CHAPTER 11: NAPAHAWAK AKO SA AKING DIBDIB NANG UNTI-UNTI KO NA NAMANG NARARAMDAMAN ANG PAGPA-PANIC. Maalala ko pa lang kung ano ang dahilan ng mga sugat na 'to sa likod ko, hindi na ako makahinga. "Cammi?" Humakbang siya palapit sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang hawak ang dibdib ko't nanginginig ang katawan. "Cammi, what's wrong?" halatang nag-aalalang tanong niya. Nanginig ang labi ko at hindi na kinaya ang magkahalong nerbyos at takot na nararamdaman. "Cammi! Ayos ka lang ba?" Hinawakan niya ang balikat ko at nanlaki ang mga mata. "Nanginginig ka!" Tuluyan na akong hindi nakasagot nang tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. It was my step-father who did this to me. Everytime na may nagawa akong pagkakamali, o kahit bagay