Mugto ang mga mata ni Leia nang umagang iyon at ang totoo, ayaw nga sana pa niyang bumangon. Ang kaso ay panay kasi ang katok sa pinto ng sinumang tao na nasa labas ng silid niya. “Pasok po,” tugon niya at pinilit nang bumangon. Tulog pa si Lacey sa tabi niya. "Good morning," bati agad ni Kenneth sa kaniya na ngiting-ngiti nang magbukas ang pinto. Saglit siyang natulala dahil naalala niya ang ginawa ng binata kahapon, na ipinakilala siyang fiancée nito nang walang paalam sa kaniya. Nagi-guilty talaga siya para sa mga magulang ni Kennetha dahil malinaw na niloloko nito. "Sorry, I think your morning isn't going well." Nawala ang ngiti sa mga labi ni Kenneth. Napalitan ng ngiwi. "Um, hindi naman. Nagulat lang ako kasi nandito ka pa pala. Wala ka bang lakad ngayon?" "Well, masanay ka na