MAINGAT na binitbit ni Baro ang malaking boquet ng red and white Carnation buds na binili niya kanina sa Shinu Flowershop ni Ate Agnes. Sa sobrang laki no’n ay nahihirapan siyang makita ang daraanan.
“Alam mo na kung nasaan si Florie?” narinig niyang tanong ni Gian.
“Kasama niya si Sarah at Shen. Naglabas na naman ng sama ng loob sa mga kaibigan niya,” sagot niya, patuloy pa din sa paglalakad. “Pupuntahan mo ba si Sarah?”
“Gusto ko siyang puntahan. Pero sabi niya huwag daw akong pupunta sa ospital nang naka-duty siya.”
Tumangu-tango siya. “Baka kasi pagkaguluhan ka ng mga pasyente doon at magkaroon pa ng stampede.”
Tumawa si Gian. “Nag-di-disguise ako kapag lumalabas kami ni Sarah. Ayaw niya din kasing nakakahatak ng atensyon at ayaw niyang mabasa ang pangalan sa mga online rumors.”
Siya naman ang natawa. “Akala ko ba iba si Sarah? Bakit parang mas grabe pa ata siya kay Mamsy?”
“Ganoon na si Sarah kahit noong nag-aaral pa kami. Sanay na ko. Minahal ko na din ang kung ano mang gusto niya.”
“Ikaw pala ang iba,” naiiling na komento niya. “Samahan mo ko hanggang sa parking lot, ha? Hindi ko makita `yong daan, eh.”
Hinatid siya ni Gian hanggang sa sasakyan niya, ito na rin ang nagbukas ng pinto ng back seat niya para mailagay ng maayos ang bulaklak.
“Kung makikita mo si Sarah—”
“Sasabihin kong na-mi-miss mo na siya at palagi siyang kakain sa oras,” pagtutuloy na niya sa walang kamatayang bilin ng kaibigan sa tuwing pupuntahan si Florie at kasama nito si Sarah. “Para kayong LDR. Magpakasal na kaya kayo, para hindi mo na siya ma-mi-miss.”
“Bawat oras na hindi siya nakikita ng mga mata ko, na-mi-miss ko siya.”
“Aalis na ko. Baka hindi pa ko matunawan sa mga pinagsasabi mo.”
Pag-alis ni Gian ay siya namang pag-sulpot ni Danee. Hindi niya alam kung saan ba ito nanggaling at bigla na lang lumitaw sa pinto ng kotse niya. Para itong kabute na naka-red lipstick at red stilleto.
“Hi, Babe! Na-miss mo ba ako dahil sa inilagay kong c****m sa bulsa mo? Favorite flavor mo `yon `di ba?” tila pusang naglalambing na sabi ng dalaga.
Bumaba ang paningin ni Baro sa hapit na hapit nitong polka dots skirt at pataas muli sa sobrang plunging neckline nitong white blouse. Kung yuyuko ito ay makikita na ang kabuuan ng dibdib.
“Sabi ko na nga ba, sayo galing `yon. Huwag mo nang uulitin `yon, ha? Hindi nakakatuwa.”
Ngumuso ito. “Ang sungit naman ng Baro ko.” Pumulupot ang braso nito sa braso niya, idinikit na naman nito ang dibdib sa balat niya.
Kinilabutan si Baro. Hindi ngayon ang tamang oras para i-entertain ang pakiramdam niyang `yon. Kailangan na niya puntahan si Florie. Ikinalas niya ang kamay nito sa kanyang braso.
“Umalis ka na. May pupuntahan ako.”
“Sama ako—”
“Hindi pwede.” Umikot siya sa kabilang bahagi ng kotse, binuksan niya ang driver’s door at sumakay na sa loob pero pag-upo niya ay siya ding pag-upo ni Danee sa front seat. “Hindi ka pwedeng sumama. Labas na.”
“Ayoko nga.”
“Danee, wala ako sa mood makipagkulitan sa`yo ngayon—”
Nahigit niya ang hininga sa pagkabigla nang dumapo ang kamay ng babae sa ibaba niya. Kumawala ang pagtutol sa mga labi ni Baro nang simulan nitong igalaw ang kamay at diinan ang nasa gitna ng mga hita niya.
“Danee, stop it,” utos ni Baro sa babae. Kailangan niya itong pigilan bago pa siya tuluyan na namang madarang sa tawag ng laman. “I’m not in the mood—”
“I can turn your mood on, Baro…” she purred. “I know you like it. Do you want me to put it in my mouth?” Kinagat pa nito ang ibabang labi.
Bumuntong-hininga si Baro. “I told you to stop.” Hinawakan niya ang kamay ng dalaga na marahang pinipiga ang kahinaan niya. “Don’t… D-don’t—”
“Don’t stop?” Kasunod ng malambing na tanong nito ay mabilis na tinawid ang pagitan ng mga labi nila.
Madilim sa parteng iyon ng parking lot, hindi sila basta makikita ng mga magdadaan maliban na lang kung lalapit sa sasakyan niya. Naramdaman niyang ibinababa na ni Danee ang zipper ng pantalon niya. Pinigil niya ang kamay nito. Hindi `to dapat na mangyari.
“Oh, come on… I know you want me…” bulong ng dalaga sa ibabaw ng mga labi niya.
“Tigilan mo na—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil muli na namang siniil ng mapula pa sa dugong labi nito ang mga labi niya.
__________
SINIPAT ni Florie ang suot na relo, mag-ka-kalahating oras na siyang naghihintay sa pagdating ng asawa. Kanina pa din panay ang tingin sa kanya ng barker ng jeep. Siguro ay nagdududa na ito na may asawa talaga siyang susundo sa kanya.
Ilang minuto pa ay nagsimula nang pumatak ang ulan. Nasapo niya ang noo, wala siyang dalang payong. “Nasaan na ba siya?” nag-aalalang tanong niya. “Baka naipit na sa traffic si Papsy. Dapat pala hindi na ko pumayag magpasundo…”
Lumipas pa ang kalahating oras at wala pa ring Baro na dumating. Pati masasakyang jeep pauwi ay dumalang na din. Nagpatuloy ang malakas na ulan, parang galit na galit ang langit sa lakas ng buhos nito. Nasusundan pa ng pagkulog at pagkidlat ang bawat hihip ng hangin.
“Bumabagyo pa ata. Kawawa naman si Papsy baka bahain sa daan.” Kinuha niya ang cell phone sa bulsa para tawagan ang asawa, pero hindi naman niya ma-contact ang numero nito. “Na-deadbatt na yata siya.”
Nagsimulang kabahan si Florie, ganito rin ang kabang nararamdaman niya sa tuwing hindi nakakauwi ng bahay si Baro, o kapag hindi ito dumadating sa mga dinner dates na inihahanda niya para sa kanilang dalawa. Ganito ang uri ng kabang nararamdaman niya sa loob ng tatlong taon na mag-asawa sila ni Baro at wala ito sa tabi niya.
Napahawak siya sa kumakabog na dibdib. Sa sobrang lakas niyon ay nagdudulot na ng sakit. Kirot na parang pumipiga sa puso niyang nakakulong sa loob ng dibdib.
“Dadating ka pa ba, Papsy? Hihintayin kita…” Nag-iinit ang paligid ng mga matang bulong ni Florie sa sarili.
***