Chapter 25 Part 2

2639 Words
Chapter 25 Part 2 Deanne My life is really full surprises, you know. Kulang na lang ay kinditan ko ang sarili ngayon. Pag uwi namin sa bahay, inayos ko pa rin ang mga pinamili kahit pinapagpahinga ako ni Manang Soledad. Hindi ko nga ginawa. “Pumupunta rin kayo sa palengke, mam?!” Lumaki ang butas ang ilong ko habang tinatabi ang mga de lata sa pantry. “Oo naman. Namimili pa rin doon ang mommy ko. Mas sariwa kasi ang paninda roon.” “Hala! Ang galing naman ng pamilya niyo, mam. Kahit sobrang yaman at kilala na kayo, parang normal pa rin ang mga galaw ninyo.” Tumawa ako at tumigil sandali. Binalingan ko siya. “Simpleng buhay ang kinalakihan ng mommy ko, Vee. Hindi marangya ang buhay niya at ni Uncle Adrian ko. Pero kahit naging asawa niya ang dad ko, hindi siya nagbago. Hmm, my mom and my aunties are all down to earth. Ang mga may galit lang sa puso ang kaya silang pintasan.” “Gano’n po? Siguro hindi lahat ng tao ay katulad ng mommy mo, mam. Sabi ni Manang Soledad, hindi rin lumaki sa mayamang pamilya si Madam Rosalinda. Kahit si Ser Fidel ay hindi rin dating mayaman na tulad nito. Pero ayaw niyang pumupunta sa palengke o kahit saang pamilihan na walang air-con. Atin atin lang po ito, ha.” Natigilan ako ulit. Consciously, I looked at Vee who was cleaning the table. “Naabutan pa ‘yon ni Manang Soledad?” Hininaan ko ang boses ko at sumulyap sa pintuan ng kusina. “Ay opo, mam. Wala pa silang pagmamay-aring hotel ay kilala na ni Manang Soledad ang mag asawa. Naalagaan pa nga niya si Ser Yale noong bata ito. Hirap na hirap daw silang bigyan ng gatas noon si Ser. Talagang umabot sila sa walang wala,” I gulped and walked near to her. “Kung gano’n, paano sila yumaman?” Hininto niya ang pagpupunas at nag isip. “May tumulong lang po yata. Parang kaibigan ni Ser Fidel. Tapos, ‘yon na po. Nagkapera na sila. O, ‘di ba? Nanalo sa lotto lang ang peg!” I nodded at her and smiled. Tinalikuran ko siya at kunwaring naging busy na sa pagtatabi ng pinamili. Si Napoleon Salviejo iyon. Kung hindi ako nagkakamali, matagal na niyang binuo ang Blue Rose Gang. Hindi lang ako sigurado kung kailan siya nagsimula sa maruming gawain para magkapera. Hindi agad nakianib si Fidel Montevista sa kanya kahit matagal na silang magkaibigan? If I am not mistaken, mas matanda ng ilang taon ang lolo ni Ruth kay Fidel. O dahil bata pa ito masyado para bahaginan? Umuwi nang gabing iyon si Yale na may dala na namang red roses. Sinabihan ko na siyang huwag nang bumili dahil naiipon lang. But he asked me, kung bati na kami. Saka lang siya titigil na suyuin ako. “Magkagalit pa ba tayo? Gabi gabi kang nakalingkis sa akin.” inirapan ko siya at tinalikuran. He chuckled and embraced me from the back. His back hug was always warm and tight. Dinampian niya ako ng mabining halik sa leeg ko at sinamyo ang balat ko. “I won’t hurt your feelings ever again.” Hindi ko na iyon sinagot sa kabang humaba pa ang pag uusap namin. Kinagabihan ko na nagawa ang Avocado Ice Cream ko. Sina Vee ay naglinis ng bahay habang minamando ni Manang Soledad. That night, naging busy ako sa paghahanda ng mga rekados. Para bukas ng umaga ay mas mabilis kaming matatapos. Maaga akong gumising kinabukasan. Gising na rin no’n sina Vee at nagsisimula na ring maglagay ng mesa at upuan sa garden kung saan gaganapin ang kainan kasama ang mga bisita. By my request, nagpalagay ako ng mga maliliit na bombilya sa pader at halamanan. May poste naman ng ilaw at nagdagdag pa, pero magandang tingnan sa ambiance ng gardern kung lalagyan din ng maliliit na bombilya. Inismiran ako ni mama Rosalinda na nanonood sa paghahanda. Pag alis niya, nagkibit ako ng balikat at si Vee ay nag thumbs up sa akin. Halos buong araw akong nasa kusina at nakasuot ng apron. Niluluto ko ang Kare-kare ni mommy kaya kausap ko rin siya habang naghahalo. Mayroon na kaming Menudo, Kaldereta at Relyenong bangus. May Barbeque rin na si Yale ang nag ihaw. Marunong daw siya kaya hinayaan ko. Sinamahan din naman siya ni Rock. They requested Filipino food. “Ay Ser ako na po r’yan!” Habang naghahalo, sumulyap ako sa kapapasok pa lang na si Yale sa kusina. Dinala nito ang tray nang nalutong BBQ. Kinuha iyon ni Vee. Tinakpan ng foil at tinabi sa mga naluto nang pagkain. Yale looked at me. “Are you hungry?” tanong ko sa kanya. Yumuko ako at hininaan ang apoy. Ikukuha ko sana siya ng pangmeryenda niyang buko salad pero niyakap niya ako at agad akong lumayo. “’Wag! Pawisan ako, Yale!” diring diri kong untag sa kanya. Nginisihan niya ako. Mas lalo pang dumikit sa akin. “I don’t care. I love my wife so much.” Bulong niya sa tapat ng tainga ko. “Tsk. Magmeryenda ka na lang d’yan!” taboy ko. He smiled against my neck. I tsked again after he kissed me there. “Yale!” He chuckled. Ilang sandali pa ay iniwan niya rin ako roon pero hindi kumain. Pagkaalis ni Yale, binalingan ako ni Vee na may nakakalokong ngiti sa labi. Inirapan ko siya at tinapos ang niluluto. Nagpahinga ako ng isang oras bago naligo. Then, I wore my white squared neck blouse and partnered with low waist skinny jeans. Nag flat shoes na lang ako dahil sa garden kami kakain lahat. Mag aalas seis ng gabi nang dumating ang dalawang van. Hawak ni Yale ang kamay ko. Nasa labas kami para sinalubong ang Tito Fausto niya at pamilya. Si Rock ang nagbukas ng pinto at unang bumaba ang Tita Nancy niya. “O, Rock! Ang gwaping mo ngayon, ah!” Nanatili akong nakangiti matapos kong marinig ang malakulog na boses ng Tito Fausto niya. Matangkad ito at mabilog ang tiyan. Pero mukhang malakas pa rin. “Tito, Tita,” nagmanong si Rock. Sumunod si Leonard habang nagbabaan ang mga pinsan nila at mga bata. Hinila ako ni Yale nang ito na ang magmamano. “Yale!” Lumipat sa akin ang paningin ni Tito Fausto. Bumilog ang mata. Hindi na rin inaalis ni Tita Nancy ang tingin sa akin. Tila hinihintay si Yale na magsalita sa kanila. Pagkatapos magmanong ni Yale, binalingan niya ako sabay hapit sa baywang ko. “This is Deanne Montevista, Tito, Tita. My wife.” He introduced me to them. Nagkatinginan ang mag asawa. Umawang labi pero napalitan din ng ngiti. “Good evening po.” nagmanong din ako habang mangha mangha pa rin ang mga mukha nilang dalawa. “Kaya naman pala nagmadali si Yale na magpakasal. Aba’y, artista yata itong asawa, e.” Uminit ang pisngi ko. Tumawa si Yale at inakbayan ako. “Marami akong kaagaw, Tito. Kaya tinali ko na sa akin.” Tumawa nang malakas ang Tito niya. Palihim ko naman siyang siniko sa tiyan. Yale just chuckled and kissed my head. “Ate Rosalinda.” Pinakilala ako ni Yale sa mga pinsan niya. Tatlong lalaki at isang babae. Kasama ang kani kanilang asawa. They were all nice to me. Ang mga anak nila ay pinagmanong pa sa akin! Gosh! Para akong biglang tumanda! Pero natahimik ang lahat ng magkaharapan na si Tito Fausto at mama Rosalinda. Nag squat ang lalaki sa harap ng wheel chair. “Fausto. Ang tagal nating hindi nagkita.” Tito Fausto smirked. “Akala ko nga’y hindi na. Pero dahil kina Yale, Leonard at Rock, gusto ko pa ring makibalita sa mga naiwan ni Kuya Fidel sa pamilya namin.” Tumaas ang kilay ni mama Rosalinda. “Malalaki na ang mga anak ko. Hindi na nila kailangang makipaglaro sa mga pinsan nila.” “Alam ko. Pero may dugo pa rin silang Montevista, hindi ba?” “S’yempre. Montevista rin kayo.” Kumunot ang noo ko. Tiningala ko si Yale. Hindi niya ako tiningnan. Pero dumiin ang kamay niya sa baywang ko. I sensed then that there must be an obvious rift between Tito Fausto and mama Rosalinda. Hirap si mama na pakitunguhan ang mga bisita. Hindi umaalis sa tabi niya si Manang Soledad na tangi niyang kinakausap. Binati rin ito ni Tito Fausto. But when we transferred to the garden, kung saan pinuwesto ang buffet table, bahagyang nawala ang awkward atmosphere. Nakadagdag din sa kasiyahan ang ingay ng mga batang kasama nila. Sa isang mesa, kasama ko sina Yale, Tito Fausto, Tita Nancy, ang panganay nilang anak na si Flora at asawa nito. At si mama Rosalinda. Panay ang puri ng mag asawa sa Kare kare ko. Halos lahat sila ay nagkukwentuhan at kinakausap ako. . . maliban kay mama Rosalinda. At ilang sandali pa nga ay nag excuse na ito at sumakit daw ang ulo. Hinatid siya na si Manang Soledad sa loob dahil kausap pa ni Rock ang mga pinsan sa kabilang mesa. Tito Fausto sighed after she left the garden. Tiningnan niya si Yale. “Hindi pa rin nagbabago ang mama mo, Yale.” “Fausto,” awat sa kanya ni Tita Nancy tapos ay nginitian ako. Kumunot ang noo ng kanyang asawa. “Aba’y totoo naman. Hindi pa siya nauupo r’yan sa wheel chair ay gan’yan na kalamig ang turing niya sa akin. Batid kong mahal na mahal siya ng kapatid ko at ina pa rin ng mga pamangkin ko kaya natuto akong pakisamahan siya.” “Hindi pa rin naman po nakakalimutan ni mama si papa.” “Ano? Ilang taon na ‘yong pagkakapatay sa kanya, ah. Hindi pa rin?” Natigilan ako. Yale glanced at me. “Tito,” “Itong si Fausto talaga.” Yale is covering me. Tumahimik siya at sinulypan ako. “Ang galing mong magluto, Deanne. Kaya siguro na in love itong pinsan ko sa ‘yo. Bukod sa maganda ka na, magaling pa sa kusina.” Nginitian ko si Flora. “Thank you. Natuto lang ako sa mommy ko.” Nasundan pa iyon ng mga papuri galing kina Tito Fausto kaya hindi na naungkat ang tungkol sa pagkakapatay kay Fidel Montevista. Dinalaw din kami nina Rock at iba pa nilang pinsan. Napunta sa akin ang atensyon nila dahil ako ang pinakasalan ni Yale. Para bang malaking balita iyon sa kanilang pamilya. Nang mapunta sa business ang topic, tumayo ako at lumapit sa buffet table. Nakatayo roon si Vee. “Vee, ilabas mo na nag ice cream para makapag-dessert na sila.” “Okay, mam!” Inayos ko lang ang lalagyan ng mga pagkain. Marami ang nasarapan sa Kare kare kaya halos wala nang laman ang tray no’n. Nilapitan ako ng isa mga pinsan ni Yale. No’ng nagkukwentuhan na kami, napasulyap ako sa table namin. Nakatitig sa akin si Yale. Para bang kanina pa niya ako pinanood habang nagsasalita sa tabi niya ang asawa ni Flora. “Ice Cream!” Naagaw ni Vee ang atensyon ng mga bata dahil doon. Inalis ko na rin ang mata kay Yale. “O, pila lang. Lahat meron, okay?” nakangiti kong sabi sa mga bata dahil nag uunahan ang mga ito kaya medyo nagkagulo sa mesa. “Okay po!” “Okay!” Kumuha ako ng apa at isa isa silang binigyan ng ice cream. Medyo kinabahan ako dahil hindi chocolate ang ginawa ko. But surprisingly, nasarapan pa rin ang mga bata. Kaya natuwa ako. Sa adult ay pinalagay ko sa baso at hinatid nina Vee sa kanilang mga mesa. Kumuha ako ng apa at naglagay ng para sa akin. Nadalhan na rin sina Tito Fausto kaya bumalik na ako sa tabi ni Yale. Nagkuwentuhan sila nang umupo ako. Nagde kuatro ako. Habang nilalantakan ko ang ice cream ay saka ko napansing hindi kumakain si Yale. Wala siyang baso no’n! Mayroon pa namang natitira sa ginawa ko. Teka, lalagyan ko nga siya. “Gusto mo ng ice cream?” bulong ko sa kanya. Nilingon niya ako at tumango. “Ikukuha kita,” “’Wag na, love. Ayan na lang sa ‘yo,” “Ha?” Bago pa ako makaapila, inabot niya ang kamay ko at sinubo ang ice cream na kanina ko pa kinakain. Puro laway ko na ‘to, e! But he didn’t care. Nang matapos, saka niya binatawan ang kamay ko. Tinitigan ko ang natira. Kumurap kurap ako. Nag share na kami ng laway. Sabagay, nagkiss na rin kami. Okay lang siguro. Hindi na ako umalis sa tabi niya at kinain ang ice cream. Dulo na lang ng apa ang natira nang ilapit ko iyon sa bibig niya. Binuksan niya ang labi at inubos ang apa. Nagpagpag ako ng kamay at uminom ng tubig. Everyone was having fun. Iyong kwentuhan parang hindi nauubos. Nalaman kong maraming manok sa Zambales ang Tito niya. Pagsasabong ang pinagkakaabalahan niya. Inilabas ni Leonard ang mga bote ng beer at nilagyan ng case ang bawat mesa. Nagtawanan ang mga pinsan niya pero puro excited pa ring uminom. Kahit si Yale ay nagbukas ng kanya. Binigyan niya rin ako. Nagpakuha ako ng bucket ice at baso kay Vee. Makalipas ang halos isang oras, pulang pula na ang mukha ng Tito niya. Hindi yata namalayang nakarami ng inom. “Sinong magda-drive sa ‘tin?” tanong ni Tita Nancy na halatang nainis sa asawa. Tumawa si Tito Fausto. Inakbayan ang asawa. “Kaya ko pang magmaneho, Nancy!” Nagtaas ng kamay ang asawa ni Flora at nagpresintang papalit bilang driver nila papuntang The Paradise Hotel. Isang beses pang hinalikan ni Tito Fausto ang asawa sa pisngi saka tinuro ni Yale. “Napakaswerte mo sa asawa mo, Yale. Magaling na magluto, maganda pa! ‘Wag mo nang pakawalan ‘yan!” Ngumiti ako sa lasing niyang Tito. Inakbayan din ako ni Yale. Naestatwa ako. Naaamoy ko na ang alak sa hininga niya. Pagyuko nito sa akin, nakita kong namumula ang mukha at nakangisi pa. Hinalikan niya ako sa noo. “Akin ‘to, Tito. Hinding hindi ko pakakawalan si Deanne kahit na ano’ng mangyari.” Oh, gosh. Nakailang bote na ba ‘to? Tumawa nang malakas ang Tito niya. “Dapat lang! Walang nakakawala sa mga Montevista! Iba kami magmahal, e. Hindi ba, Nancy?” “Ay ewan ko sa ‘yo, Fausto.” Niyuko ako ulit ni Yale. He grinned at me. Matagal niya akong tinitigan na sobrang lapit pa ng mukha kaya pinandilatan ko siya. “Lasing ka na agad?” He pouted his lips. “Hindi, ah!” Hinila niya ako at binagsak ang ulo ko sa tapat ng dibdib niya. “Ang swerte ko. Sa akin ka napunta.” Pinugpog niya ng halik ang noo ko at ulo. Sinubukan ko siyang itulak sa dibdib. “Yale.” “Hm, love?” “Lasing ka na.” dumaldal na, e! Nginitian niya ako. “Hindi pa, love.” Tiningala ko siya at pinanliitan ng mga mata. Ang sunod niyang ginawa ang nagpasinghap sa akin nang malakas. Yumuko siya at siniil ako ng halik sa labi! Kinantyawan kami ng mga pinsan at kapatid niya agad ko siyang naitulak. Nakangiti pa rin si Yale nang maghiwalay kami. “I love you, Deanne!” he proudly said. Nagpalakpakan ang mga naroon at binuyo kami. Bagong kasal naman kaya pinagki-kiss kami ulit. Damn! “Ayun, oh!” “Dead na dead pala ‘tong pinsan namin sa ‘yo, Deanne!” “Oh, si Yale hindi na torpe!” Sunud sunod ang mga tuksong narinig ko. Sa sobrang hiya, umalis muna ako roon at pumasok sa loob ng mansyon. Kahit ang lasing na ngiti ni Yale ay hindi ko na kayang tingnan. “Nagtampo na ang asawa mo. Habulin mo, Yale!” narinig kong udyok ni Tito Fausto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD