CHAPTER FIVE

2045 Words
"WHAT'S the matter wrong with you, Pierce Matteo Smith Miller?! Do you still consider us as your parents?!" malakas na tanong ni Claire sa bunsong anak. Noong una ay hinayaan lamang nila ito. Ngunit madalas na ang pagiging invisible sa mansion. Okay lang sana kung sa dungeon lang ito nagtatambay kaso hindi eh. "Anak, unawain mo ang hinaing namin ng Mommy mo. Wala namang problema kung gusto mong mamasyal kahit saan. Ang sa amin lang sabihin mo sa amin kung saan ka pumupunta. Kaysa naman magulat na lang kami na nasa Madrid ka na pala. Okay lang sana kung sa mga tiyuhin mo ikaw makipanuluyan." Dagdag pahayag pa ng Ginoo. Wala naman sana silang pagtutol kahit manirahan ito sa Madrid. Maaring wala silang bahay doon ngunit malaking pamilya ang kinabibilangan ng mahal niyang asawa. Kapwa na rin nila may edad ang mga pinsan at pamangkin ng asawa niya roon. Ngunit mas nababahala sila sa kaalamang nahuhumaling ito sa anak ng sworn enemy nila. Ang masaklap ay mukhang may nangyari na sa mga ito. SAMANTALANG sa pahayag ng mga magulang ay bahagyang natahimik ang binata. Tama naman kasi ang mga ito. Bihirang-bihira siyang makarinig ng pagtutol ng magulang sa lahat ng desisyon ginagawa. Kahit nga ang banggitin ang buo niyang pangalan ay hindi nila gawain. "Huwag mong sabihing nalunok mo na rin ang iyong dila? Kahit mga sariling tauhan ay wala kaming mahihita sa kanila. Kulang na lang ay magmakaawa kami ng Daddy mo upang sabihin sa amin kung nasaan ka--- Ano ba?! Wala ka bang balak magsalita? Huwag mo akong galitin ng husto! Dahil hindi mo magugustuhan ang aking gagawin!" Ayon! Ang mahal niyang ina ay muling kumidlat! Well, ayon sa mga nakapaligid sa kanilang lahat ay dito raw niya namana ang pagka-bipolar. Kaya't bago pa ito muling kumulog ay mas minabuti niyang nagsalita. "Mommy, wala akong maidahilan sa inyo ni Daddy. Dahil totoo namang halos sa Madrid ako manirahan. Hmmm... Kahit naman bipolar ako ayon sa inyo ay mayroon pa rin akong hiya. Kaya po hindi kina Uncle Aries Dale at Uncle Enrico tumutuloy dahil nahihiya ako. I love you, Mommy." Malambing siyang umakbay sa inang salubong ang kilay. Ah, hindi na iyon bago sa kaniya. Dahil mula pagkabata niya ay nakikita na niya kung paano bulyawan at hablutin ng ina ang mga kapatid niyang kung sa edad ang basehan ay mga magulang na niya! Ah, whatever! Aba'y kasalanan ba niya kung menopausal baby siya! Bunso ngang pamangkin sa nag-iisang kapatid na babae ang kaedaran niya eh! Tsk! Tsk! Kaso! "Heh! Makapag- I love you Mom ka nga pero nakaismid naman. Aba'y gusto mong ako ang papalo sa iyo? Hah! Ngayon alam ko na kung bakit loyal na loyal sa iyo ang apo ni Edward. Makikita mo at ako mismo magtatanggal sa kanila---" Mula pagkayakap sa ina ay nagmistulang sinundot sa puwet ang binata. Patalon siyang lumipat sa ama at dito naman siya yumakap. "Daddy, kako naman po wala akong mairason dahil totoong sa Madrid ako naglalagi recently. Kaya't huwag ka ng mamalo. At saka hindi naman po ako napaismid dahil sa inyo ni mother earth. Naalala ko lang ang mga gurang kong kapatid. Lalo ang bunso ni Ate. Mas malala sa inyo ni Mommy manermon eh. Oops! Me and my big mouth. But seriously, iyon po ang totoo. Love na love ko nga po kayo ni Mommy." Kulang ang salitang paglalambing upang ilarawan siya sa oras na iyon. Dahil kalalaki niyang tao ngunit nakaangkla siya sa amang dating magiting na MAFIA CONQUERORS. Well, ganoon din naman ang ina. Kaya nga raw nagpanagpo ang landas nila. 'Mauunawaan naman siguro ako ng mahal ko kung bakit hindi ako nakatawag agad-agad,' aniya sa isipan. Dahil magkakatabi lang naman silang tatlo o siya at ang mga magulang ay umusog siya palapit sa isa't-isa saka magkabilaang umakbay sa mga ito. "Mom, Daddy, kagay nang sinabi ko kanina ay hayaan n'yo na ang mga buddy's ko. Dahil kahit siguro ibala ninyo sila sa hidden weapons ng dungeon ay wala kayong maririnig sa kanila. Unless na ako mismo ang mag-utos. Hmmm... Tungkol po sa dahilan ng paglalagi ko sa Madrid ay dahil sa kasintahan ko. But, I'm planning to bring her here in London during their school vacation. Dahil isa itong guro. Kaya't smile na, Mother earth and father the great." Nakaakbay na nga siya sa mga ito ngunit nagawa pa rin niyang pinaglipat-lipat ang kaniyang paningin. SAMANTALANG napahingang malalim si Mary Claire sa naging pahayag ng anak. Dahil sa katunayan ay wala sanang problema kahit saan ito magtungo. Dahil hindi naman pinapabayaan ang trabaho o ang detective agency nila. Kahit ang main branch ng kumpanya nila sa United Kingdom ay ito rin ang may hawak. "PINSAN, alam mo ba ang palagiang pagparito sa Madrid ng bunso mong anak?" tanong ni Aries Dale sa pinsang nakapag-asawa ng Briton. Noong una ay hinayaan lamang niya. Ngunit naging madalas na ang pagtambay nito sa bansa dahil sa pamangkin ng asawa niya. Wala naman sanang problema kung walang lamat ang relasyon ng dalawang pamilya. Kaso sworn enemies eh. Kaya't tinawagan niya ang pinsan. "Oo at hindi, pinsan. Bakit ba? Ang alam ko lang ay out of the country dahil sa trabaho." "Pinsan, aba'y maaring liwanagin mo kung ayaw mong maging in-laws ang sworn---" Iyon na nga! Ang pinsan niya sa ikalawang henerasyon na dating navy officer ay kumidlat! Sumugod pa nga ito noon sa Madrid dahil sa pagka-ospital ng abuela nila o tiyahin ng kaniyang ina. "What?! Huwag mong sabihing seryoso ang kapreng iyon sa babaeng pinamanmanan sa mga tauhan? Hah! Siya talaga ang ibala ko sa sniper gun kong matagal ng nakatago! Susme! Maraming babaeng naghahabol sa kaniya ngunit ang taong iyon pa ang kinahuhumalingan!" malakas nitong saad. "Iyon nga ang dahilan kung bakit naisipan kong ipaalam sa iyo ang bagay na iyan, pinsan. Dahil hindi naman lingid sa akin ang tungkol sa inyo nina bayaw Marcus. Kung hindi nga ako nagkakamali ay sa tuwing nandito ang batang iyon ay sa apartment sila nakatira. Ibig sabihin ay madalas ding may mangyari sa kanila." "Tsk! Tsk! Kahit na sana, pinsan. Dahil nasa tamang gulang na rin naman. Kaso--- Ang bipolar na iyon. Hah! Inaayawan ang mga babaeng hanol nang habol sa kaniya. Ngunit lagi namang nandiyan para sa isang babae!" "Heh! Maka-bipolar ka ay mukhang nakalimutan mo na ang tatak ninyong mga babae sa angkan natin? Susme, kahit nasabi ko ang tungkol dito ay kausapin ninyo ni bayaw ng maayos. Walang hindi dumaan sa pag-ibig. Ngunit alalahanin mong mas henyo pa iyang bunso mo kaysa sa babae mong anak. Still, the United Kingdom and Spain have different costumes and cultures. Idagdag pa ang nasa Catholic country tayong lahat. At higit sa lahat ay guro si Isabella." Kahit na sabihan siya nitong mahilig mag-sona ay walang halaga. Ang importante ay nasabi niya ang nararapat. Nasa pinsan at bayaw na niya kung paano e-handle ang sitwasyon. "Okay, insan. Kaming mag-asawa na ang bahala sa kapreng iyon. Thank you for letting us know about the situation. Ny regards to everyone there," sagot pa nito bago tuluyang nawala sa linya. "MOMMY? Okay ka lang ba? Aba'y kanina pa ako daldal nang daldal. Papaluin mo ba ako? Baka naman magwelga ang mga taga-dungeon kapag gagawin mo iyan." Tumayo siya sa mismong harapan ng ina saka iwinagayway ang palad mukha nito. Kaso singhal naman ang napala. "Heh! Kung gusto mong mag-asawa ay pakasalan mo na! Aba'y kahit kamukha ni Betty ang dalhin mo rito basta ang mahalaga ay marunong rumespeto. Tandaan mong may edad na kami ng Daddy mo. Kaya't kung nais mong maalagaan pa namin ang maging anak mo ay huwag kang makupad! Dahil kahit ajong welga ng mga tauhan mo kung ako ang magalit sa iyong pinaggagawa ay sisibakin ko kayong lahat!" singhal nito sa kaniya. Ngunit sa isipan ng Ginang ay saka na lamang niya aalamin kung bakit apelyido niya ang ginamit ng anak sa pakipagkilala sa dalagang iniibig. 