CHAPTER 18: MATULING LUMIPAS ANG LIMANG taon. Sa loob ng mga taong iyon, marami ang nangyaring kailanman ay hindi ko inasahan. Sabi nga nila, kapag hindi mo pinlano, dumarating na lang bigla, at iyon ang nangyari sa akin. Pagkatapos ng anim na buwan ng pag-aaral bilang caregiver, lumipad na agad ako papuntang America kung saan ko inalagaan si Janeth. She was bedridden but still can talk. Na-stroke kasi siya walong taon na ang nakalipas matapos mamatay ang asawa niya. She's really nice to me. Kahit kailan ay hindi siya naging masungit sa akin gaya ng mga napapanuod ko sa T.V. Sa loob ng apat at kalahating taon, I experienced having a Mom. Nag-aalala siya sa akin, pinapayuhan niya ako, she treated me as if I am her daughter. Ang sabi ng Pinay na pamangkin niya, hindi raw naging ganito si