“SHE’S pathetic…” naiiling na komento ni Florie nang ibaba na ni Theo ang telepono. “Mukhang wala siyang balak na tigilan ka.” Inabutan siya nito ng basong naglalaman ng apple cider. “Anong gusto niyang gawin? Palakihin ang issue?” Pinagulong niya palayo ang stability ball na ginagamit niya tuwing umaga bilang parte sa 7-minute daily workout. “Wala naman siyang ibang alam gawin kundi mag-eskandalo.” Natawa lang si Theo sa sinabi niya. “Next, thirty-second crunches…” Pumwesto ang lalaki sa paanan niya. “Pinahanap niya pa talaga kung sino ako at kung sino ang babaeng kasama ko. Mabuti na lang tinawagan ako ni Terese at nalaman kong kinuha pala ni Shaneen ang information ko,” sabi nito na ang tinutukoy ay ang college buddy na owner ng Terese Botique na pinuntahan nila noong nakara