ng mga kapatid niya.” Tiningnan ko ang tauhan ni Yale na si Dos. Tinawag ko na siya pinalapit. Agad siyang kumilos. “Nasaan si Yale?” Kumunot ang noo niya. “Nasa villa mo, Ma’am.” “O? Nanggaling ako roon bakit ‘di ko siya nakita?” “Baka po nasa kwarto na niya, Ma’am. Pinapatawag niyo po ba?” “Uh, ‘wag na. Baka bumalik din ‘yon.” Tumango na lang ito sa akin at bumalik na sa kanyang dating pwesto. Isang beses akong tinapik ni Nick sa balikat. “Eto na pala ang asawa mo, D.” Inirapan ko siya sa pagtukso niya. Nang makalapit nga si Yale, tinanguan niya si Nick at gano’n din si Nick sa kanya. They are civil naman. Umalis na si Nick. Naiwan kaming dalawa ni Yale. Kinuha nito ang kanyang baso at ininom ang lahat ng laman na para bang kay layo ng nilakad. “Saan ka galing?” Iniwan niya sa mesa ang baso at nilingon ako. He took my hands and intertwined our fingers. Dinala niya iyon sa labi at hinalikan ang likod ng palad ko. “May kinausap lang ako sa loob, love. Pagod ka na ba?” “Gusto ko nang magpalit,” He nodded. “Pinalipat ko ang gamit mo sa kwarto ko. Akyat na tayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD