Chapter 25 Part 1

3637 Words
“I lie down and sleep; I wake again, because the LORD sustains me. I will not fear though tens of thousands assail me on every side.” – Psalms 3:5-6 NIV ** Chapter 25 Part 1 Deanne Biyernes, habang naglilista ako ng mga bibilhin sa grocery ay dumating ang delivery galing sa studio ng nag-coverage sa kasal namin ni Yale. I didn’t expect na may portrait na kasama at may frame pa! “Wow, mam! Ang ganda niyo at ang gwapo ni Ser Yale sa litrato! Sigurado akong araw araw titingilain niya ‘yan sa silid ninyo!” masaya at excited pang sabi ni Vee. Kasama ko siya nang buksan ang package. May kasama iyong mga printed pictures, photo album at DVD. I didn’t play the video right away. Pero tiningnan ko na ang ang litrato namin. At s’yempre, itong malaking portrait namin ni Yale. Kuha pagkatapos ng ceremony. Ni sa hinagap, hindi ko inakalang magkakaroon pa kami nang ganito. I would understand because he thought different. Kaya lang ako, mukhang mag iiwan pa ako sa kanya ng souvenir. Though, baka itapon niya rin kapag naghiwalay na kami pagdating ng araw na iyon. O sunugin. Bahala na siya. Tinabi ko muna iyon sa kwarto namin. Sinandal ko sa pader ang malaking frame. Si Yale na ang magsasabit niyan pag uwi niya galing trabaho. Ako: Pupunta kami sa grocery ni Vee. Mamimili na ako ng ihahanda bukas. May gusto ka bang ipasabay? Palagi niya akong sinasabihan na mag-text o tumawag kapag aalis ako. Pagkatapos kong maglista ng bibilhin, paalis na sana kami nang harangan ng isa sa mga bagong tauhan ng mansyon. Siya yata ang leader kapag wala si Dos. Medyo nagulat ako. Sabihin ko raw muna sa asawa ko na aalis kami. Pinagbilinan daw sila na huwag akong hayaang umalis nang hindi nalalaman ni Yale. Yale M: Alright. Ipapahatid kita kina Ian at Monching Ako: Wala kang gustong ipabili? Sa grocery? Sa mall? Yale M: Just come home safely. I love you Binalewala ko ang text niyang ipapahatid ako sa dalawa niyang bagong tauhan pero tinitigan ko sandali ang huling text niya. Lalo na ang pagsasabi niyang mahal niya ako. I didn’t reply anymore. “Mama, aalis na po kami ni Vee. Sa grocery po kami. May gusto po ba kayong ipabili?” Nagbabasa ng libro si mama Rosalinda sa garden. Pailalim niya akong tiningnan. Ang suot nitong reading glasses ay nasa gitna ng kanyang nose bridge. She looked cold. She was always like that. Medyo sanay na ako. She sighed after she scanned my maong shorts at black v neck t shirt, na may naka imprint na malaking red lips at nakalabas ang dila. Nagtagal ang mata niya sa design ng t shirt ko bago tumingin sa mukha ko. I shifted on my feet and pursed my lips to suppress a giggle. Kada kilos ko rito para bang palagi siyang nakabantay. Pati ang sinusuot ko ay napupuna. Ayaw ko man, nako-consious na ako sa pagpili ng damit. Palagi pa naman akong nasa bahay lang. “Wala, hija.” Binalik niya rin agad ang atensyon sa libro at nilipat ang pahina. “Alis na po kami.” She nodded without looking at me again. Sumakay kami sa SUV ng pamilya Montevista. Kasama ko si Vee at dalawang tauhan nila. Nate-tempt akong i-text sina Yandrei dahil lalabas ako kaso marami nga pala akong gagawin. Kapag kasama ko sila nauuwi kami sa kulitan at mahabang kwentuhan. So, I didn’t text my