'Ang asawa kong ito ay hindi na pinatawad ang bunso naming nagmana sa aming bipolar. Well, sabagay nga naman. Tama siya. Kung umiibig ang kapreng ito ay wala na kaming magagawa pa kundi suportahan. Aba'y baka maging ruthless na namang wala sa oras,' saad naman ni Martin Luther sa isipan. "Mommy, Daddy, alam ko pong nangangamba kayo. Ngunit ako na ang nagsasabing magtiwala kayong dalawa sa akin. Kagaya ng lagi ninyong ginagawa mula noon hanggang ngayon. Believe me, everything gonna be alright. Marrying her? Yes, I will. In due period of time, I will ask you to accompany me in Madrid to ask her from her father. At higit sa lahat ay isasama ko siya pauwi rito sa susunod kong pagdalaw doon." Muli ay pumagitna ang binata sa mga magulang saka umakbay. Hindi lang iyon, iginaya niya ang mga ito pabalik sa sofa. MADRID SPAIN "Mukhang hindi maganda ang kalusugan mo, Miss Lopez. Aba'y oras na ng uwian ngunit nakasubsob ka pa rin sa iyong trabaho." Tinig ng kanilang principal ang nagpaangat sa paningin ni Isabella. Kaya naman ay basta na lamang siya tumayo upang batiin at nagbigay-galang sana rito. Kaso kaagad din siyang napaupo dahil sa pagkahilo. "Iyan na ang simasabi ko, Miss Lopez. Maghapon ang klase mo sa bawat classrooms. At ngayong uwian na ay nandito ka pa rin. May problema ka ba?" muli ay wika ng principal. "I'm sorry for making you worry, Sir. Ngunit wala akong problema. Nagkataon lamang na nais kong tapusin ang aking report at hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Lalo at may pupuntahan ako sa weekend," magalang niyang tugon saka sinimulang isara ang personal computer na kaharap. "Okay, accepted, Miss Lopez. Ngunit ako na ang nagsasabing kailangan mong magpasuri sa doctor. Dahil noong isang araw pa kita napansin na mukhang namumutla. Remember, we are all educators. Kaya't kailangang maging presentable sa ating mga eatudyante. Mauna na ako sa iyo. At sana sumunod ka na rin, Miss Lope," anitong muli. "Yes, Sir. I will." Nahihilo man siya ngunit pinilit niya ang sariling makatayo upang magbigay-galang sa papalabas na principal. Nang tuluyang nawala sa kaniyang paningin ang principal ay muli siyang napaupo. "Panginoon ko, sana ay mali ang kutob ko. Iligtas mo ako sa kapahamakan, Ama sa kaitaas-taasang langit." Tahimik niyang dasal habang inaayos ang gamit niya sa pag-uwi at maiiwan sa kaniyang lamesa. Ilang sandali pa ay tahimik siyang lumabas at tinungo ang sasakyan. Kagaya nang sinuhestiyon ng principal ay nagtungo siya sa pagamutan upang magpakunsulta. Iyon nga lang ay umiwas sa pagamutang pag-aari ng tiyahin o ang GONZALEZ HOSPITAL. MAKALIPAS ng ilang araw sa UNITED KINGDOM. Abalang-abala si Pierce Matteo sa trabaho ng biglang nagtakbuhan palapit sa kaniya ang mga tauhan sa pangunguna ng personal bodyguard na si Archy. "Tsk! Tsk! Kahit hindi kayo sibakin nina Daddy at Mommy ay ako ang gagawa! Ano ba ang problema ninyo at basta na lamang kayo sumulpot? Hah! Mabuti sana kung hindi ninyo habol-habol ang inyong hininga!" Kalabisan man ngunit dumadagundong ang boses niya sa pagkakataong iyon. Aba'y seryoso siya sa trabaho. Dahil mayroon siyang balak magtungong Madrid sa susunod na araw. Kaya nga sinunod ang mga magulang na tapusin ang mga importanteng bagay sa opisina ng MM DETECTIVE AGENCY. Dibale na sa kumpanya dahil nandoon ang kambal niyang kapatid. Subalit paano niya magagawa ang ninanais kung ang mga lintik niyang bodyguards ay nambubulabog? Hah! Makikita nilang lahat. Nay newly invented weapons siya. Sila ang gagawin niyang bala! Kaso, teka lang! Bakit mukhang seryosong-seryoso ang mga ito? Hindi nga tinablan sa pagsusungit niya eh! "Men, speak up. Huwag n'yong ubusin ang kaunti kong pasensiya dulot ng panggugulat ninyo. Kung ayaw ninyong ipatapon ko kayong lahat sa military department ay magsalita na kahit sino sa inyo," aniyang muli habang ipinapagala ang paningin sa mga nandoon. Maaring napagkasunduan na ng mga ito na kagaya ng dati ay ang personal bodyguard niyang si Archy ang kakatawan o magsalita para sa lahat. Dahil ito ang pumagitna kahit pa halatang hinahamig ang sarili bago tuluyang nagpaliwanag. Kaso! Sa narinig mula rito ay siya naman ang nakalimot. Dahil kung tutuusin ay hindi natapos ang balita nito ay lumipad na ang mga papeles na nasa harapan. Hindi lang iyon! Ang kapre ay naging mabangis na lion! Ang lion ay naging dragon na bumuga ng apoy! Tuloy! Mas walang nakapagsalita sa mga nandoon! Ano nga ba ang nangyari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD