Kahit anong pilit ni Leia, hindi talaga siya makatulog. Patuloy sa pagtakbo sa utak niya ang napakaraming nangyari sa lumipas na bente kuwatro oras, lalong-lalo na ang nais siyang pakasalan ni Kenneth. “I don’t care, Leia. Basta maging asawa lang kita ay okay na ‘yon sa akin. Wala akong pakialam kung totoo o hindi na kasal ang mangyayari,” narinig na naman niya sa isipan niya na sinabi ni Kenneth, at talaga namang kinikilabutan siya. Ano ba ang mga nangyayaring mga ito? Totoo ba ang mga ito? Ginusto niyang sampalin ang sarili upang masiguro niyang hindi siya nanaginip. Hindi lang niya ginawa dahil hindi na kailangan, dahil naramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang paa. Hindi panagip ang nangyayari. Totoo ang lahat. “Diyos ko, tulungan niyo ako,” naibulong niya kasabay nang pagsubso