girls. But I called my mommy. Nagtanong ako ng kumpletong sangkap ng lulutuin ko. I also asked kung pwede ko siyang tawagan sa araw ng pagluluto para hindi ako magkamali. Noong una ay natahimik si mommy nang malamang nakatoka akong magluto para sa kamag anak ni Yale. In the end, she just sighed and carefully answered all my questions. Parang na-refresh ang utak ko sa pagluluto. Sinubukan nina Leonard at Rock na pigilan ako na gawin ito. Siguro, pagkatapos kong pumayag ay napagtanto nilang mahirap pala ang trabaho. Pero bago nila ako kausapin, galing sila sa study ng gabing iyon at naroon din si Yale sa loob. Rock had this playful smirk on his face. Humalukipkip at kinunutan ako ng kilay. “Pinagsabihan kami ni kuya Yale, e. Masyado raw namin inaabuso ang kabaitan mo, ate. Hindi ka lang makahindi dahil si mama ang nagsabi. Kung ayaw mo, kukuha kami ng chef sa hotel.” Tumawa si Leonard at namulsa sa tabi ni Rock. I looked at him and I saw the naughty grin that almost mirrored from his younger brother’s smirk. “We all know that you agreed because you’re kuya’s wife. It’s not really necessary that you need to cook for our relatives.” “But I want to.” I shrugged shoulders and glanced at the study’s door. Bumukas iyon. Inuluwa si Yale pero natigilan nang makitang hinarang ako ng mga kapatid niya. His lips parted a little. Then he sighed and didn’t disturb us. Nakatalikod ang dalawa niyang kapatid kaya hindi siya napansin. Tamad na sinandal ni Yale ang braso sa hamba ng pinto at tahimik kaming pinanood. Rock chuckled. “Saan kaya ako makakakita ng tulad mo, ate Deanne? Bigla tuloy akong nagselos kay kuya at siya ang unang nakakita sa ‘yo.” I saw Yale’s lips parting. I smiled immediately and stopped him from saying a protest that was so obvious on his face. “Sorry, Rock. Nag iisa lang ako at nakuha na ako ng kuya mo.” Pareho silang natawa ni Leonard. Humalukipkip si Yale at bahagyang yumuko nang nakatitig pa rin sa akin. I refused to stare back. “But we’re serious, ate. Nakakapagod maghanda nang marami. Magpapapunta na lang kami ng chef at ilang tauhan galing sa hotel.” I felt the heat from Yale’s eyes. Uminit ang mukha ko sa hindi malamang dahilan. Sa titig ba niya? Sa panonoood niya? Sa pakikinig niya? Nawawala ako sa konsentrasyon sa pakikipagtalakayan sa magkapatid na ito dahil nandyan si Yale sa likod nila. Pinapanood ako. “I-It’s really alright, Rock, Leonard. Kaya ko. I mean, hello? Marami rin akong kamag anak. Sanay ako sa handaan na gan’yan kaya walang problema.” “Ate-“ “’Wag n’yo nang kontrahin ang ihahanda ko at baka hindi maging masarap ang luto. Let me deal with it. Okay? End of discussion. Bye!” Agad ko silang tinalikuran. “Love.” Tumigil ako nang tawagin ni Yale. Pagbaling ko, nakatingin na rin ang dalawang kapatid niya sa kanya at halatang nagulat nang marinig ang boses niya. Pero si Yale ay ako lang ang tinitingnan. Parang hindi niya nakikita ang mga kapatid niya. “Ano?” lakas loob kong tanong. He squared his broad shoulders. I caught a ghost of smile on his lips. His full attention was at me. Mukha siyang nasisiyahan pero hindi pinapakita sa iba. “I love you.” he stated and closed the door of the study room. Manghang bumaling sa akin sina Leonard at Rock. Leonard