"It's okay, maliit lang naman ito," sabi niya kay Oliver, dahil ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Kinuha niya ang panyo at siya na ang humawak. DAHIL doon ay nahinto ang kanilang laro at napunta na naman sa kaunting tagay. Nakaikot silang lahat sa malaking apoy at sa pagkakataong iyon ay magkatabi na sila sa kanilang mga partner. mayroong naggigitara at may kumakanta naman. "Nilamig ka ba, mahal ko?"tanong ni Juwi sa kanyang nobya. "Hindi naman masyado mahal," tugon niya sabay sandal sa balikat ng lalaki at tumugon naman si Juwi ng yakap. "Kumikirot ba ang sugat Jig?"pag-alalang tanong ni Oliver. "Medyo, pero huwag mo na kasing isipin gasgas lang ito," turan niya. Hanggang matapos ang dalawang gabi nilang outing at ready na sila sa kanilang biyahe. "Ako na ang mag-drive," alok ni