Pagkatapos masabihan ni Jig ang katiwala ay umalis na sila ni Oliver. Ang nobyo na ang nagmaneh at habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe ay tinawagan naman ni Jig ang kaniyang ina na pauwi siya at kasama si Oliver. Nagluto naman ang Mama ni Jig nang masasarap na hapunan at ipinahanda rin nito ang guest room para kay Oliver. Natuwa naman ang kaniyang pamilya na uuwi si Jig. Dahil mula nang maipatayo nila ang restaurant ay weekend nalang ito umuwi. Masaya ang dalawa habang nasa biyahe ang mga ito may kulitan at kantahan pa sila habang ang isang kamay ni Oliver ay nakahawak sa kamay ng nobya at panay ang halik nito. "I love you!" sabi ni Jig at gumanti rin ito sa paghalik sa kamay ni Oliver bilang pagrespeto nito. "I love you more and more labhe!" tugon naman ni Oliver sabay kindat at

