CHAPTER 16: HINDI KAMI NAGKIKIBUAN. PAREHO KAMING TAHIMIK NA nakatingin sa isa't isa at naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Sa huli, sumuko rin siya at saka naupo sa tapat ko. "What happened? Where have you been?" mahinahong tanong niya. Nakikita ko pa rin sa mga mata niya na nagtatampo siya pero nabawasan na iyong lungkot. "Hindi ko masyadong napapansin ang cellphone ko. May namatay kasing malapit na kamag-anak. . . Sobrang close kami kaya gano'n," paliwanag at pagsisinungaling ko sa kaniya. Hindi kasi pwedeng sabihin ko sa kaniya na namatay ang Mama ko dahil sinabi ko na sa kaniya na namatay na ang Mama ko kaya paanong nangyaring namatay siya ulit? Hindi naman siguro masamang magsinungaling lalo na kung alam kong makabubuti para sa akin. . . Wala akong balak sabihin sa ka