"ALAM nating panibagong heartbreak ito para kay Isabella, pero karapatan nitong malaman ang tungkol dito." "Mom, nagkaroon ka na rin ba ng pakpak? Aba'y nandito sa Madrid ang eroplano pero basta na lamang kayong sumulpot ni Daddy." "Heh! Huwag mong kalimutang family use ang eroplanong iyon, kapre? Tsk! Tsk! Kahit ikaw ang pasahero nito pagpunta mo rito ay naari kong pabalikin sa London anumang oras!" Tuloy! "Abuela, bakit po kapre ang tawag mo kay Papa? Pierce Matteo po ang pangalan niya." Kalabit tuloy ni Max Alejandro sa abuela. Kaso ang dalawang babae naman ang sumalo sa pinagmanahang bipolar! "Twin brother, ang sabi ni Ate Camille, Kapre raw ang tawag nila kay Papa dahil subrang tangkad. Mas matangkad pa kaysa kay abuelo," ani Natalia Victoria na sinang-ayunan ni Sofia Ezperanza.

