CHAPTER SEVEN

1367 Words
"IKAW na babae ka, aba'y marami na tayong mga apo pero mukhang ngayon pa umurong ang isipan mo ah," ani Aries Dale sa second cousin na dunalaw sa Madrid. "My dearest, maari bang ayus-ayusin mo ang iyong pananalita kay Sis Claire? Baka naman mag-ayaw kayong magpinsan dahil sa paraan mo?" Paninita tuloy ni Leonora. Kaya naman ang dumalaw na si Claire ay nagwika. Well, kung sa kanilang magpinsan ay wala namang problema. Dahil ganoon talaga sila mag-usap-usap. Kahit nga ang pinsan nila sa Cameron o ang Doctor na si Enrico ay ganoon. Kaso ang hipag nila ay mukhang hindi pa rin nasanay sa ganoon. "Sis Leonora, kagaya ng sabi ni insan ay marami na tayong mga apo. Ngunit parang hindi ka pa nasanay sa kaniya. Mas malala pa iyan sila ni pinsan Enrico at tiyuhin nilang kaedaran natin. Kaya't huwag mo akong alalahanin. Dahil sanay na ako." "Pinsan, hindi umurong ang isipan ko kundi tumigil pansamantala. Dahil aminado akong hindi pumasok sa aking isipan ang bagay na iyon. Sa paggamit pa lamang ng kapreng iyon sa surname ko imbes na gamitin ang Miller ay ibang usapan na." Pinaglipat-lipat ni Claire ang paningin sa pinsan at hipag. Ayaw din naman niyang masamain ng huli ang ganoong pananalita ng asawa nito sa kaniya. Dahil talagang ganoon silang magsalita. "Iyon na nga pinsan. Noong dinampot ng Madrid Police si Pierce ay nalaman ko ng Smith ang pagpakilala kay Isabella. Hindi ko man alam kung paano sila nagkakilala. Ngunit hindi maaring ipagsawalang-bahala ang ill-fated ties ninyo ni bayaw Marcus," muli ay wika ni Aries Dale. Sa pagkakataong iyon ay si Martin Luther naman ang nagwika. "Kung personal grudge lang sana ay walang problema. Kaya naming mag-asawa na kalimutan ang tungkol doon alang-ala sa dalawang tao. Ngunit kung si Mr Lopez mismo ang gagawa ng hindi kaaya-aya at labag sa batas ay talagang salungat kami," anito. "Pero, bayaw, aware ba kayo na mas matanda si Isabella kaysa kay Pierce? Almost eleven years, by the way. Thirty-five na ito. Samantalang twenty-five ang binata?" ilang sandali pa ay pahayag ni Aries Dale. Kaso! Sa narinig ay napamulagat si Claire. Hindi niya sukat akalaing malaki ang agwat ng dalawa. Ang alam lang niya ay apelyido niya ang mali. "That boy is really unpredictable! Hah! Pinanindigan na talaga ang pagka-bipolar! Dinala pa rito sa Madrid ang katigasan ng ulo! Susme!" Kulang na lamang ay sapakin ang kaharap dahil sa narinig! "Age doesn't matter kako sana, Sis Claire. Dahil talaga namang applicable iyan sa ating lahat lalong-lalo na sa pag-ibig. Ngunit iba naman kasi ang kaso nina Pierce Matteo at Isabella. Mas mabuti siguro kung ibang tao ang ama ng pamangkin kong iyon. Kahit pa mas higit sa sampung taon ang pagitan as long as hindi saklaw ang nakaraan. They are both pitiful people." Malungkot na pahayag ni Leonora. "Yes, Sis Leonora. Kagaya ninyo ni bayaw ay hindi kami nakikialam sa personal na buhay ng mga anak namin. Sa katunayan ay sinabi na ng asawa ko na kung gustong pakasalan ni bunso ang kasintahan. Dahil wala naman talaga kaming balak humadlang." Hindi na rin napigilan ni Martin Luther ang muling sumabad. Dahil na rin sa seryosong usapan ng dalawang pamilya ay hindi na nila nalaman na nandoon ang kasintahan ng kapre na menopausal baby at dungeon king. "WHERE have you been, Isabella? Hindi mo naman ugali ang magpagabi sa labas. Kaya't sabihin mo kung saan ka nanggaling!" Kasing-dilim ng gabi ang mukha ni Mr Marcus Lopez. Dahil kailanman ay hindi ginabi sa labas ng mansion nila ang bunsong anak. Kaso mas nagdilim pa ang mukha niya dahil imbes na sagutin siya ay nagtanong. "Ano ang kasalan ng mga Miller sa iyo, Daddy? Bakit ganoon na lang ang pagpursige mong kalabanin sila? May nilabag ka ba sa batas ng bansa natin? Ano, Daddy?! Ano pa ang malalaman ko sa ibang tao!" malakas nitong sabi. Dahil sa kabiglaan ay ay basta na lamang dumapo ang palad niya sa pisngi ng anak na kailanman ay hindi nagawang saktan physically. SAMANTALANG ilang sandali ring hindi nakaimik si Isabella. Dahil bukod sa nanunoot na sakit ng mukha