Si Kenneth na mismo ang nag-ayos ng hihigaan niya. Iyong kasambahay sana pero pinaalis iyon ni Kenneth. Gusto raw ni Kenneth na ito ang mag-aasikaso sa kaniya. "Okay na. Puwede ka nang magpahinga," sabi ni Kenneth nang matapos na ito. Parang walang narinig si Leia. Nakaupo siya kaniyang wheelchair at tahimik na nakatanaw sa bintana. Malalim na naman ang inilalakbay ng isip niya. Hindi talaga niya mapigilan. Mabuti na lang ay napakurap si Leia. Natauhan din siya, nawala siya sa malalim na pag-iisip. At doon na niya napansin na nakatingin na pala sa kaniya nang matagal si Kenneth. "Iniisip mo na naman siya?" malungkot na tanong nito sa kaniya. "S-sorry,” kinabahang paghingi niya ng paumanhin. "Okay lang, Leia. Hindi mo naman ‘yon maiaalis sa ‘yo agad dahil asawa mo siya. Huwag kang mag