"Damn!" Sabay sampal ni Juwi, ngunit agad naman siyang pinigilan sa ama ni Maica. "Bakit Kettylyn?! Bakit ako pa?! Sinira mo ang pangarap namin Kett! Sinabihan na kita noon na ikakasal na ako!Bakit?!" bulyaw ni Juwi sa sobrang galit. "I'm sorry, hindi ko naman alam na hahantong sa ganito." Ngunit walang ni isa ang gustong magpapatawad sa kaniya. "Umalis ka! Lumayas ka sa harapan namin baka hindi ako makapagpigil at mapapatay pa kita! LAYAS!" pagtataboy ng ama ni Maica. PATAKBO namang lumabas si Kettylyn dahil na rin sa kaniyang sobrang hiya at takot. "Salamat Jig, at buti na lang nahuli mo." "Siguro ito ang way ni God para matapos ang sakripisyo ninyo ni Maica," turan ni Jig. NANATILI pa rin si Maica sa hospital at tatlong linggo na itong naka-confine. Wala pa ring pagbabago sa

