CHAPTER 15: HINDI AKO NAKAKIBO. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang nakatitig din siya sa akin. Susubukan ko sanang ngumiti para sana maalis ang tensyon sa pagitan naming dalawa pero hindi ko magawang ngumiti. Natatakot ako. . . "D-do you. . . find me sexy?" hindi ko napigilang tanong. Umawang ang labi niya, nanatiling nakatitig sa akin hanggang sa. . . hinawakan niya ang labi ko. Nagsimulang kumabog ang puso ko lalo na nang bumaba ang tingin niya roon. My body starts to tremble. He was staring at my lips with his. . . lustful eyes. Totoo ba 'tong nakikita ko? Nag-init ang magkabila kong pisngi. Hindi ko napigilang tingnan din ang kulay rosas na labi niya. For a second, I felt tempted. I want to taste those pinkish lips. . . but then, bago pa man kung ano ang mangyari, kaagad kon