CHAPTER 12: MATAPOS ANG TRABAHO, PINAALALAHANAN AKO NI Taylor na magkikita kami sa Mall na malapit lang din sa pinagtatrabahuan namin. Pagdating ko sa apartment, naisip kong tanawin ang bahay nila Ela para malaman ko kung nakikita niya nga ba kapag mula sa kanila at sa amin. Ilang bahay lang ang pagitan ng bahay nila sa amin at mukhang tama ngang mabilis lang makita. Ang talas talaga ng paningin ng babaeng 'yon kahit kailan. Hindi bale, wala na siyang makikita dahil hindi ko na papayagang pumunta pa rito si Veron. Kumain lang muna ako bago ako natulog. Hindi ko nakalimutang mag-alarm lalo na't tulog mantika ako. Hindi ako agad-agad magigising, kailangang may alarm talaga. Alas syete ako gumising. Kahit na nahihilo pa ako dahil halo limang oras lang ang itinulog ko, pinilit kong buman