had this. . . shocking reaction. Hindi nakapagsalita. Si Rock ay nakaparte ang labi at parang hindi makapaniwala. Hindi rin nakapagsalita. Lumunok ako. Sinantabi ko ang pag iinit ng pisngi. I nervously licked my lips and tried to act normal at them. But I did struggle to escape from their surprised eyes. “I-I. . . s-sige na! Bye!” and left them almost running. Napunta ako sa kusina kung saan naghuhugas ng pinggan si Vee. Nalingunan niya ang pagdating ko at agad akong nginitian. But I didn’t smile back. Hinawakan ko ang tapat ng dibdib ko. Sobrang lakas ang kalampag. Para akong ginigising. Parang nagwawala sa galit. Lumapit ako sa fridge. Gusto ko sanang uminom ng tubig pero. . . natitigilan ako. Naririnig ko na naman ang boses ni Yale. Naaalala ko ang mata niya ang itsura niya nang sabihin niyang mahal niya ako. “Mam? Okay lang kayo? May gusto ba kayong kainin?” Kabado kong nilingon si Vee. Lumunok ako. Tila sinusuntok na ako sa dibdib! “Mam. . .?” My lips quivered. I tried to say something to her. I tried to sample funny jokes but. . . I was so nervous so I didn’t say any. Sa huli, nagsalin ako ng tubig sa baso. Inubos iyon at saka nagmamadaling iniwan doon si Vee. Being in a state. . . of a woman. . . who witnessing. . . the blunt and or proud confession from a man. . . that he loves her even in front of his brothers feels so. . .uncomfortable? So, if you are uncomfortable, do you feel the loud punching in your chest? Are your nervous? Are you frighten? Are you very. . . scared? Scared of what, Deanne? Are you scared of Yale Montevista? Like, c’mon. You’re a De Silva. It should be the other way around. Right? Bumuntong hininga ako at dinampot sa shelf ang isang kilong asukal. Nilagay ko iyon sa cart na tulak ni Vee sa tabi ko. Maraming tao ngayon sa grocery na ito. Napagtanto kong, bukod sa Friday, e kalagitnaan pala ngayon ng buwan. “Kumuha ka ng tatlong evap, Vee.” I scanned my list. “Tatlo, Mam?” Tumango ako. Nakumpleto ko na agad ang sangkap ko para sa Avocado Ice Cream. I pouted my lips. “Hm, saka peanut butter, Vee.” “Gaano kalaki, Mam? Ano’ng brand po?” “Ayun. Dalawang malaki. ‘Yung unsweetened, ha?” “Alin po rito, Mam. . .” Tumabi ako sa kanya at binasa ang tinurong lalagyanan ng peanut butter. I read the label. Nawala ako roon nang may tumawag sa akin. “Ikaw nga! Kumusta, hija? Ang tagal mong hindi nadalaw sa bahay, ha?” My lips parted. Tulak ang kanyang cart na may lamang mantika, nakangiting nilapitan kami ni Tita Weng. Ang mommy ni Grey na isang branch manager sa bangko. Hindi ako agad nakakibo pagkakita ko sa kanya. Nailagay ko na lang basta ang peanut butter sa cart namin ni Vee nang hindi iyon tinitingnan. Then, Vee asked kung kukuha pa isa, tumango na lang ako. Nakangiting tiningnan ni Tita Weng si Vee. Binalik din sa akin. “Tita,” Nagmano ako sa kanya. Hindi niya binitawan ang kamay ko at hinaplos niya ang buhok ko. “Ang tagal nating hindi nagkikita, Deanne. Ikaw, ha. Ayaw mo nang pumasyal sa bahay.” Tumayo kami sa gilid para hindi makaabala sa ibang namimili. Pinanood kami ni Vee at hindi umimik. “Tita. . .” Nalusaw ang ngiti niya. At mabigat na bumuntong hininga. “Alam ko ang nangyari sa inyo ng anak ko. Kung alam mo lang, halos bugbugin siya ng daddy