"ISABELLA LOPEZ is not my sister. Instead, she is my daughter from our younger years of living, brothers." "What?! My goodness! Huwag kang magbiro ng ganyan, brother. Aba'y paano mo naging anak ang bunso nating kapatid?" Dahil sa gulat ay magkapanabay na napataas ang boses nina Philip at Arthur. "No, hindi ako nagbibiro mga brothers. Kung naalala n'yo ang reaksyon ko kanina kay Miller ay iyon ang nilalaman ng dokumentong nasa kaniya," ani William. "Then, why? Ilang taon na ba si Isabella ngayong taon? Bakit ngayon lang hinalungkat ang tungkol sa bagay na iyan? All of sudden! All of the people who should keep those things! Aba'y bakit kay Miller pa napunta?!" Sa pinaghalo-halong emosyon sa oras na iyon ay hindi na rin napigilan ni Arthur ang sariling huwag magtaas ng boses. "Iyan din

