Chapter 5-Restaurant

1000 Words
"Kung girlfriend okay lang may pag-asa ka pa. Pero kung may asawa na 'di okay iyon kasi siguradong kabit ang kahahantungan mo," prangkahang sabi ni Jig. "Kung magiging kabit man lang ako, TF. Magpakatandang dalaga na lang ako hindi pa sakit sa puso." "Tama! Kaya kilalanin mo muna iyong lalaki, TF. Huwag magpakatanga at dapat alerto ka rin mahirap na baka maisahan ka," Jig said. KINAHAPUNAN unexpected na may naghihintay pala sa paglabas ni Maica. Nagulat na lang silang pareho ni Jig nang may biglang nag 'Hi' sa kanilang likuran. At sabay ang dalawang lumingon, ayon na naman si Maica, na tameme na naman at halos mabingi na naman sa tambol ng kanyang puso. Lalo na't may dalang mga rosas na naman ang lalaki at hindi lang iyon dahil may kasama pang chocolate. "For you..." anang lalaki. Tulala si Maica at nakatitig sa mukha ng lalaki at hindi niya napansin ang pag-abot ni Juwi sa kaniyang offering. At si Jig ang nahihiya sa inasta ng kaniyang kaibigan. Dahan-dahan niyang sinarado ang bibig ng kanyang TF. Dahil nakanganga ito at kulang na lang na tumulo ang laway niya. "For you daw!" pukaw ni Jig sa kaniya sabay siku nito. "H-ha?!Ahhh... s-sorry!" kandautal niyang sagot sabay tanggap niya sa bigay ng lalaki. "Thank you!" mahina niyang sagot na halatang nahihiya. Nagsipalakpakan naman ang mga nakakita sa kanila at kinikilig sa eksenang iyon. "Wow, so romantic!" sabi sa isang dalaga na napahanga sa effort ng lalaki. Lalong kahanga-hanga ang dating ni Juwi, dahil naka-police-uniform ito at super formal ang dating niya. "Ako pala si, Juwi Palinos." Pagpakilala nito sabay lahad sa kaniyang kamay. "I'm, Maica Soriano, and she's my best friend Jig Godinez," pagpakilala naman niya. "How are you?" tanong ni Juwi kay Jig, sabay lahad sa kaniyang kamay. "I'm good!" tugon nito. "Ahhh... Can I ask something?" Maica said. "Yeah sure," anang lalaki at nakangiti ito. "Ummm... ikaw ba ang naghatid sa ID ko?" "Oo, napulot ko last night sa bus." "I see, thank you again," aniya na may saya sa kaniyang pakiramdam. "Welcome! Anyway nagmadali ba kayo?Baka puwedeng yayain ko kayong kumain sa labas. TUMINGIN si Maica sa kanyang TF, kung papayag ba ito. Tiningnan ni Jig ang kaniyang relo, maaga pa naman kaya pumayag ito para masamahan ang kaibigan. "Sige, okay lang sa akin. How about you, TF?" tanong ni Jig. Ayaw naman talaga sana niya ngunit gusto lang niyang pagbigyan at pasayahin ang kaibigan. Dahil ito na ang simula para makilala nila ng husto ang lalaki. "Okay lang rin sa akin," tugon rin ni Maica na may ngiti sa labi. "Thanks!" anang lalaki sa kanilang dalawa. Magkasama ang magkaibigan sa iisang motor. At si Juwi ang nauna 'Big Bike' ang motor ni Juwi, kaya sosyal tingnan. Hanggang sa huminto ito sa isang native restaurant, pumarada naman si Jig sa tapat ni Juwi. Pagbaba ni Maica ay agad siyang inalalayan ng lalaki at sabay kuha nito sa kaniyang shoulder bag. At ito ang nagdala hanggang sa loob ng restuarant. Pagdating nila sa table ay agad naman silang inalalayan ng lalaki at ito ang humila sa kanilang inuupuan. "Thank you, Juw." Jig says. "Thank you..." sabad naman ni Maica. "Ito menu pili na lang kayo, "anang lalaki pagkatapos niyang ibigay. "Salamat," sabay na sabi ng dalawang babae. Pagkatapos makapag-order ang tatlo ay nagkukwentuhan muna ang mga ito. Pero sa mga sandaling iyon ay hindi talaga maiwasan ni Maica ang kiligin lalo na ngayong magkaharap pa sila ni Juwi. "Ahhh... Juw, nakaintindi ka ba ng bisaya?" tanong ni Jig. "Gamay lang..." sagot nito ang ibig sabihin ay (konti lang). Tumawa naman ang magkaibigan "Ahhh... magtagalog na lang tayo para hindi ka mahirapan," ani Jig. "Tagasaan ka Juw," tanong ulit ni Jig na daig pa ang imbestigador ng bayan. Bilang best friend ni Maica ay gagawin niya iyon para sa ikakabuti ng kaniyang kaibigan. Dahil ayaw niya itong mapahamak at masaktan sa bandang huli. "Actually, taga-Baguio ako pero dito lang ako naka-asign." He said. "Hmmm... binata ka na man ba? dagdag pa nito. "Yes, bachelor and not yet married." Sa pagkarinig ni Maica ay mas lalo itong kinikilig. "Are you okay, Mai?" tanong ni Juwi sa kaniya dahil sobrang tahimik nito. "H-ha? O-yes. Okay lang ako," kandautal niyang tugon at na parang nahihiya. "Maica, huwag kang magpahalatang kinikilig ka. Pakipot ka naman ng konti!" bulong niya sa kaniyang sarili. Hanggang sa dumating na ang kanilang mga order at nagsimula na silang kumain. Lalo namang kinilig si Maica sa ginawa ni Juwi, dahil panay ito abot sa kaniya ng mga pagkain. At ito pa ang naglalagay sa kaniyang plato kulang na lang na subuan siya. Si Jig naman ay nakiramdam lang sa ginagawa ni Juwi, at sa unang pagtatagpo nila ay napahanga naman siya sa ipinakita ng lalaki at umaasa na tunay ito at hindi magbabago sa kalaunan. "May day off kayo?" tanong ni Juwi. "Yeah, mayroon every saturday," tugon ni Maica. "Good, puwede ko ba kayong ma-invite minsan for outing," he said. "Sure!" sagot ni Jig. "Puwede naman, pero hanapan mo rin ng magiging partner itong, TF, ko..." sabat ni Maica. "Naku! Kahit wala na okay lang, huwag kang maniwala sa kaniya nadadamay lang 'yan," turan ni Jig sa lalaki. "Okay lang, sige next time isasama ko ang kaibigan," tugon nito at nakangiti ito. HANGGANG sa matapos silang kumain at nagyaya na si Jig na uuwi dahil may pasok pa sila kinabukasan. Habang nasa biyahe na sila ay hindi nila maiwasan na mapag-usapan ang lalaki. "TF, ano sa tingin mo kay Juwi? Nagsasabi ba siya ng totoo?" tanong ni Maica. "Hmmm... parang totoo naman siya, TF." "Ang sweet niya, TF. In love na yata ako," aniya na ini-imagine pa ang mukha ng lalaki. "Hoy! Kapagmanligaw huwag mong sagutin agad, ha. Dapat pakipot ka konti para hindi iisipin ng lalaki na easy girl ka." Payo niya sa kaibigan. "Opo! Basta kapagnanligaw siya ikaw unang makakaalam."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD