CHAPTER 19: MARAHAS NA NAPALUNOK AKO NANG PAGPASOK NAMIN sa shop, halatang nanunukso ang mga tingin ni Michael at Jordan sa amin. Pilit ko naman 'yong inignora kahit na kinakabahan na ako sa pwedeng itanong nila sa oras na makaalis na itong si Veron. Hilig pa naman nila akong pikunin. Mabuti na nga lang at mababait ang mga iyan dahil kung mahilig silang mang-asar tapos pangit pa ang mga ugali, baka pinagsisipa ko pa sila. Pagpasok sa loob ng bahay, gaya no'ng unang beses na makapasok siya sa dating apartment na tinitirhan ko, inilibot niya kaagad ang tingin niya sa buong bahay ko. Maliit lang itong bahay na ipinagawa ko, pero mas malaki kaysa sa apartment na tinitirhan ko noon. May kwarto na at hiwalay sa kusina. Tama lang para sa nag-iisang gaya ko. Ngayong medyo maayos na ang bahay ko