ITINAKIP ni Florie ang palad sa bibig nang magsimula na naman siyang umiyak, sobrang sikip ng dibdib niya dahil sa pagpipigil ng galit at luha. “Ma’am, ayos lang po kayo?” tanong ng driver, nag-aalala ang mga mata nitong nakatingin sa kanya mula sa rear view mirror ng sasakyan. “Ayos lang po ako…” sagot niya. “Pakibaba na lang po ako sa may 7-eleven.” Pagkatapos ibaba ng matandang driver ng Taxi cab ang mga gamit niya mula sa trunk ng sasakyan ay binayaran na niya ito. Binuhat niya ang lahat ng bagahe papunta sa tapat ng convenience store. Humugot siya ng malalim na hininga, hindi na dapat siya umiiyak o nasasaktan. Kinuha niya ang cell phone para tawagan ang lalaking nangako na susundo sa kanya sa airport pero hindi dumating. “Florie! Nandito na ako sa NAIA, nasaan ka?