CHAPTER 26: MULA NANG ARAW NA IYON, dalawang Linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin kami makahanap ng tyempo para magkita ulit. Masyadong mainit ang naging balita tungkol sa girlfriend ni Veron, na ako. Dumagdag pa iyong bantay-sarado si Veron ng mommy niyang intrimidita. Ayaw niya talaga sa akin, 'kala niya naman gusto ko rin siya. Abala kami si Michael at Jordan sa pag-vu-vulcanize ng motor ng isa sa mga suking costumer habang ako naman ay nakatulala lang at nakatitig sa cellphone ko, naghihintay ng reply ni Veron. Kaninang umaga, nag-good morning siya sa akin tapos hanggang ngayong hapon na, hindi pa siya ulit nag-te-text. "Miss mo na si Sir Veron, Ma'am?" tanong ni Michael. Napaka-tsismoso talaga nitong mga 'to kahit na kailan. Hindi ako sumagot, umirap lang ako dahil wala ako s