niya nang malaman naming nag break na kayo. Pero umaasa akong dadalhin ka ulit sa bahay ni Grey o dadalawin mo kami ng Tito Ismael mo. Hindi pa ba kayo nagkakausap ulit ng anak ko?” may pag aalalang lumabas sa mukha niya. Mabilis kong sinulyapan si Vee. Nang magkatinginan kami, nilipat nito agad ang mata sa ibang dereksyon tapos ay tiningnan ako ulit. Saka ko napansin na ang tiningnan niya ay sina Ian at Monching na papalapit ngayon sa amin. I licked my lips. I’m more nervous that they’re coming to us that talking with Tita Weng. Seryoso ko siyang tiningnan. Pareho silang magiliw sa akin ni Tito Ismael. Tuwing naroon ako sa bahay nila ay inaasikaso naman nila ako at maalaga. Pero kapag si Grey ang nagkukwento, bukambibig niyang hindi siya suportado ng kanyang mga magulang pati mga kamag anak sa pagbabanda. Halos lahat sa kanyang mga kamag anak ay nasa corporate world. Siya lang ang tanging nangahas na pumasok sa music industry. At para sa kanila, nagsasayang lang ng oras si Grey sa pagbabanda at wala raw itong mararating. But he still chose to sing and built his career. Na ramdam kong magtatagumpay siya. “Wala na po kami, Tita. May ilang linggo na po.” Bahagya niyang hinila ang kamay ko kaya hindi ko naalis ang tingin sa kanya kahit na dumating ang dalawang bodyguard ko. “Dahil ba sa bata?” I sighed. Sa totoo lang, wala na sa akin iyon. Wala na akong maramdaman. Kahit galit, wala na ako. Ang gusto ko na lang gawin, mag move on sa walong taon namin ni Grey. May panghihinayang ako pero hindi na ganoon kabigat. Nasaktan ako pero nakabangon na ako. Siguro dahil, nasa loob pa lang ako ng relasyon namin, subtly, napaghahandaan ko ang kahihinatnan ng ginawa niya. When he changed, I slowly changing, too. Ang confrontation naming dalawa sa isla ang rurok ng pagbabagong iyon. Hinawakan ni Tita ang mukha ko para pumirme ang paningin ko sa kanya. “Pina-DNA test namin ang bata, Deanne. Hindi si Grey ang ama! Pinaako lang sa kanya!” “Po?” She sighed and gave her attention on my hand. “Ang sabi ko nga sa kanya, kung wala rin lang patutunguhan ang pagbabanda at buhay niya ngayon, mabuti pang makipagbalikan siya sa ‘yo. Magmula nang lumabas ang DNA test, mas lalong nawalan ng dereksyon ang plano niya sa buhay. Ayaw na niyang magrecord ng kanta. Pumirma siya ng kontrata pero hindi niya tinutupad ang pagbuo ng album.” Namilog ang mata ko. “Matagal na niya pong gusto ‘yan, ah?” “Kung makikita mo lang siya ngayon. Kahit si Marc, hindi niya kinakausap. Wala siyang kinakausap. Nag aalala nga ako. Baka. . . kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Sinubukan ko siyang dalawin sa tinutuluyan niya pero ayaw akong harapin. Sa tingin ko, ikaw pa rin ang mahal niya, Deanne.” Tiningnan ko lang ang mukha ni Tita Weng. Napansin ko ang pagdami ng guhit sa gilid ng mga mata niya at pagngangalumata. But I don’t think I could give a help. Grey will still have a part in my life but. . . “May asawa na po ako, Tita.” Her jaw dropped. Saka niya binalingan si Vee at ang dalawang bodyguard na tumayo lang malapit sa amin. “Ha? May asawa ka na?” I sighed. So, Grey didn’t tell them. “Opo,” “Pero. . . bakit ka naman agad sumuko sa kanya, hija? Hindi mo man lang pinaglaban ang pagmamahalan ninyo ng anak ko? Dahil sa ‘yo kaya hinayaan namin si Grey sa pagbabanda kasi alam naming kaya mo siyang patinuin. Kaso, hindi mo siya hinintay?” Umiling ako at yumuko. “I’m sorry po, Tita. Matagal nang may lamat ang relasyon naming dalawa. Sinubukan ko naman pong. . . isalba ang meron sa amin. Pero. . . nitong huli ay hindi ko na po kaya.” “Hindi niya ‘yon anak! Pinaako lang!” I looked at her eyes. Her worried face looked so obvious. Namimilog ang mata at parang gusto akong yugyugin sa balikat. “My decision was final, Tita. I already gave him all I can ever give. At hindi na po makakatulong na hindi kanya ang baby. He lied and cheated on me. Hindi ko na po kayang i-tolerate ang ugaling iyon. Hindi na po kami magkakabalikan.” Tumahimik siya at hindi nakapagsalita. Dumaan ang ilang segundong nakatayo lang kami roon sa gitna ng ingay ng grocery. “P-Pero pwede mo ba siyang puntahan at kausapin man lang?” “Tita,” “Kahit pauwiin mo sa amin, Deanne. Ayaw niya kaming kausapin. ‘Yang career na tinataguyod niya, pabagsak na dahil nawalan na siya ng gana. Sana ay tulungan mo siyang makabangon ulit kahit hindi na maging kayo.” “Naiintindihan ko po. Pero may asawa na po ako.” “Mas matagal naging kayo ng anak ko. Kasama ka niya nang ipaglaban niya sa amin ang pagbabanda niya. Hindi mo ba pwedeng pabalikan siya sa amin? Nakikinig siya sa ‘yo, ‘di ba?” “Dati po ‘yon, Tita. Nagbago na po si Grey,” “At least talk to him, Deanne. I miss my son. Just tell him that I really miss him. Bukas ang bahay namin para sa kanya. Araw araw.” “Pero. . .” “Please, Deanne. Please. Kung kailangan kong makiusap sa asawa mo ay gagawin ko. Bumalik lang sa amin si Grey.” Pinagmasdan ko siya. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Pinisil niya ang kamay ko at patuloy na nakiusap. Tumikhim si Monching sa gilid pero hindi ko siya nilingon. Alam kong napapansin na kami rito ng manager ng grocery at ayaw kong makagawa pa ng eksena. Bumuntong hininga ako. “Susubukan ko po. Pero hindi ako nangangako.” Bigla akong niyakap ni Tita Weng. “Salamat, Deanne! May utang ako sa ‘yo, anak.” Pinunasan nito ang luha sa gilid ng mata. Inayos ang sarili bago muling tinulak ang kanyang cart. Nginitian niya lang ako bago kami naghiwalay. Ian and Monching tailed their eyes on Tita Weng. Ang kuryosong si Vee ay sinundan din siya ng tingin. Tinawag ko na lang sila at pinagpatuloy ang pamimili. Nagkita pa ulit kami ni Tita Weng no’ng nakapila kami para magbayad. Naisipan ko pang bayaran ang kaunti niyang pinamili. Kahit card ni Yale ang hawak ko ngayon, nasa bag ko naman ang akin at may cash pa. Pero hindi na ako nagtangka. Nauna na rin akong nakalabas ng lugar na iyon. Hindi ko na siya nakasalubong o nakita pa sa labas. Sinasakay na namin sa sasakyan ang mga plastic nang magwala ang cellphone ko sa bag. Pinabayaan ko na kina Monching iyon. Lumayo ako at sinagot ang tawag. “Hello?” “Are you done?” Nilingon ko ulit sina Monching. Nasa sasakyan na lahat at binabalik na ni Ian ang cart sa grocery store. Binuksan ni Vee ang pinto para sa akin. “Yes. Pasakay na kami. Bakit?” Matagal bago sumagot si Yale. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Sinarado ni Vee ang pinto ng sasakyan. Nakita ko sa labas na patakbo na ring bumabalik si Ian. Si Monching ay kauupo lang sa driver’s seat. “Kinausap ka raw ng mother. . . ng ex mo.” Nag arko agad ang kilay ko. Ang bilis lumipad ng balita sa kanya. Tiningnan ko si Monching sa rear view mirror. At naabutan kong nakatingin din pala ito sa akin. I sighed and nodded. I combed my hair. Nakabukas ang bag ko at nakikita ko ang card doon ni Yale. Inipit ko ang phone sa tainga at balikat habang tinatabi sa wallet ko ang card niya. “Uh, yes. Nakita niya ako rito. Nagkumustahan kami at kaunting usap,” “She’s asking you to talk to her son.” I rolled up my eyes. “Oo. Ang sabi ko ay may asawa na ako.” Sumakay na si Ian. Nag usap saglit ang dalawa bago umatras ang SUV. “Gusto niyang magkabalikan kayo ng anak niya.” Sinarado ko ang bag. Hinawakan ko ulit ang phone at tumingin sa labas. “Maybe. But I’m already married.” He sighed. “Kung hindi ka pa kasal, papayag ka? Bibigyan mo siya ng chance?” Kumunot ang noo ko. Akma akong sasagot pero sinarado ko ulit ang labi. Napansin ko ang hina at tila malungkot sa boses ni Yale. Bakit niya ba ito tinatanong pa? “Hindi. Ayoko na.” “Dahil may asawa ka na?” “Kahit wala akong asawa ngayon, ayoko nang makipagbalikan kay Grey. Hindi na magiging kami ulit.” We’re done. “Hindi mo na siya gusto?” I tsked. “Yale, ano ba?” “Sorry. I just want to know.” Umirap ako at binagsak ang likod sa sandalan. Medyo nainis ako sa pangungulit niya. “Para sa ikapapanatag mo, hindi ko na siya gusto. Nagbago na ang nararamdaman ko. Kahit lumabas pa na hindi niya anak ang baby, still, iba na ang nararamdaman para sa kanya. At hindi na katulad ng dati. Nag aalala ako sa kanya, oo. Pero. . . bilang kaibigan na lang. Iba na ang gusto ko.” He cleared his throat. “S-Sino nang gusto mo?” I smirked. “Sa tingin mo sino ba?” He didn’t answer right away. Tumahimik kaming dalawa. Nakatanaw pa rin ako sa bintana habang hinihintay siyang magsalita. “Love?” “Hmm?” He gasped. “G-Gusto mo na ba ako, mm?” Tumambol na naman ang dibdib ko. I bit my lip. Nakalayo na kami nang husto sa grocery bago ako sumagot. “Papayag ba akong magpakasal sa ‘yo kung hindi.” “Gusto mo rin ako?” I gulped and ignored my heart. “O-Oo nga.” Tumahimik siya ulit. Akala ko nga ay biglang nawala ang linya pero buhay pa rin ang oras namin. “Pauwi ka na ba?” Tumanaw ako sa dinaraanan namin. “Oo.” “I miss you.” Pinigilan kong ngumiti. So, I bit my lip again. “Nagkita lang tayo kanina. Ano’ng miss ka r’yan?” “Palagi kitang nami-miss, love. Oras-oras. Minu-minuto. Segu-segundo.” “Nagtatrabaho ka ba? Ano bang ginagawa mo, ha? Sinong kasama mo?” “Mag isa lang ako rito sa office ko.” “Ah. Kaya pala may oras kang alamin ang ginagawa ko.” Natahimik siya. Parang hindi na magsasalita kaya sinundan ko ang sinabi. “Okay lang. Sanay na ako. I know it’s just for my security.” Dagdag ko. “Sorry. But I won’t do that again.” I sighed. “This is my normal life, Yale. Hindi na ‘to bago.” “I know. But I want to give you something new,” My lips parted. He chuckled. “I trust you and I love you so much. Hindi ‘yan magbabago.” I never regained my composure after his call. My lips remained parted until Vee talked to me. Para akong naitali sa sinabi ni Yale at hindi nakawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD