“The LORD has dealt with me according to my righteousness; according to the cleanness of my hands he has rewarded me.” – Psalms 18:20 ** Chapter 37 Bianca Pumunta kami sa tiangge pagkatapos naming kumain. Binilhan ni Alex ng kotseng laruan si Joaquin kaya naman walang pagsidlan ng tuwa ang anak namin. Agad nitong tinanggal sa plastic ang kotse at pinaandar sa sahig. “Mamaya na, anak. Marurumihan ‘yan.” Saway ko. Hinila ni Alex ang braso ko at tinayo. Lumingon ako sa paligid at akala ko ay may dadaan pero wala naman. Umawang labi ko. Tinuro niya sa akin ang nahintuan naming tindahan. “Pumili ka ng gusto mo.” Bumaling ako roon. Iba’t ibang uri ng damit pambabae. May half body mannequin pa na suot ang isang blouse na pula. Tapos ay hile hilerang naka-hanger sa taas hanggang baba n