"M-mahal ko ..." pag-alinlangang sambit ni Juwi, na gustong pumatak ang kaniyang mga luha. "Hindi kita kilala! Waiter?!" tawag ni Maica. Lumapit naman ang kaniyang tinawag. "Yes, ma'am?" "Two bottle of SamMegLight please!" aniya. "Okay po, ma'am." "Paki-bilisan please!" "Right away, ma'am!" Patakbong tinungo ng waiter ang counter bar at agad itong bumalik na may dalang bote ng beer. "Here's your order, ma'am!" "Thanks!" Samantala si Juwi at Oliver ay nanatili pa ring nakatayo. Kung si Juwi ay panay titig kay Maica, at si Oliver naman hindi maipinta ang mukha. Kung nakatingin lang si Jig sa mga mata nito ay siguradong mapapaso ito sa apoy ng titig ni Oliver. Tutungga na sana si Maica pero agad pinigilan ni Jig ang kaniyang kamay. "TF!" aniya, pero ayaw magpapigil ang kaibigan.

