"HEY, man! Aba'y kahit kapatid kita kung binabastos mo ang mga bisita ko ay hindi kita patatawarin!" Dahil na rin sa kabiglaan ay napalakas sng boses ni Victoria Katherine sa kapatid na bunso. "At mas wala akong pakialam kahit itakwil mo ako, Ate. Dahil kasalanan ng babaeng iyan kung bakit nawala ako sa London ng mahigit pitong taon!" Ganti ring sigaw ng binata. Dahil dito ay naipon ang mga nagsidalo sa kaarawan ng dating navy officer. Dahil na rin sa kahihiyang nadarama ni Isabella sa pagkakataong iyon ay niyakap na lamang niya ang mga anak. "ANO'NG ginagawa mo rito, babaeng manloloko?" salubong na tanong ni Pierce Matteo sa taong ilang taong pinangarap makitang muli. Nais man niyang bawiin ang sinabi ay wala na rin silbi. Kitang-kita na niya ang pagguhit ng walang kasing sakit sa m

