"Ano ang kailangan mo?" tanong ng babae. "Kumusta na ang anak natin?"balik tanong ng lalaki. "Ang kapal ng pagmumukha mo Nikko! Pagkatapos mo kaming talikuran ng anak mo may gana kapang magtanong ngayon?!" "I'm sorry, naduwag lang ako noon dahil alam mo naman na may asawa ako." "Kung alam ko lang noon na hindi mo pala kayang panindigan ang iyong mga masasarap na salita ay hindi na sana kita pinatulan!" "Nasaan ang anak natin?" "Wala kanang anak!Dahil inako na siya ng iba at dala niya ang apelyido ng anak mo!" Sa mga sandaling iyon ay parang gusto na ni Jig na magwala dahil sa kaniyang mga naririnig. Hanggang sa hindi na nakaya ni Jig ang kaniyang galit at tumayo siya sabay harap sa babae. Dalawang sunod-sunod niyang sampal at nagulat naman ang babae na sapu-sapo ang kaniyang magka

