CHAPTER 17: KUNG GAANO KAMI KABILIS NA NAGING MAGKAIBIGAN, ganoon din naman kabilis na natapos. For the first time in my life, someone treat me as a real friend. A real friend who I can be happy whenever we're together. Pero ang tanga ko na hindi pa rin ako nagtiwala. Hinayaan kong mawala iyong totoong kaibigang matagal ko na'ng inaasam-asam. . . pero sa kabilang banda, nagtataka ako. Kaibigan niya ako pero bakit mabilis niya lang akong iniwan nang dahil lang do'n? Hindi ba masyadong mababaw ang dahilan ng problema namin? Kung totoong kaibigan niya ako, dapat kaya niyang tanggapin na tao lang din ako at nagkakamali. Hindi naman ako perpekto. Nagkakamali rin ako. Nagkamali ako na hindi ko sinabi sa kaniya, na nagsinungaling ako tungkol sa mga magulang ko. Hindi ba talaga katanggap-tanggap