Lubos na ikinagulat ni Leia nang dumating na ang mga bisita ni Kenneth na itinawag nito kay Leia. Sila pa ay ang mga magulang ni Kenneth. Parehas mataba ang dalawang matanda. Hitsurang Pinay ang mommy ni Kenneth at mukhang Amerikano naman ang daddy nito. “Mom, Dad, si Leia po, my fiancée,” ngiting-ngiti na pakilala ni Kenneth sa kaniya sa magulang nito na galing pa sa America. Ang ngiti ni Leia ay dahan-dahang napalis. Parang pasabog iyon para sa kaniya. Fiancée siya ni Kenneth? Kailan pa? “So, totoo pala talaga ang sinasabi niyo ng Kuya Marvin mo? I thought you were just kidding all along,” blangko ang ekspresyon ng mukha na saad ng ginang. Nagkibit-balikat naman ang ama ni Kenneth. Ito ang mukhang istrikto. Lalaki na hindi masalita. “Of course, I'm serious, Mom. We shouldn't treat