“BAKIT ba ang tahimik mo?” Nilingon ni Baro si Shaneen. “May iniisip lang naman ako.” “Ano namang iniisip mo?” Inabot nito ang kamay niyang nakapatong sa armrest ng couch. Bumuntong-hininga siya. “Naisip ko lang naman kung…” Hindi niya malaman ang sasabihin. “Kung babalik pa ba ang asawa mo?” pagtutuloy na nito sa sinasabi niya. “Hindi na ‘yon babalik. O, kung babalik man siya, sigurado akong may dala na iyong divorce papers para sa kasal niyo.” Binawi niya ang kamay mula sa dalaga. “Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin—" Pagak na tumawa si Shaneen. “Aminin mo na, hindi mo pa rin makalimutan ‘yong overweight mong asawa.” Sinapo niya ang noo. “Pwede ba, I’ve no time for this.” Tumayo na siya at nagtungo sa pinto ng condo unit nito, palabas na sana siya sa pin