NAGISING si Florie nang maramdaman na tila may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang tiyan. Nagmulat siya at nakitang braso iyon ng asawa. Napangiti siya, akala niya ay hindi na ito uuwi. Tiningnan ni Florie ang orasan sa kwarto nila. Mag-a-alas-siyete na pala. “Anong oras kaya umuwi ang lalaking ito?” Dahan-dahan niyang inalis ang braso ng asawa para makabangon na. Pagbaba niya sa salas ay napansin niya kaagad ang mga nakakalat nitong gamit sa salas. Pati hinubad na sapatos at damit ay basta na lamang inihagis sa kung saan. Matapos ligpitin ang mga iyon ay nagsimula na siyang magluto ng agahan. Inilagay niya sa oven ang chicken cacciatore na iniluto kagabi para almusalin nila ngayon. Sunod naman ay naghanda siya ng ipapabaon na pagkain sa asawa pagpunta nito sa BN. Tapos n