Chapter 4-Three Roses

1019 Words
THREE MONTHS LATER Dahil hindi nakapasok si Jig sa araw na iyon dahil may lagnat ito. Napilitan na mag-bus si Maica, at nagkataon pa na araw ng Biyernes. Kaya marami ang mga nagsi-uwiang estudyante, idagdag pa ang malakas na ulan. "Haisstt! Pagmalasin nga naman, oh!" Pagmamaktol niya habang nakatayo ito sa pilahan ng mga pasahero ng bus. At si Juwi naman ay nandoon rin pala nakikipila sa harapan. Papunta kasi ito sa Villanueva, dahil kaarawan ng kaniyang kasamahang pulis. Dahil sa lakas ng ulan nagbus rin ito. Hanggang sa may bus ng dumating at unang nakapila ang lalaki kaya nakaupo siya. At si Maica naman ay panghuli na siyang nakasakay kaya nakipagsiksikan ito sa mga pasaherong nakatayo. Nakita pala siya ni Juwi, dahil nasaharapan siya at ang lalaki naman ay nasa likurang bahagi. "She looks familiar," bulong ng kaniyang isip at agad naman niya itong natandaan. "Siya nga!" dagdag pa niya at bigla na lang siyang nakaramdam ng saya. "Psittt! Psittt!" Paulit-ulit niyang sitsit sa dalaga. Lumingon naman si Maica nang marinig niya sa sitsit sa kanyang likuran. Agad naman siyang sininyasan ng lalaki na ipapaupo. Sa pagka-alala niya sa mukha ng lalaki ay agad namang nagtambol ang kaniyang puso. Na pakiramdam niya ay mabibingi siya sa lakas ng tambol nito. "My God!"anang isip ni Maica, at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ng lalaki. Tumayo naman si Juwi para makaupo si Maica. "Thanks!" aniya na medyo nahihiya pa. Instead na mag-welcome ang lalaki ay isang nanakabaliw na ngiti ang kaniyang tinugon. "Goshhhh—Oh—My!" ani Maica sa kaniyang sarili. Na halos himatayin na ito sa kaniyang kinauupuan dahil sa sobrang kilig. Gusto sanang tanungin ni Juwi, kung ano ang pangalan nito kaso nahihiya siya dahil nasa tapat ng bintana ang babae. Hanggang sa kinulikta na nang kundoktor ang kanilang pamasahe. Sa pagdukot ni Maica sa kaniyang pera mula sa loob ng bag ay hindi niya napansin ang pagkahulog ng kaniyang I'D sa hotel. Pagbaba niya sa Tagoloan ay agad namang bumalik si Juwi sa pagkaupo. Nakababa na ang babae nang masipat ni Juwi ang kaniyang I'D sa sahig, habulin sana niya ito. Pero nakaalis na ang bus tiningnan niya ang pangalan na nakasulat at doon niya nakilala ang babaeng nagpapagulo sa kaniyang isip "Hmmmm... Maica Soriano ka pala, ha!" usal niya sa pangalan ng babae na halatang kinikilig. KINABUKASAN maagang gumising si Juwi upang ihatid ang I'D ng babae sa kaniyang pinapasukan. Hindi naman ito kalayuan sa kanilang headquarters kaya idadaan muna niya ito. Bago siya magtuloy sa Marco Hotel ay dumaan muna ito sa isang flower shop para bumili ng tatlong rosas. Ewan ba niya kung bakit naisipan niyang bigyan ang babae. Sa pagkakaalam niya ay hindi naman siya sweet at hindi mahilig sa effort. Pagdating ni Maica sa hotel at papasok na sana siya nang tawagin ito ng guwardiya. "Ms., Maica!" "Bakit?" "May nagpapabigay sa iyo," sabay abot ng guard sa tatlong pulang rosas at may kasamang maliit na card at may nakasulat. 'OPEN' Agad naman niyang binuksan at nakita niya ang kaniyang I'D at napaisip siya agad. Nakaramdam ng kilig si Maica, because for the first time in her life ay ngayon pa na may nagbibigay sa kaniya ng rosas. "Oh— goshhh! Oh— may— gulay..." tili niya dahil sa sobrang saya. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay naglalakad siya sa alapaap. Hanggang sa nakarating siya sa kaniyang desk na panay pa rin ang kanyang singhot sa bulaklak. Kung titingnan mo ito ay parang rugby girl. Hindi man lang napansin ni Maica ang kaniyang true friend na nakaupo sa kaniyang puwesto. Dahil ang kaniyang atensyon ay nasa tatlong rosas. "Ehemm!" tikhim ni Jig, ngunit parang wala pa rin itong narinig. "Hmp! Ganyan ka pala, ha..." pagtatampong sabi ni Jig sa sarili. At kinuha nito ang dalawang bote ng softdrink na sa ilalim ng kaniyang lamesa at itinapat niya ito sa tainga ni Maica sabay bagting sa dalawang bote. "Ayyy!" sigaw nito at halos ikabingi ni Maica ang tunog ng bote "Shiiiiit! Ang sakit naman noon, TF!" Napamura na wala sa oras si Maica, dahil sa labis-labis niyang pagkagulat. At nabitawan ang tatlong rosas sabay naman hawak sa kanyang tainga. Humalakhak si Jig bago nagsali. "Gigil ako sa iyo, eh! Hindi mo ako pinapansin dahil lang sa flowers na 'yan!" aniya at panay pa rin ang tawa ni Jig. Kahit ang mga kasamahan nilang nakakita sa kanila ay nagtawanan rin. "Oh Ano? Nagising ka na? Hindi mo man lang napansin na dito ako. Kahit tinawag na kita hindi mo man lang marinig, " panunumbat ni Jig. "Eh... Kuwan kasi! Ano kas— Naaa... Tf, ang rosas kooo..." kandautal niyang sabi sabay pulot sa tatlong bulaklak na nagkalat sa sahig. Napailing-iling naman si Jig, dahil sa pagiging lukarit ng kaibigan. "Saan ba kasi galing 'yan?!" asked Jig. "H-hindi ko alam," wala sa sariling sagot ni Maica. "TF, tumigil ka nga sa kagagahan mo! Kinikilig ka ng ganyan, eh, hindi mo nga alam kung saan galing." "Malakas ang kutob ko sa kaniya ito galing, eh!" tugon niya na niyayakap na naman ang rosas. "Sinong sa kaniya?" pagtatakang tanong ni Jig. "Basta sa kaniya! Hindi ko kilala ang pangalan niya, pero kilala ko ang mukha." "Sino nga—siya?!" inis na tanong nito. "Si fafa, TF! 'Yung sa beach... si fafa-abs!" aniya na kinikilig pa. "Nagkita kayo ulit?" gulat niyang tanong. "Absolutely, yes!" "Hindi nga, TF?" "Yes nga, eh!" "Kailan kayo nagkita?" "Kagabi nagkasabay kami sa bus. Imagine, TF, tinawag niya ako para paupuin at siya ang tumayo. Graveh, TF!Ang gentleman niya... emmmm..." kilig na kilig si Maica, habang nagkukuwento sa kaibigan. At nadala na rin sa kilig factors si Jig "Wow... unbelievable. Baka siya na si Mr. Right mo," masayang sabi niya. Ang saya at ngiti ni Maica ay biglang napalitan ng kalungkutan at inilapag niya ang rosas sa kaniyang desk sabay titig niya rito. Napansin naman siya ng kaibigan na bigla itong na-moody. "Oh bakit?" pagtatakang tanong ni Jig. "Hmmm.....baka kasi may asawa na iyong lalaki o baka may girlfriend na siya," walang kasiguraduhan niyang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD