Chapter 25

1098 Words

“GAANO ba kaimportante ‘yang sasabihin mo sakin at kinailangan ko pang pumunta dito sa dorm niyo?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Andy kay Baro pagkapasok pa lang nito sa pinto. “Ibaba mo muna ‘yang kilay mo, Madam. Mas mataas pa yata yan sa pangarap ko,” pagbibiro ni Baro sa dalaga na lalong ikinatikwas ng kilay nito. “Kalma, Andy.” Inakbayan ito ni Don. Kung nasaan talaga si Andy ay nandoon din si Don na parang anino nito. “Ano ba kasing kailangan niyo sakin?” mahinahon nang tanong ni Andy. “`Saka bakit nandito kayong dalawa?” Natuon ang paningin nito sa dalawa pang kaibigan na nasa loob din ng dorm. Hindi nakasagot si Sarah na katabi ngayon ni Gian sa sofa, abala kasi ang mga ito sa pinapanuod na web drama sa laptop. Si Rima naman ay kasabay na kumakain ni Johann ng isang bil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD