Chapter Two
Uwian na. Excited akong umuwi dahil ito na ang pinakamababang oras na hindi ko nakita ang anak kong si Troye. Tatlong taong gulang na ito at madaldal na. Libangan ko talaga ang makipagkwentuhan dito. Ang batang iyon ang nagbibigay nang saya sa puso ko. Kaya bakit pa ako maghahanap ng lalaki, kung iyong lalaking mayroon ako sa buhay ko ay labis na labis na saya na ang ibinibigay sa akin.
"Hala! May payong ka ba, Jenny?" bumalik si Joyce na una nang lumabas ng locker room kanina. Dinig ko nga ang malakas na pagbuhos ng ulan. Pero katulad nito ay wala rin akong payong.
"Wala rin akong payong." Tugon ko rito.
"Napakamalas naman today. May regla pa naman ako. Kung lulusong ako sa ulanan ay baka habang naglalakad ako ay magka-redtide."
"Hintayin na lang muna natin tumila ang ulan, Joyce. Maaga pa naman." Tugon ko rito. Lumabas kami ng locker room. Hindi lang kami ang hindi makalabas dahil sa malakas na ulan. Pati na rin ang mga kasamahan namin.
"Jenny, gusto mong sumabay?" alok ni J-Col pero agad akong umiling.
"Hindi." Tipid na sagot ko rito. Iyong payong niya ay siya lang ang kasya roon. Kaya ko namang maghintay. Saka alam ko iyong tinginan ng iba pa naming kasama. Para silang kinikilig na ewan. May malisya ang pag-offer nito. Kaya no thanks na lang.
Bumalik tuloy ito sa mga kasamahan namin.
Ilang minuto na'y parang wala pa ring balak huminto ang ulan. Nang may dumaang sasakyan at huminto pa sa tapat namin ay nagkatinginan kami ni Joyce.
Bumukas ang bintana. "Sumabay ka na, Joyce," yaya ng boss namin sa babae.
"Sige po, boss," tugon ni Joyce.
Sinulyapan ako nito. "Malapit ba sa palengke ang bahay mo?"
"Lagpas ng palengke, Joyce."
"Boss, pwede nating isabay si Jenny?"
"Sure. Get in the car," agad na hinawakan ni Joyce ang kamay ko at hinila na patungo sa tapat ng backseat. Siya pa ang nagbukas. Tatanggi sana ako pero itinulak na ako nito para sumakay.
"Kayo?" dinig kong tanong ni Boss Emilio sa mga kasamahan naming lalaki.
"Boss, iba ang way namin," tugon ni J-Col. "Ingat na lang po."
Si Joyce ang pumwesto sa passenger seat at habang nagse-seatbelt kami ay pinausad na ni Mr. De Magiba ang sasakyan. Bumusina pa ito sa mga naiwan naming kasamahan.
Medyo may baha paglabas namin sa malaking gate. Pero hindi naman iyon nakapigil sa pagbiyahe namin.
"Joyce, sabi ni Lola ay inform mo raw ang Lola mo na dumaan sa bahay. Dumating na raw iyong mga in-order niyang pantulog na damit pero hindi pa naihahatid sa bahay."
"Sige, boss. Nakita ko nga sa bahay iyon, hindi pa pala naihatid ni Lola. Kung hindi man maihatid ni Lola ay ako na lang ang maghatid."
Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang ako sa backseat. Ramdam kong pasulyap-sulyap ang boss sa salamin ng sasakyan at nahihiya ako roon.
"Are you okay, Jenny?" biglang tanong ng lalaki, napansin na pala ang pananahimik ko.
"Opo, sir."
"Mahiyain ata, boss," komento ni Joyce saka ito napabungisngis.
"Hindi naman, Joyce. Hindi ko lang alam ang pinag-uusapan ninyo," ngumiti pa ako sa mga ito at saka muling tumingin sa bintana. First time kong nakasakay sa ganito kagandang sasakyan, malamig, at nakaka-conscious. Feeling ko'y nadudumihan ko ang lapag.
Nakalagpas na kami sa palengke. Abang na abang na akong magpara.
"Para po! Sa tabi na lang," seryoso ko pang ani. Ang lakas ng naging tawa ni Joyce. Takang napatingin naman si Sir Emilio sa akin. Pero iginilid naman nito ang sasakyan.
"Parang nasa jeep lang, Jenny," dahil sa side comment ni Joyce ay na realize ko ang nagawa ko.
Oo nga, para po?
Nang huminto ang sasakyan ay akma kong bubuksan sana iyon pero naka-lock pa ang pinto.
"Joyce, stay here. Jenny, saan banda ang bahay mo?"
"Po?"
"Malakas ang ulan, hatid na kita," napasulyap ako kay Joyce.
"Okay, boss. Dito lang po ako." Unang bumaba si Sir Emilio na may pulang umbrella na binuksan. Gumilid ito patungo sa pinto sa backseat at binuksan iyon.
"Tatakbo na lang po ako---"
"Mababasa ka lang, let's go," nang bumaba ako ng sasakyan ay agad umalalay sa likod ko ang lalaki para makabalanse nang maayos. Hiyang-hiya ako sa pagkakalapit namin nito pero no choice na dahil mas lumakas pa ang buhos ng ulan.
"Is it okay kung hawakan kita?"
"Po?" nagtanong pa lang pero umakbay na ito. Mas dumikit tuloy ang katawan ko rito. Hindi ako nababasa, siya oo. Pero wala nanang reklamo ang lalaki hanggang sa nakarating kami sa bahay na inuupahan namin nila nanay.
"Mamaaaa!" tili ni Troye na nakasilip pala sa bintana. "Mama, papa 'yan? Si papa iyan, mama?"
Parang gusto kong lumubog sa kahihiyan dahil sa isinigaw ng bata. Halata mong naghahanap ng ama.
"Sorry, sir," nahihiyang ani ko.
"That's your child?" tanong nito sa akin.
"Opo, sir." Nakapasok na kami sa gate.
"Papa ko iyan, mama? Lola! Lola, nagdala si mama ng papa. Pasalubong niya sa akin."
Sa mga oras na iyon ay parang gusto ko na lang lumubog sa labis na hiya. Nakasilong na kami at hinihintay na lang na bumukas ang pinto.
"May pasalubong na papa ang mama mo?" takang ani ni nanay saka binuksan ang pinto. "Aba'y oo nga!" sumilip sa pinto ang anak ko. Ang lawak ng ngiti nito.
"Nay, boss ko po. Hindi po siya pasalubong. Nakisakay lang ako sa kotse ni sir at inihatid ako rito dahil walang tigil ang ulan," mabilis na paliwanag ko sa aking ina. Hiyang-hiya ako kay sir.
"I'm Emilio De Magiba, 'nay," magalang na pakilala ng lalaki.
"Pasok kayo---"
"Hindi na po. Inihatid ko lang po ang anak ninyo. Walang payong. May kasama rin po kami at naiwan sa car. Kailangan kong balikan agad."
Nang narinig ni Troye iyon ay gumuhit ang lungkot sa mukha nito.
"Troye, anak---"
"Akala ko may pasalubong na akong papa. Lola, gusto ko ng papa. Gusto ko ng papa," umiyak na ito.
"Pasensya ka na, sir. Salamat po sa paghatid," hindi ako makatingin dito. Nahihiya ako.
"Welcome, Jenny."
Binuhat na ni nanay ang anak ko. "Heay, buddy!" kuha ni Sir Emilio sa atensyon ni Troye.
"Po?"
"Bukas sama ka kay mama mo sa work. Let's play there---"
"Sir!" ani ko na nagulat sa sinabi nito. Kahit tatlong taong gulang pa lang ito ay matalino ang anak ko. Nakakaunawa na ito sa mga sinasabi ng mga tao.
"See you tomorrow, kiddo!"
"Sir!"
"Bye, Jenny!" ani ng lalaki saka tumalikod na at naiwan kami nila nanay na tulala.
"Hija, boss mo iyon?"
"Opo, 'nay! Dalhin ko raw si Troye bukas, 'nay?" ani ko na hindi sigurado sa narinig ko.
"Oo raw, 'nak."
"Sama ako, mama, ah! Iyak si Troye 'pag 'di sama!" singit ng batang may luha man sa mata pero ang laki nang pagkakangisi niya. Parang biglang sumakit ang batok ko.