CHAPTER 10: NAGING REGULAR ANG PAGPUNTA NI Veron sa bahay ko. Madalas na pupunta siya ng alas tres o alas kwatro ng madaling araw kung kailan patulog na ako. Magkukwentuhan kami ng isang oras tapos aalis na rin siya kaagad. Alam kong kumportable siyang ikwento sa akin ang mga problema niya sa buhay. Lahat na yata ng nangyari sa kaniya, sa past man o kasalukuyan, nai-kwento niya na sa akin. . . pero ako, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang tungkol sa sarili akin. "Miss! O-order ako!" tawag sa akin ng costumer. Dali-dali naman akong lumapit doon sa costumer at saka tinanong kung ano ang mga order nila. Tatlo silang lalaki sa lamesa at mukhang magkakapatid dahil magkakamukha. "Teka Miss." Aalis na sana ako sa table nila at pupunta na sa kusina para ibigay kay Zanjo ang order. Humin