Kaba, Lungkot at Hinagpis ang nararamdaman ni Jig sa mga sandaling iyon, at ganoon rin ang pamilya niya. Hindi na dumalo si Jig sa awarding si Juwi at ang kaniyang ama na lang ang pinapatanggap sa kaniyang premyo, sapagkat sumama siya sa pagdala kay Oliver sa hospital. "Labhe, lumaban ka huwag na huwag kang bumitaw. Alalahanin mo na malapit na ang kasal natin," saad ni Jig at hinawakan niya nang mahigpit ang palad ng kaniyang nobyo. At walang tigil ang pagpatak ng kaniyang mga luha. "Anak ... Oli, huwag kang mawawala sa amin ng Papa mo. Hindi namin kakayanin anak..." anang ina nito at biglang humahagulgol. Hinawakan ni Jig ang kamay ng ina ni Oliver, upang palakasin ang kaniyang loob. Hanggang sa makarating na sila ng hospital at agad itong isinugod sa operating room. "Ma'am, hangg

