MULA sa kinatatayuan ni Theo—may dalawang metro ang layo kay Florie—ay ibinato nito ang tissue roll na parang bola sa grocery cart na itinutulak niya, nang pumasok iyon sa cart ay napahiyaw pa ito ng: “Three points!” Naiiling siyang lumapit sa coach. “Kung sakin tumama ‘yon, three points ka din sakin.” “Chill…” sabi nito at kinindatan siya. “Ano na naman bang dahilan ng bad mood mo?” “Hindi ako bad mood. I’m just exhausted,” sagot ni Florie. Umakbay si Theo sa kanya. “Ano bang nangyari sa muling pagkikita niyo ng kaibigan mo kanina?” Napabuga siya ng hangin, kanina pa nga iyon gumugulo sa isipan niya. “Dumating si Baro.” “Ang ex-husband mo? I mean, ang husband mo?” Pinalis niya ang kamay ni Theo sa balikat. “Hindi na kami mag-asawa.” “Hindi na kayo nagsasama