"HINDI ko tuloy alam ang unang manunulas sa labi ko, anak. Walong taon simula bigla kang naglaho rito sa Madrid at ngayon ay basta ka ring dumating. How have you been all these years, Isabella?" hindi magkandatutong tanong ni Leonora sa pamangkin na mas bata pa sa panganay na apo. "I-im so sorry, Mama. Wala po akong maidahilan. Dahil totoo namang basta ako nawala," tugon ng dalaga. "Tama ba ako, anak? Si Pierce Matteo ba ang ama ng mga batang ito? Ah, kahit ikaila mo pa ang katotohanang iyan ay ako mismo ang nakakakilala sa kanila," wika naman ni Grandpa Aries Dale. Dahil dito ay napatingin si Isabella sa tiyuhin. Ngunit dali-dali ring nabaling sa tatlong bata ang paningin. Napangiti siya sa unang pagkakataon sa loob ng ilang araw. Kadarating lang nila kung tutuusin. Ngunit kaagad nakap

