3

1334 Words
Chapter Three Joyce Mario: "Jenny, sabi ni boss ay isama mo raw ang anak mo sa EDM. Umiyak daw kanina? Sama mo raw para hindi ma-sad." Binabasa ko lang ang message ni Joyce pero nae-stress na naman ako. Nagkausap na kami ni nanay na hindi isasama ang bata dahil busy ako sa trabaho bukas. Walang aasikaso, baka mamaya'y makabasag pa roon. Baka kulang pa ang sahod ko sa kailangan bayaran. Jenny Gleponio: "Joyce, pwede kayang hindi na lang? Nakakahiya kasi kay sir. Napagkamalam kanina ng anak ko na pasalubong." Joyce Mario: "Dalhin mo na. Mahilig sa mga kids si Boss Emilio. Baka gusto lang bumawi dahil umiyak ang anak mo dahil sa kanya. Kapag hindi mo dinala baka isipin niya Hindi mo siya sinusunod." Napabuntonghininga ako. Maingat na bumangon at nagtungo sa cabinet kung saan nakalagay ang mga gamit ng aking anak. "Jenny, bakit?" ani ni nanay na bumangon din. Tabi-tabi lang kami ng higaan dahil wala namang kwarto Ang bahay. Naglatag lang ng banig at iyong saka namin sa umaga, ay nagiging silid namin sa gabi. "Nay, isama ko po bukas si Troye sa trabaho. Ibinilin ata ni Sir Emilio kay Joyce na i-text at ipaalala sa akin. Naghahanap po ako ngayon ng damit na pwede niyang maisuot." Puting pinaglumaang damit ng mga kapitbahay namin ang damit ng anak ko. May ilang bago na nabili ko sa palengke, pero mumurahin lang naman. Nakailang hila ako ng damit, in-check ko kung maayos ba iyon. "May butas, 'nak. Ito na lang damit na puti. Ibinabad ko kahapon ito para maalis iyong mantsa. Malinis na malinis." Kinuha niya ang damit na hindi pa nailalagay sa cabinet, pero nakatupi naman na. Nang natanggap ko iyon ay sinuri ko munang mabuti. "Ito na lang po, 'nay." Sobrang hirap ng buhay namin, ultimo bagong damit kahit isang pares ay hindi ko man lang maibili. "Sa unang sahod mo ay nagsingit ka ng damit ninyo ni Troye. Kahit isang pares lang, Jenny." "Tignan ko po, 'nay. Marami pa kasi tayong kailangan pagkagastusan, 'nay." "Anong ipapares mo d'yan?" "Ito na lang po siguro," sabay hila sa isang maong na short. Medyo kupasin na iyon pero sakto pa kay Troye. "Kapag nakaluwag-luwag na'y ibibili ko po siya." "Ako na d'yan. Magpahinga ka na dahil maaga pa bukas ang pasok mo." "Ikaw ang magpahinga na, 'nay. Huwag mo po akong alalahanin. Alam kong mas pagod ka dahil may kakulitan si Troye. Malikot na." "Sinabi mo pa. Pero mas gusto ko na iyang ganyan, kaysa matamlay, o may dinaramdam. Ako na d'yan. Higa na, Jenny," tinapik pa nito ang balikat ko kaya naman hinayaan ko na si nanay. Humiga ako sa tabi ng batang himbing na himbing sa pagtulog. Nang bahagya itong gumalaw ay iginiya ko ito pasiksik sa akin. Mas himbing ang tulog nito kapag ganito ang pwesto namin. -- Umaga. Excited na ginising ako ng anak ko. Ito pa ang nauna kaysa sa akin dahil sa sobrang saya niyang sasama siya. Agad na kaming naligo nito, si nanay na ang nagbihis sa kanya habang maghahanda ako. "Huwag malikot doon, apo. Kailangan behave ka lang. Baka makabasag ka roon. Wala tayong perang pambayad." "Opo, Lola." "Kapag naiihi ka ay magsabi ka kay mama mo. Gano'n din kapag natatae ka. Hindi pwedeng umihi sa salawal kasi tatawanan ka ng mga katrabaho ni mama." "Opo, Lola! Big boy na ako." "Baby ka pa namin ng mama mo." "Nay, kumain ba si Troye?" "Oo, naisingit ko nang pakainin kanina. Ikaw sumubo ka na rin para naman may lakas ka sa trabaho." Parang nang pumwesto ako ay limang minuto lang ako roon dahil sa bilis kong kumain. Sinisipat ko rin kasi ang orasan kaya naman nagmamadali talaga ako. Tuloy pa rin sa mga bilin si nanay. Pagkatapos kong kumain ay nag-toothbrush naman ako. Nang okay na ay kinuha ko na ang bag ko. Gano'n din ang bag ni Troye na inihanda ni nanay. "Tara na, 'nak. Baka ma-late si mama sa trabaho." Nakasapatos na rin naman ito at talagang ready na. "Ba-bye, Lola!" paalam ng anak ko sa Lola niya. Yumakap pa bago lumapit sa akin at humawak sa kamay ko. "Troye, hindi ka mabuhat ni mama ah. Lakad lang tayo." "Opo, ma. Lakad lang si Troye." Nang lumabas kami'y sakto namang may tricycle na. Sumakay kami roon at nagpahatid sa EDM. Nag-biometric muna ako. Kasunod ko lang si Joyce na pinanggigigilan na ang anak kong nasa tabi ko lang at behave naman. "Tita Joyce ang pangalan ko. Ikaw, anong pangalan mo?" "Troye pogi po." Napabungisngis ako sa sagot ng anak ko. "Jenny," tawag ng isang tauhan ng EDM. Supervisor ko ito. Lumapit ito at sinenyasan si Joyce na ilayo ang bata. Sumama naman si Troye rito. "Ma'am?" "Bago ka lang dito, ikalawang araw mo pa lang. Dapat ay nagtatanong ka kung pwede ka bang magdala ng anak sa trabaho," istriktang ani nito sa akin. "Sorry po, ma'am---" "Ma'am, sinabi ni boss na dalhin ang bata rito. Si boss ang nag-request," singit ni Joyce. "At bakit? Anak n'ya ba iyan?" ani ng babae. "Kwenekwestiyon mo ba ang salita ko, Mrs. Makapagal?" biglang dating ni Sir Emilio. "Naku! Hindi po, Sir Emilio. Nagtatanong lang po ako dahil employee natin si Jenny at baka kako marami pa siyang hindi alam pagdating sa trabaho." Hindi naman sumagot si Sir Emilio. Dumeretso ito nang lapit sa batang malawak ang ngiti rito. "Hello, kiddo!" "Hello po, sir ni mama." "Jenny, ako na muna ang bahala sa anak mo." "Po---" "Let's go?" ani ng lalaki kay Troye. Si Troye naman ay agad na humawak sa kamay nito. "Bag ko po, mama?" si Sir Emilio ay agad na naglahad ng kamay sa akin. Ipinatong ko naman ang kamay ko. "I need a bag." Lord, gusto ko na lang pong lumubog sa kinatatayuan ko sa labis na hiya. Agad ko namang ibinigay rito ang bag. Nakatulala rin nang lumakad na ang mga ito. "Girl," bahagya akong binungo ng babaeng tumabi sa akin. "Ha?" "Baka naman pa low-key ka lang. Baka magulat na lang kami asawa ka pala ni Sir Emilio at anak ninyo si Troye. Umayos ka." "Ano ito, teleserye?" "Walang kayo?" "Wala. Nagtataka nga ako kung bakit ganyan siya sa anak ko. Hindi ba nakakahiya kung siya ang mag-aalaga ng anak ko?" alanganin ani ko rito. "Bakit naman nakakahiya? Walang nakakahiya. Mukhang gusto nang magkaanak ni boss, nagpra-practice na siguro." "Ha?" ani ko. Pero hinila na ako nito. "Tara na, Jenny. Simula na ang trabaho." Hinayaan ko na lang itong hilain ako papasok ng locker room. Inilagay lang namin ang bag sa mga locker namin at agad nang nag-sanitize at pumasok para simulan ang trabaho. May pagkakataong lumilinga-linga ako para i-check kung nasaan na ang anak ko at ang boss ko. Pero hindi ko makita. "Focus sa trabaho, hindi pababayaan ni boss si Troye." "Hindi ako mapalahay. Siyempre bago lang ako rito. Hindi rin naman magkakilala si Sir Emilio at si Troye. Makulit ang anak ko... baka maubusan ng pasensya si sir." "Chill ka lang d'yan." Binubuksan ko ang box ng chips, pero ang tingin ko'y sinusubukan pa ring gumala. Hindi ko talaga makita, nasa office kaya sila ni sir? Nakailang box na ako ng bukas, habang si Joyce ay mabilis na nagsasalansan sa shelf no'n. May iba kaming kasama na same ang trabaho sa amin ni Joyce pero may mga sariling mundo. Abala sa trabaho kaya parang hindi marunong mamansin. Nang nag-unat ako saka ko napansin ang anak ko na nakasakay sa cart. Tulak-tulak ni Sir Emilio. Ang cart ay may lamang ilang pagkaing pambata. "Ayon, oh!" ani ni Joyce na nakita na rin pala ang mga ito. "Hala, Joyce. Para yata kay Troye iyong mga pagkain. Wala akong pambayad," worried na ani ko. "For sure si boss na ang bahala d'yan. Huwag kang mag-alala. Barya lang kay Boss Emilio iyan." Tuwang-tuwa ang anak ko, sige ang turo ng gusto. Napakamot ako sa ulo. Baka kung magpapatuloy ito ay mabaon ako sa utang. "Sandali, Joyce! May batang dapat awatin," stress na ani ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD