Napangiwi si Jig nang mahawakan ng binatilyo ang linta at si Oliver nama ay nanigas ang katawan habang tinatanggal ang linta sa kaniyang mukha. Malakas na napabuntong-hininga si Oliver nang maalis na ito. Gustong mapahagalpak nang tawa si Jig, subalit pilit niya itong pinigalan. Sapagkat naawa siya sa nobyo dahil nakikita niya ang malalaking butil ng mga pawis sa mukha nito. Tumuloy ang dalawa sa pag-uwi at sa pagkakataong iyon ay si Jig na ang nagamaneho sa bisikleta. Masyadong mabigat si Oliver kaya sa harapan siya pinaupo at nasa kandungan siya ng nobya. "Labhe, dahan-dahan lang ha," bilin niya dahil natatakot siyang mahulog na naman sila. Mas gustuhin pa ni Oliver na tatalon siya kasama ang kaniyang motor sa naglalakihang bundok huwag lang sa kanal. Habang paalis ang dalaw

