“In my distress I called to the LORD; I cried to my God for help. From his temple he heard my voice; my cry came before him, into his ears.” – Psalms 18:6 ** Chapter 36 Bianca “Nandyan na ang parada!” sigaw ni Pepita mula sa pinto ng guest house. Pinagkagulahan ng mga kababaihan ang dumarating na ingay ng musiko. Malalakas na palo ng tambol iyon. Yumayanig sa lupa at sinasabayan ng tunog ng xylophone. T’yak na maraming tao sa labas dahil ipinagdiriwang namin ngayon ang Founding Anniversary ng Corcuera. Dito sa Simara Island. “Ayaw mong manood? Sandali lang naman ‘to, oh. Breaktime muna bago magtakal ng pansit at balot ng puto.” Nag angat ako ng tingin sa kaibigan at kapitbahay kong si Melona. Kita sa mukha niya ang excitement dahil sa ingay at dami ng tao ngayon sa Plaza. “Sige