dulot ng natamong sampal mula sa ama ay hinamig din niya ang sarili dahil sa pagtabingi. "Iyan lang ba, Daddy?! Bakit? Iyan ba ang dahilan kung bakit ipinagtulakan mo akong magtungo sa presinto noon? Ikaw ang may kasalanan sa pagkakulong ni Pierce Matteo ng araw na iyon! Kahit magkaila ka ay nalaman ko sa ibang tao! Ano, sasampalin mo akong muli? Go ahead, Daddy! Dahil diyan ka magaling! Ang mani-obrahin ang buhay ng may buhay!" Hindi siya palasagot na tao. Malaki ang takot niya sa mga mas nakakatanda sa kaniya. Lalong-lalo na ang mga magulang at kapatid. Subalit sa pagkakataong iyon ay talagang nawala ang lahat ng takot sa sistema niya. Ngunit sa tinuran niyang iyoj ay mas nagalit ang ama. Sa katunayan ay hindi lang iisang sampal ang napala mula rito kundi marami. Kulang na lamang ay suntukin at tadyakan siya. Pero hindi niya iyon hahayaang mangyari lalo at dala-dala niya ang anak nila ng kasintahan. "Lock her up in her room! Huwag n'yong hayaang makalabas ng wala akong permission. Sa akin kayo mananagot oras na mangyari iyon!" "Ikaw, Imelda. Sa apat nating anak ay ang babaeng iyan ang sakit ng ulo ko! Kaya't sa ayaw at sa gusto mo ay ikaw ang mananagot oras na makatakas siya!" Dinig pa niyang sigaw ng ama sa mga katulong at inang hindi na nakaimik. Ngunit hindi na niya iyong pinagtuunan ng pansin. Dahil ang sa isipan niya ay kung ano ang gagawin upang makaalis sa poder ng mga magulang. "MAYROONG trabaho ang anak natin, Marcus. Kung ano man ang dahilan at bigla itong nagkaganyan ay kausapin mo ng maayos. Walang ibubunga kung panaigin mo ang init ng iyong ulo," sagot ng Ginang makalipas ng ilang sandali. "Huwag mo akong salungatin, Imelda. Dahil ginagawa ko ito para rin sa kinabukasan nilang magkakapatid. Siya ang bunso pero siya rin ang naiiba ang katigasan ng ulo!" Mula sa malumanay na pananalita ay naging mabalasik ulit ang tinig ni Mr Marcus Lopez. "Okay, Mi Amore. Ngunit sana ay hayaan mo siyang makapagtrabaho. Isang secondary educator ang bunso natin. Kaya't huwag mo sanang hayaang masira ang record sa peopesyong tinahak," saad muli ng Ginang. Lumipas ang ilang sandali na wala siyang mahintay na sagot mula sa asawa. Kaya't hinayaan na lamang niya. Mainit pa ang ulo nito kaya't sa ibang pagkakataon na lamang niya kakausapin tungkol sa bunso nilang anak. 'Kung ang panahon nga ngaman ang maglaro sa mga tao. Mortal na magkaaway sina Marcus at magulang ng kasintahan ni Isabella. Sila tuloy ang naiipit. Wala rin naman akong magawa upang pigilan sana ang asawa ko,' bulong na lamang niya habang papalayo sa asawang hindi mabasa kung ano ang nasa isipan. UNITED KINGDOM "Ano ngayon ang plano mo, anak. Hindi lingid sa iyo kung bakit magkaaway ang Lopez at Miller," isang araw ay tanong ni Claire sa bunsong anak. "Bipolar at ruthless ako sa imahe ng lahat, Mommy. Pero pinalaki ninyo kaming magkakapatid na may paninindigan. Maiksing-maiksi ang pasensiya ko sa lahat ng bagay. Ngunit may isa akong salita. Kailangan kong makausap si Isabella at aminin dito ang katotohanang middle name ko lang ang Smith. I want her to be my wife. Kahit sino man ang hahadlang ay wala akong pakialam." Wala namang masama sa magpakatotoo. Aminado siyang ilang araw ang pinalipas niya at hindi nagparamdam sa kasintahan. Kahit pa miss na miss na niya ito. Dahil napag-isip-isip niyang tama naman ang lahat. Mahal na mahal niya ito sa kabila ng agwat nila sa edad. "Okay, son. Since that you said by yourself, magsasalita rin ako bilang ama mo. Huwag mo ng ipagliban ang pagkausap mo sa kaniya. Matalino kang tao kaya't alam mo na ang iyong gagawin. Umaasa lang kami ng Mommy mo na gagawin mo ang tama. Alalahanin mong anak iyon ni Marcus Lopez," saad din ni Ginoong Martin Luther. "Yes, Daddy---" Kaso halos hindi pa niya natatapos ang pagsagot sa ama ay muling tumubo ang inis sa katawan. Dahil biglang sumulpot ang mga loyal at trusted men niya. Wala nga sanang problema sa bagay na iyon. Ngunit hindi naman kaaya-aya sa kaniyang pandinig ang ibinalita ng mga ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD