CHAPTER SIX

1347 Words
"ITO na nga ba ang sinasabi ko eh! Ang bipolar na iyon ay muling nakulot ang utak!" mariing wika ni Ginang Mary Claire "Ang masama lang ngayon, Mommy, ay baka mabaliktad ang sitwasyon. Baka siya pa ang maging mortal na kaaway ng gobyerno," saad pa ni Stanley na tinakbo yata ang pagitan ng sariling bahay at mansion o family house nila. "Parang hindi mo kilala ang kapreng iyon, anak. Maaring nagagalit ako sa kapatid mong iyon sa tuwing may nakakarating sa amin ng Daddy mo. Ngunit tandaan mong mas malala iyon kay Victoria Katherine. Oras na gawan nila ng problema ay siguradong sila ang gagawing ekspiremento." Tama! Tumaas na naman ang presyon niya dahil nagreport ang ilang tauahan ng bunsong anak. Kumulog at kumidlat daw ito. Ang masaklap ay ginamit pa nito si Amelia o ang high-tech motorbike! Dahil totoo naman! Pinag-uusapan pa lang nila ngunit kumilos na ito. "WALANG ganyanan, Mr Miller---" "Kung alam mong Miller ako, bakit binangga mo pa ang tulad ko? Sagot! Kahit kailanman ay wala akong nilabag na batas. Ngunit ano itong ibinato ninyo sa akin? Ano ba?! Sumagot kang hay*p ka!" Kulang ang salitang dumadagundong upang ilarawan ang tinig niya sa kasalaukuyan. Ngunit wala siyang pakialam. Dahil siya ang binangga. Siya ang bipolar at pinaka-ruthless sa kanilang magkakapatid. Pero kagaya lang nila na nagpapatawad. Subalit sa oras na iyon ay tuluyang nakulot ang curly at wavy hair niya. Pero paano nga ba makasagot ang kulang na lang ay magarutay dahil sa pagkuwelyo ng kapre? Kaso mas nagalit lamang ito dahil panay ang pagwawala nito. Tuloy! "Men! Archy! Nasaan ba kayong lahat? Ah, huwag kayong dumagdag sa sakit ng ulo ko!" sigaw ng binatang si Pierce Matteo. Dahil alam nilang galit ang kanilang amo ay nag-unahan silang lumapit. "Nandito kaming lahat, Master. Ano'ng maipaglilingkod namin sa iyo?" patanong na pahayag ni Archy. "Hindi ako nangangain ng tao pero kayo ng mga kasamahan mo ang una kong lulunukin kung hindi kayo umayos-ayos!" "Bantayan ninyong mabuti ang gag*ng iyan--- Mali! Pahirapan ninyo siya hanggang sa umamin. Siguraduhin ninyong mayroong kayong makukuhang impormasyon sa kaniya. At oras na hindi ako harapin ng lady boss ninyo ay mawawalan kayong lahat ng trabaho!" Boom! Ayon! Ang kapre este dungeon king ay talaga namang umaabot hanggang langit ang galit! "Bossing, kami na ang bahala sa traydor na ito. Kung gusto mo ay gamitan natin ng tortures. Well, legal naman tayong kumikilos. Kaya't may karapatan din tayo na magparusa sa mga nagkasala," wika ng isa o apo ng dating sniper ng mafia conqueror at isa rin ito sa sniper ng grupo sa kasalaukuyang henerasyon. "Siguraduhin mo lang, Eagle Eyes. Dahil hindi lang kaligayahan ninyo ang mawawala kung wala kayong mapala sa lintik na iyan." "Kayong lahat na nandito, lagyan n'yo ng glue ang inyong mga labi. Huwag hayaang makarating kina ermat at erpat itong kaganapan. Dahil kahit anong pagtutol ko kung sila ang magdesisyong tanggalin kayo ay wala akong---" Subalit ang pananalitang iyon ni Pierce ay pinutol na mismo ng mga hindi inaasahang makikita sa oras na iyon. "ANAK, kahit gawin namin iyan ay buong puso nilang susundin basta para sa iyo. Sa pag-aakala mo ba ay hindi namin iyan ginawa ng Daddy mo sa tuwing pinagtatakpan ka nila kapag wala ka rito sa London. Kaya't huwag mo ng isipin ang bagay na iyan. Masuwerte ang bipolar na tulad mo at nagkaroon ng loyal and trusted men like them. Pinakain mo siguro silang lahat ng iba't ibang dahon diyan sa labas. Kaya't ganoon na lamang sila kadikit sa iyo." "Mom?!" "Madam Miller!" Sabayan nilang sambit habang napatingin sa hindi nila namalayang pumasok sa dungeon. "Tsk! Tsk! Kung sa ibang pagkakataon siguro ay aasarin ko kayo. Ngunit dahil tuluyang nakulot ang bulbol ng amo ninyong bipolar ay saka na---" "Ikaw na matanda ka, abay kanina ka pa tawa nang tawa ah. Huwag kang magulo kung gusto mong maunat ang kulot-kulot na buhok sa kili-kili ng anak mong abot hanggang Pilipinas ang galit!" Ayon! Pero sa tinurang iyon ng Ginang ay ang mga tauhan ng binata ang napahalakhak. "Peace na po tayo, Madam Miller. Alam ko kung bakit napatawa ang mga kasamahan ko at si Sir Miller. Alam naman naming paiba-iba ang moods ni Master PM. Kaso isinali mo naman kasi ang bulbol at buhok sa kili-kili. Ganoon pa man ay nais naming magpasalamat aa inyong pagdating." "Tama si Brod Archy, Madam Miller. Kagaya ng mga ninuno naming naging loyal sa inyo noong kapanahunan ninyo ay ganoon din kami kay Master PM. Hindi naman siya magagalit ng walang dahilan. Hindi rin ito abusado sa aming mga tauhan. Bipolar? No, mali po. Nagkataon lamang na nakakainit and bumbunan ang nangyayari sa paligid." "Kayong lahat sa pamilya ninyo, Madam Miller at Sir. Mas kilala n'yo ang bossing namin. Kaya't kayo na rin ang nakakaalam kung bakit ganoon na lamang namin ito protektahan ayon sa inyo." Mga ilan lamang sa salitang binitiwan ng mga tauhan ng binata. Kaya't mas napasimangot siya. Umuusok na nga ang ilong niya dahil sa lintik na mapang-abuso ay mukhang kailangan pa niyang kumuha ng director. Kaso bago pa niya maibuka ang labi ay ang ama naman ang nagwika. "THANK YOU, guys. Kahit hindi ninyo ipaliwanag ang dahilan ay labis-labis ang pasasalamat ko sa inyong lahat." "Pierce, anak. Wala ng ibang nakakaunawa sa tulad mo kundi kaming magulang mo. Ngunit alagad ka ng batas kahit pa sabihin nating private agency ang hawak ninyo ng mga tauhan mo. Kaya't huwag mong ihalo ang personal mong damdamin sa trabaho. You are intelligent man. Ibig sabihin ay alam mo kung ano ang nararapat mong gawin sa mga nagkasala." "Ikaw naman, Mister. Naturingan kang may katungkulan sa ating bansa ngunit mukhang talo ka pa ng mga bagets. Be man of your own." Pak na pak! Kapag makatakas ang bihag ninyo ay walang ibang may kasalanan kundi kayong lahat! Ngunit dahil na rin sa pagnanais makausap ng maayos ang bunsong anak ay ipinaubaya ng mag-asawang Mary Claire at Martin Luther sa mga tauhan ng anak ang tungkol sa bihag. MADRID SPAIN Dahil na rin sa kalagayan ay mas nangamba si Isabella. Nais niyang ipagtapat sa kasintahan na buntis siya. Ngunit labis-labis ang panlulumo niya dahil kung kailan kailangang-kailangan niya itong makausap ay saka naman ito hindk nagpaparamdam. 'Hindi ka na mahal ng Matteo mo, Ma'am Lopez.' "Pardon? Hindi lang nagparamdam ang tao ah. Who knows he is just busy nowadays." 'Miss Lopez, kagaya mo. Lagi kang busy sa iyong mga estudyante. Nagkulang ka ba sa pagmensahe sa kaniya? Hindi 'diba? Tinatawagan mo pa nga siya.' "Huwag mo akong gawing salawahan, self. Mahal ko si Pierce Matteo. Kaya nga nagkaroon kami ng baby. Hindi kami nakalimot ng paulit-ulit kung hindi namin mahal ang isa't-isa." Muli ay pangaral niya sa sarili. At bago pa siya tuluyang mabaliw na kinakausap ang sarili ay napagdesisyonan niyang magtungo sa bahay ng tiyahin o sa mansion ng mga Gonzalez-Harden. Upang makibalita sa tiyuhin. Ayon dito ay malapit nitong kamag-anak ang mahal niya. "Sigurado naman akong mayroon akong malalaman kay Uncle Aries. Kamag-anak niya iyon," bulong niya. Wala pang nakakaalam na buntis siya kaya't ingat na ingat siya sa bawat kilos. Hangga't maari ay wala siyang pagsasahihan sa tunay niyang kalagayan habang hindi pa niya nakakausap ang kasintahan. Kaso! Habang papalapit siya nang papalapit sa mansion ng Gonzalez-Harden ay mas lumalakas ang kabog sa kaniyang dibdib. 'Ano kaya ang ibig sabihin nito? Panginoon ko, maari bang ituro mo sa aking kung ano ang nararapat kong gawin?' Napaantada niyang panalangin. "Good afternoon, Miss Isabella. Napasugod ka yata." Magalang na pagbati sa kaniya ng nadatnang guwardiya. "Same to you, Sir. Nais ko sanang makausap sina Auntie Leonara at Uncle Aries Dale. Nandiyan ba sila?" patanong niyang tugon. "Pasok ka na, Miss Isabella. Nandiyan silang mag-asawa at mga pinsan mo," sagot nito. "Thank you, Sir. Maiwan na muna kita rito at papasok na ako." Bahagya siyang yumuko saka tuluyang naglakad papasok sa main living room ng mansion. Kaso! Nais niyang pagsisisihan kung bakit nagtungo siya roon! Dahil sa mga narinig! Hindi niya tuloy alam kung ipapaalam niya ang kaniyang presensiya o aalis na lamang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD